Chapter 8

403 4 0
                                    

            “AT SINONG nagpahintulot sa iyo na magday-off ka ng Linggo?” bulalas ni Josh pagkabalik na pagkabalik ni Raine sa sala.

            “Ang mga kapatid mo ang nagsabi niyon sa akin.”

            Nainis siya dahil pinangunahan siyang muli ng kapatid. Ayun tuloy, nagkaroon ng pagkakataon si Raine na makipagkita sa Paul na iyon. “At sinong magbabantay kay Tito Roberto?”

            “Ang mga kapatid mo rin, sinabi nila sa akin na wala naman silang trabaho pag Sunday kaya sila na lang ang mag-aalaga muna kay Ninong. Tinuruan ko na rin sila kung paano nila ito pakainin.”

            “Pinlano mo na ito lahat para makipagkita kay Paul noh?”

            “Eh kung sabihin kong OO. May problema ba doon?”

            Lalong tumalim ang titig niya kay Raine, “Alam ba ni Paul na ipinagkakaloob mo sa akin ang sarili mo?”

            Lumaban naman ng tingin ang dalaga sa kaniya, “Huwag kang masyadong mayabang Josh. Wala tayong relasyon. Kung ano man ang ipinagkaloob ko sa yo ay pwede ko ring ipagkaloob sa kaniya.” Tumalikod si Raine pagkasabi niyon saka naman niya hinawakan ang braso nito.

            “Don’t you dare!” matigas niyang wika rito. Hinarap niya si Raine sa kaniya.

            “You don’t have the right na pagbawalan ako sa gusto kong gawin Josh! You are nothing to me! Kaya bitiwan mo ako!” Nakawala ito sa pagkakahawak niya at mabilis na umakyat sa hagdan.

            Nasundan na lang niya ito ng tingin habang kinukuyom ang kamay.

            Ilang linggo na rin ang lumipas at nagpatuloy sa pagtatrabaho si Raine sa mansiyon ng mga Alberto. Iniiwasan pa rin niya si Josh kahit halos araw-araw ay nagkikita sila nito. Kailangan na niyang pigilan kung ano man ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon.

            Nagkita na rin sila ni Paul, ikinalungkot din niya ang pandidiretso na niya rito. Sinabi niya na kaibigan lang ang pwede niyang i-offer rito. Nawala na ang pagkagusto niya rito simula ng makilala niya si Josh, at maibigay ang sarili sa lalaki. Pero siyempre hindi naman ito ang sinabi niyang dahilan kay Paul. Sinabi na lang niya na iba na siya ngayon, past is past kumbaga. Kahit ipilit niya ang sarili na magustuhan muli ang lalaki, ay hindi na rin niya magawang mahalin ito. Puppy love lang pala ang naramdaman niya noon para rito.

            Naintindihan naman daw yun ni Paul bagamat nakita niya itong nasaktan. Ipinilit pa nga nito na baka daw ang dahilan ay si Josh? Mariin naman niyang itinanggi ang sinabing yun ni Paul.

            Bandang huli ay napagpasiyahan na lang nilang maging magkaibigan. Tinanggap naman yun ni Paul nang maluwag sa dibdib. Kaysa naman daw hindi siya nito makikita. Kahit papaano ay masaya na raw siyang maging kaibigan nito.

            At ngayon naman ay may plano nang nabuo si Raine, magreresign na siya as private nurse ng Ninong Roberto niya, hindi na niya kaya pang makiharap at makasama pa si Josh sa bahay na iyon. Lalo na nang nakita niya itong may babaeng kasamang nagsuswimming sa pool si Josh. Nakatwo-piece ang babae, at walang pakialam na dumikit-dikit sa lalaki na animo’y sawa. Pinilit niyang iblangko ang ekspresiyon niya nang makita ang dalawa, pinilit din niyang huwag magpakita na kahit anong pagseselos sa mukha niya. Nakangiti pa nga niyang binati ang babae. She’s such a good actress! Kahit sa loob-loob niya’y nagdurugo ang puso niya.

RN on Duty 1: The Nurse and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon