Chapter 2

622 7 1
                                    

            Isang buwan na ang nakararaan mula ng mangyari ang insidenteng iyon. Napatunayan na wala siyang kasalanan sa nangyari. Yun naman talaga ang totoo. Nagkataon lang talaga na hindi niya kaagad naidokumento ang pagmonitor niya sa pasyente dahil nga sa sobrang pagkabusy niya. Ipinagtanggol siya ng mga kasamahan niya noong araw na iyon, pinagsulat din sila ng report tungkol sa insidenteng nangyari, at pinaliwanag ng mga ito na nakita naman nilang minomonitor niya ang vital signs ng pasyente. Ibig sabihin ay hindi siya nagpabaya sa trabaho niya. Biglaan ang pag-atakeng muli sa puso ni Mrs. Alberto. Traydor ang sakit na yun. At base sa pag-iimbestiga, napatunayang walang katotohanan ang paratang ng anak ni Mrs. Alberto.

            Pero kahit ganoon man ang nangyari, ipinasiya pa rin niyang ituloy ang pagreresign niya. Siguro nga ay kailangan muna niyang magrelax. Masyado na siyang naging workaholic. Wala na siyang panahon para sa sarili niya.

            Ngayon ang pag-uwi niya sa Pampanga, naempake na niya kagabi ang mga gamit niya. Saka namang pagbukas ng pinto at sumungaw doon ang iba pa niyang kaibigan.

            Si Shanti ang unang lumapit sa kaniya. Sa kanilang pitong magkakaibigan, si Shanti ang kapareha niyang may taglay na tinatawag na ‘babyface’. Pareho silang mukhang high school, sabi nga ng iba. Petite din kasi silang pareho. “Buti kapa Raine. Makakapagbakasyon ka na. Makakapagrelax kapa.”

            Niyakap naman niya ang kaibigan, “Ano kaba? Puwede mo namang gamitin ang vacation leave mo para makauwi eh.”

            “Ay, ayoko. Rinereserba ko yun sa birthday ko.” Natatawang tugon ni Shanti. “Basta pag bumalik ka rito, pagdala mo kami ng pagkain na luto ni Tita ha, namimiss ko na ang luto niya.”

            “Oo naman, kayo pa! Saka alam niyo, hindi naman ako sobrang magtatagal dun noh, babalik pa rin naman ako dito Maghahanap ulit ako ng trabaho pagbalik ko o di kaya naman ay itatry kong mag-abroad.” Napangiti siya sa naisip, siguro nga ay panahon na para subukan niyang magtrabaho sa ibang bansa.             

            “Ayan kana naman Raine! Nang-iiwan kana naman! Nagpaplano kana naman na hindi man lang kami kinokompronta!” pagsusungit na pahayag ni Cristine. Si Cristine ang pinakamataray sa kanilang pito. Pinakamagandang deskripsyon sa kaniya ay ang salitang ‘black beauty’. Morena kasi ang balat niya.

            Natatawang sumagot naman si Raine, “Siyempre naman pag-uusapan din natin yan pagbalik ko noh, nagsusungit kana naman.” Saka ito muling tumawa.

            Sumabad naman si Margie, “Uy sis! Paghanap mo naman ako ng boys dun ah, kahit textmate muna, huwag lang yung nagtitinda ng litson manok!” Napatawa naman ang magkakaibigan sa tinurang iyon ni Margie. Hindi pa rin pala nakakapag get over ang kaibigan nila sa nangyari sa kaniya nung college sila. Nakipageye ball ito sa textmate niya pero sa kinalaunan, nalaman niyang nagsinungaling pala ang katxtmate niya sa kaniya. Kabaligtaran ang lahat ng sinabi nito sa kaibigan niya. And worst, tindero lang pala ng litson manok ang katextmate niya.

            “Alam mo sis, huwag kang masyadong mapamili. Sige ka, baka tindero naman ng  litsong baboy ang makakatextmate mo.” Yun lang at sinabayan na niya ng tawa.

            “Grabe ka naman Raine. Ah basta, paghanap mo ako ah.” pangungulit pa rin ni Margie.

            Tinanguan na lang niya ang kaibigan. “Oo na, ikaw talaga!”

            Si Genna naman ang lumapit. Ito ang kaibigan niyang may pagkaboyish, palibhasa ay nanggaling sa all girls school noong high school pa ito, kaya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ang pagkasiga. “Basta agad kang bumalik Raine ha, mamimiss ka namin.”

RN on Duty 1: The Nurse and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon