Chapter 9: Feelings and Contemplation

50 12 0
                                        


James' Point of View

AS TIME flew, Stephanie and I got closer and closer.

Getting to know her better, I couldn't help but admire her even more. Pataas din nang pataas ang respeto ko sa kanya. Hindi rin siya mahirap gustuhin sa kung sino siya. She was just amazing in her own way.

But I still hadn't changed my mind. Maybe I liked her? A bit. As a person? But the involvement of romantic feelings in our relationship ... it never crossed my mind.

Pero ayoko rin mang aminin, alam kong hindi ako sigurado sa kung ano ba talaga siya para sa akin. Kaibigan lang ba? O mas higit na? I couldn't tell. Ang alam ko lang, I loved what we had and to me, it was enough.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Stephanie was nowhere to be found. I went to the kitchen, and she wasn't there.

"Mom, where's Stephanie? Hindi naman po siya umalis, 'di ba? 'Cause if she did, bakit hindi man siya nagpaalam sa akin?"

Lumapit sa akin si mom. She was wearing an apron. Mukhang magluluto siya. "James, do you think she can do that? Gustong-gusto ka no'ng tao, 'tapos iiwan ka nang gano'-gano'n lang?"

"Then, where is she?"

She pointed to the door. "Nasa labas siya ngayon. Nagpabili ako sa kanya ng soy sauce at paminta dahil nalimutan kong bumili. Sundan mo siya para matiyak na hindi siya mapapahamak."

Lumabas ako ng bahay at sinimulan siyang hanapin. I walked as fast as I could. Hindi ko alam, ngunit may bigla akong naramdamang hindi maganda. I needed to find her now! Hindi maaaring may mangyaring masama sa kanya!

"Stop bullying her! Mali ang ginagawa ninyo!"

That was her voice!

Dahil sumigaw siya, dinig na dinig ko ang kanyang boses. Boses niya talaga 'yon, nakasisiguro ako. Halos araw-araw ko kayang naririnig ang boses niya.

"Ang tapang mo, miss!"

"Tingin ko, gusto na kita!"

"'Yan ang gusto ko, palaban."

Tumakbo ako sa kung saan nagmula ang boses. Huminto ako nang makita ko siyang nakatayo sa pagitan ng isang babaing mukhang kaedad lang niya at ng limang lalaking halatang mas matatanda sa kanila.

"Stephanie..."

The guy in front of her looked at her from head to toe. I didn't like the way he did it. Napatiim-bagang ako. Parang gusto ko siyang suntukin bigla.

"Bakit ba nakikialam ang isang maganda at seksing gaya mo? Nagpapapansin ka rin ba sa akin tulad ng malanding babaing 'yan?" He pointed to the girl behind Stephanie. "Pareho pala kayong malandi? Ang mga babae talaga ngayon, halatang walang ibang maisip na gawin kaya nang-aakit na lang ng - "

"Nagkakamali ka." She looked so calm. "Mali ang iniisip at pinaniniwalaan mo tungkol sa mga babae. Hindi lahat ng babae ay kasing-baba ng iniisip mo. At ang babaing iniinsulto mo ngayon, hindi siya malandi. Gusto ka niya at ipinapakita niya lang ang nararamdaman niya. Pero sa halip na ma-appreciate, ipinahihiya mo lang siya sa harapan ng mga kaibigan mo. Sagutin mo nga ako, gaano ba kahirap ang pinagdaraan mo para umasta ka na parang walang puso?"

Napatingin ako sa babaing nasa likod niya. Hindi siya matigil sa paghagulgol. I looked at the guy who I wanted to just hit in the head with my fist. She liked him? He literally looked like a drug addict!

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Dapat pa ngang magpasalamat ang babaing 'yan dahil pinapansin ko siya, eh. Mabait kaya ako. Kasi kung hindi? Hindi ko talaga papansin ang pangit na nga, pero malanding gaya niya!"

Forever with You (Under Editing And Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon