Chapter 4

475 5 0
                                    

            Nakaupo sila sa buhangin habang nakapaikot sa iniikot na bote. Nagshoshot din sila ng tequila. Hindi naman siya killjoy kaya iniinom niya ang tequila na inaabot sa kaniya. Katabi niya sa kaliwa si Paul na kanina pa siya binabantayan. Kinakantiyawan na nga sila ng mga kasamahan nila Paul at Ramil.

            Katabi niya sa kanan si Bobby, ang isa pang kaibigan ni Ramil. Pero sa kinalaunan ay tumayo ito dahil may tumawag sa kaniya sa telepono. Sakto namang pagdating ni Josh at inanyaya ni Ramil na umupo sa pwestong iniwanan ni Bobby. Nailang naman si Raine dahil nakatabi niya ang lalakeng humalik sa kaniya kani-kanina lang.

            Sinikap na lang niyang hindi ito pansinin, ibinuhos na lang niya ang buong atensyon kay Paul.

            Halos matilihan siya nang tumigil sa direksiyon niya ang boteng pinapaikot ng mga kasamahan niya. Sabay-sabay pa silang nagtanong ng “Truth or Dare?”

            Inisip niyang mas magiging safe siya kung DARE na lang ang pipillin niya, napansin kasi niyang masyadong personal ang tanong ng mga ito kanina pang naglalaro sila. Sumagot siya ng “DARE”.

            Nagsalita naman ang matabang babae na nakilala niyang Mina ang pangalan. Kasamahan ito ni Ramil sa trabaho. “Ok! Dare ha!? Halikan mo si Paul in 5 seconds, or make it 10 seconds na. Go!”

            Napatingin siya kay Beatrice na halata namang kinilig sa sinabi ni Mina. Tinanguan siya nito na ipinahihiwatig na gawin niya ang iniutos ni Mina. Nagsigawan naman ang iba pang kasamahan nila na nakapalibot sa bote na iyon, napansin niyang medyo lasing na ang mga ito. Kahit siya ay medyo tipsy na rin pero nasa hustong katinuan pa naman. Napatingin din siya kay Josh na tinititigan din siya. Galit ang nakikita niya sa matang iyon. Tila ipinahihiwatig sa kaniya na huwag niyang halikan si Paul. Dahil doon ay lumakas ang loob niya! Hindi niya papayagang kontrolin siya ng lalaking ito, na para bang pag-aari siya. At isa pa, baka pag hinalikan na niya si Paul, mawawala na sa isip niya ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Josh kanina.  

            Hinarap niya si Paul, at kinabig palapit. Hinalikan niya ito sa labi pero hindi niya ginalaw ang labi niya. Narinig pa niya ang bilang ng mga kasamahan niya, “10-9-8-7-6-5-4-3-2-1”

            Linayo na niya ang sarili kay Paul bago pa naigalaw ni Paul ang sariling labi nito. Paul wants to kiss her back pero bakit parang ayaw niyang mangyari iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Napansin niyang bumuntung-hininga si Josh sa tabi niya pero sinikap niyang huwag pansinin iyon.

            Narinig niyang nagsalita si Josh, “Game na, Ikaw na ang mag-ikot sa bote Raine.” utos nito sa kaniya.

            Inikot na lang niya ang bote, sinikap niyang huwag tumingin kay Josh. Umikot ang bote at tumigil ito kay Josh!

            Halos kiligin naman ang mga kababaihan ng makitang si Josh ang susunod na mapaparusahan. Dare ang pinili ni Josh na ikinatuwa naman ng mga babae. Si Ramil naman ang nagsalita, “Josh pare! Halikan mo dito ang babaeng natitipuhan mo.”

            Sa sinabing iyon ni Ramil, napansin niyang napatingin si Beatrice sa kaniya. Napayuko na lamang siya, napagpasiyahan niyang tumayo na lamang at magpaalam sa kanila. Nagdahilan siyang masakit na ang ulo niya. Akmang tatayo si Beatrice at Paul para samahan siya pero pinigil niya ang mga ito, “Huwag niyo na akong samahan, kaya ko na ‘to. Mag-enjoy na lang muna kayo diyan.”

            Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo sa kanila ng marinig niyang nagsigawan ang mga kasamahan nila,marahil ay may hinalikan na si Josh sa sandaling iyon. Hindi na niya tiningnan kung sino ang hinalikan niya. Tuluy-tuloy siya sa paglalakad ng may humawak ng marahas sa braso niya at hinila siya paharap.

RN on Duty 1: The Nurse and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon