Chapter 21: A Day plus one Good Night

3.9K 100 22
                                    

"Ano? Wala ka bang balak bumaba?" And Ara was back to her usual self. Di tuloy magkandaugaga sa pagsunod si Mika. Gulong-gulo na naman s'ya dahil hindi n'ya matantya ang huli. Mas nakakatuyo pa ito ng utak kaysa sa pinakamahirap na Math problem na naencounter n'ya sa buong buhay n'ya. Para itong umaandap-andap na ilaw sa bilis nitong magpalit ng mood na mas mabilis din ng di hamak sa pagpapalit n'ya ng damit. Daig n'ya pa ang laging may nakakasalamuhang menopausal. Ang sakit sa utak intindihin.

"Ate Vic!" Nagulat na lang s'ya nang wala pang isang minuto ay pinagdadambahan na si Ara ng may limang bata na sa tantya n'ya ay naglalaro ang mga edad sa 5-8 taon gulang.

"Oh teka, isa-isa lang." Sabi ni Ara sa mga ito na halos ma-out of balance na sa kanyang kinatatayuan. Lumuhod ito parang maging kapantay ang mga bata at hindi mapigilan ng dalaga na humanga sa huli. Hindi n'ya kasi akalain na mahilig ito sa mga bata. Wala kasi sa itsura at hindi talaga mahahalata sa pagkamainitin ng ulo nito. Muli, isa na namang panibagong bagay ang natuklasan n'ya tungkol sa hari at kaunting-kaunti na lang ay mababago na ng tuluyan ang pagkakakilala n'ya rito.

-Mika's POV-

"Ate Vic, ate Vic sino s'ya?" Tanong ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay pinakamaangas sa mga batang naroroon. Nasa 5 taong gulang lang yata ito pero kung makaporma, wagas. Nakatirik sa gitna ang buhok nitong lutong-luto sa hindi ko malaman kung gel ba ga o wax. Nakasleeveless na spider man shirt, ternong shorts na umaabot sa tuhod n'ya ang haba at pares ng brown sandals. Ang cute!

"Hello ako si Ate Mika. Ikaw anong name mo? Ang cute-cute mo naman." Sabi n'ya dito sa magiliw na boses. Tumingkayad pa nga s'ya para maging magkapantay sila kahit papano.

Pero sa halip na sagutin ay tinapik lang s'ya ng bata sabay sabi ng, "Taya!" Pagkatapos ay kumaripas na ito ng takbo sampu ang iba pa nitong kasamahang mga bata.

"Oh bilisan n'yo." Narinig n'ya na lang na sabi ni Ara na sige na din sa pagtakbo.

Teka totoo ba tong nakikita ko? At teka kelan pa ako nasali sa ganitong laro?

Left with no choice, Mika sprinted her way towards the kids who were all giggling and had the biggest smiles in their faces. It was such an adorable sight. They looked like a huge, happy family and never have the young lass ever thought that it would be a day of so much fun. It went amazingly well. They played lots of other games ranging from sili-sili water, hide-and-seek, tumbang preso and many other outdoor games that is bound to be forgotten by the due to gadgets becoming more and more popular nowadays. But those young ones, they prefer to be under the son. They moved and laughed with not even the slightest bit of pretensions. Everything was plain pureness and her seeing how Ara was with these kids made her realize that maybe, just maybe there was a soft spot no matter how small behind her coldness and in that very moment all her thoughts of leaving to another place vanished without trace.

Hindi ako magaling magdrawing. In fact, wala nga akong talent sa arts eh. Hanggang stick man nga lang ang pinakamagandang kayang marating ng artistic skills ko. Maliban dun puro vague lines, curves at shapes na lang ang kaya kong idrawing. Hindi kasi ako pinanganak na may talent sa sining pero kung may kakampi ang mga tulad ko na plakda pagdating sa Arts portion sa MAPEH nung highschool at elementary 'yun ay ang mga abstract artists. Siguro kung mabibigyan lang ako ng canvas at iba pang painting materials papasa na akong apprentice ni Picasso. Si Picasso... kung ikukumpara ko siguro si Ara sa isa sa mga obra ng sikat na pintor, s'ya ang masasabi kong master piece nito. Para s'yang abstract painting na nakasabit sa dingding. Sa unang tingin akala mo 'yun na 'yun. Isang bagay na kakaiba sa paningin. Tipong iba-iba kung paano iinterpret. Walang fixed definition. Pwede kang malito, maguluhan o sumakit ang ulo. Pwede rin namang wala kang mahinuhang kahit na ano. Para kang tumitingin sa isang malaking palaisipan. Kung iisipin, ang sakit sa bangs pero hindi maikakailang pinapahalagahan tsaka hinahangaan. Ganun naman talaga, mahirap unawain subalit 'pag tiningnan sa ibang anggulo maaring may makitang hindi inaasahan ng mga mata. 'Yun bang makabuo ng hindi inaakalang imahe kahit gaano pa kasimple at 'yun sa palagay ko ang magpapabago kung pano iyon titingnan ng ibang makakakita dito. Ngunit ang malaking hamon ay kung sino ang maglalakas loob o maswerteng mabibigyan ng pagkakataon na matingnan iyon mula sa ibang perspektibo.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon