Huwag kang mag-alala dahil ito na ang huli
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Everything went so fast. We're happy and everyday my love for her only grows deeper. Everything was just pure bliss. However, change, as they say, is the only inevitable thing in this world and as science has put it, nothing else is constant other than this—not ideas, not inventions, not the world and certainly not me or anyone else.
Most of time, I guess, change is good because it means progress but still, there is that tiny percent that it sucks. Maybe because, not all changes are meant for better things. Some changes may mean pain. Sometimes it brings regrets and disappointments and even what ifs or maybe it is not supposed to be that way. Perhaps, it just gets sad when it doesn't happen in two person at the same time, when someone stays as it is while the other follows the course of this ever revolutionary world, when one keeps going while another is lost in track.
***
To: Shiela Baby
Sige. Ingat ka. Love you.
Nailagay ko na lang ang kanang braso ko sa ibabaw ng mga mata ko habang hindi pa rin binibitawan ang cellphone. Tapos isang malalim na buntong hininga. Pang-ilan ko na ba ngayong araw? Ah, ewan! Nawala na ako sa bilang sa sobrang dami.
Tambay ako ngayon sa dorm, nakahiga sa kama at pwedeng-pwede nang bumida sa music video dahil sa itsura ko. Ako na ang senti. Isang pamatay na kanta na lang at pwede na akong i-guest sa Myx.
Tumagilid ako at tiningnan ang wallpaper ko— kaming dalawa ni Bang, nakatingin sa isa't-isa, may sariling mundo, nakangiti, masaya. Kuha ito nung first anniversary namin. Candid shot na si Kimpoy ang kumuha. Kung sana parati na lang kaming ganito.
Huli na ng namalayan kong tumutulo na pala ang luha ko. Mabuti na lang ako lang ang tao sa kwarto pati sa buong dorm kaya hinayaan ko na lang. Siguro kailangan ko rin 'to.
Magtatatlong oras na pero wala pa rin s'yang reply sa text ko. Kahit isang gm o anong paramdam ay wala rin. Naiintindihan ko naman na busy s'ya at maraming ginagawa pero maano bang itext n'ya ako kahit isa lang? 'Yung malaman ko lang na okay s'ya, na hindi s'ya lumiliban sa pagkain, at kung ano nang nangyayari sa kanya. Sobra-sobra ba 'yung gusto ko gayong girlfriend n'ya ako? Ayokong maging possessive dahil baka masakal s'ya pero nitong mga nakaraan natatakot ako. Pakiramdam ko may nag-iba at kahit pilit kong iwaksi sa isip ko 'yung mga alinlangan ko, lalo at lalo lang silang nadadagdagan sa pagdaan ng mga araw.
Ewan ko kung kelan at paano nagsimula pero hindi na kami masyadong nagkakasabay sa pagkain, hind na rin s'ya masyadong malambing, ang dating matagal naming palitan ng text kahit walang sense ay paikli na ng pailkli, madalas wala pang reply. Unti-unti nang nababawasan 'yung mga, "I love you too," at "Mahal Kita." Kahit sa dorm hindi ko rin s'ya masyadong nakakasalamuha. Palagi s'yang busy at sa tuwing tatangkain kong lumapit at maglambing ay para bang tinataboy n'ya ako. Parati na lang may rason. Hanggang sa lilipas ang isang linggo sa dorm na halos wala kaming usap. Madalas n'yang kasama 'yung mga blockmates n'ya. Mas dumadalas na din na ginagabi na s'ya ng uwi. Hindi ko alam kung dapat ba akong mabahala na sa halip na magpasundo ay inihahatid s'ya ng mga kaibigan n'ya. Pampalubag loob ko na lang na grupo silang naghahatid sa kanya dahil baka mabaliw ako kung lalaki o kabaro ko ang maghahatid sa kanya nang walang ibang kasama. Minsan nakiki-sleep over pa s'ya dun sa mga kaibigan n'ya kaya ni halos di talaga kami nagpapang-abot sa Concepcion. Hindi ko na rin s'ya maayang lumabas dahil marami raw s'yang ginagawa. Kahit simpleng kain lang hindi rin dahil palagi akong nauunahan ng mga kaibigan n'ya na makasabay s'ya.
Naiintindihan ko naman na marami akong kaagaw sa oras n'ya at hindi sa sinasabi kong unahin n'ya ako sa pag-aaral pero kasi sobra-sobra ko na s'yang nami-miss. Nasa iisang dorm nga kami, roommates pa pero parang magkabilang dulo ng mundo ang pagitan namin. Sa kabilang banda naiisip ko ding, baka paranoid lang ako dahil pareho kaming wala kaming time pero ginagawa ko naman lahat para magkaroon kami ng oras. Sadyang s'ya lang talaga... Masakit mang isipin pero minsan natatanong ko na lang kung naapreciate n'ya pa ba 'yung mga efforts ko. Pero dahil mahal ko s'ya, titiisin ko lahat. Pikit mata ko na lang na nilulon lahat ng mga takot at pangamba ko.
BINABASA MO ANG
Frozen Heart (KARA FANFICTION)
FanfictionMika Aereen Reyes was a simple, jolly and kindhearted. A girl gifted with height, intelect and undoubtedful beauty enough to make anyone turn their heads. She was filled with love growing in a family with doting parents and a trio of energetic, ofte...