Chapter 1

1K 14 0
                                    

            “Nurse! What happened?? Anong nangyari sa mama ko??” halos pagalit na salubong ni Josh sa nurse na kausap ng kaniyang dalawang kapatid na babae sa labas ng ICU unit.

            Pag-akyat pa lang niya ng 3rd floor ng hospital na iyon, napansin na niyang nagmamadali papasok ng ICU unit ang mga doktor at mga nurses. Kinabahan na siya dahil doon ang kinaroroonan ng kaniyang ina. Na-atake sa puso ang kaniyang mama tatlong araw na ang nakakaraan, pero ngayon pa lang siya nakauwi galing Amerika. Dumiretso na siya kaagad sa ospital para makita ang kaniyang mama pero parang huli na ang lahat. Nakita niyang umiiyak ang dalawa niyang kapatid na babae samantalang ang stepfather naman niya ay nakaupo sa ICU lounge at umiiyak na rin.

            “I’m sorry pero ginawa na po namin ang makakaya namin, ng mga doktor, hindi na namin siya nailigtas. Isa’t kalahating oras na rin po kaming nagrerevive sa pasyente pero..” litanya ng nurse na kaharap na niya ngayon.

            “Then continue doing it! Kahit ilang oras pa yan abutin,wala akong pakialam basta mailigtas lang ang mama ko!” sagot niya sa malakas na tinig. Nakita niyang nabigla sa reaksiyon niya ang nurse pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay ang mama niya!

            “I’m sorry Mr. Alberto, gaya po ng sabi ko, ginawa napo namin ang lahat ng makakaya namin pero hindi napo nagrerespond ang pasyente sa mga medical treatments na binibigay sa kaniya.” malumanay na sagot ng nurse sa kaniya.

            “Ano bang klaseng ospital ito?? Bakit hindi niyo nagawang iligtas ang mama ko??” galit pa rin siya, kahit alam niyang baluktot na ang katwiran niya ay hindi pa rin niya magawang huminahon.

            Tumahimik na lang ang nurse na kausap niya, yumuko ito at humingi ulit ng pasensiya. Pagkatapos ay tumalikod na ito at pumasok ulit sa loob ng ICU.

            “Kuya Josh... wala na tayong magagawa. Hindi na nakayanan ng mama. Huwag mo na silang sisihin pa. Ginawa naman nila ang makakaya nila.” Naiiyak pa ring tugon ni Anna, isa sa nakababatang kapatid niya.

            Nanghihina namang umupo si Josh sa tabi ng stepfather niya, “Ano ba ang nangyari? Hindi ba sabi niyo sa akin na ok na si mama? Sabi niyo pa nga na ilalabas na siya ngayon sa private room diba?”

            Si Annie naman ang nagsalita, kakambal ito ni Anna, “Ganun din ang sabi ng doktor kaninang umaga, na maaari na siyang ilabas ng ICU...”

            “Eh anong nangyari?? Nagpabaya ba ang mga nurses diyan??” paasik pa rin niyang tanong pero hindi na niya hinintay ang sagot, tumayo siya at kumatok sa pinto ng ICU.

            Binuksan naman ng nurse na nakausap niya kanina ang pinto.

            “Gusto kong makita ang mama ko.” wika niya rito.

            “Sige po sir, pasok kayo.” sagot naman ng nurse at niluwagan ang pinto. Pinasuot siya nito ng gown at mask.

            Tuloy-tuloy naman siyang pumasok at pinuntahan ang kaniyang mama. Pagkakita niya rito, hindi niya mapigilan ang umiyak. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil nahuli siya ng dating, ni hindi man sila nagkausap ng kaniyang mama bago man ito pumanaw. Hindi man lang siya hinintay nito.

            Hinaplos-haplos niya ang kamay ng mama niya na nanlalamig na. “Ano ba talaga ang nangyari nurse? Hindi ba ngayon dapat ilalabas ang mama ko?”

            “Opo sir... dapat talaga ngayon siya matatransfer sa private room pero noong hinahanda na namin ang patient’s chart niya at itatransfer na namin siya, nag-chest pain po ulit siya, chineck ko po ung blood pressure niya, mataas ung BP niya. Hindi po stable ang vital signs niya kaya tinawag na po namin ang attending physician niya, pinabigyan po niya ng gamot na pampapababa ng BP... At pinatigil muna ang pagtransfer sa kaniya sa room.” malumanay pa ring sagot ng nurse sa kaniya, mukhang hindi pa rin ito natitinag sa galit na reaksiyon na pinakikita niya mula kanina.

RN on Duty 1: The Nurse and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon