Love trusts; pero paano kung unti-unti ng nilalamon ng pagdududa?
-Mika's POV-
Alas-7:30 na ng gabi at sama-sama kaming pamilya na nagdidinner. Syempre kasalo ang Adlaw ko pati sina kuya present. Masaya kaming pinagsasaluhan ang hapunan namin na kalderata, na kami ni papa ang nagluto. Pakiramdam ko wala na akong mahihiling pa.
Subalit hindi n'ya inakala na hindi magtatagal ang kapayapaan ng kanyang loob. Isang balita ang gigimbal sa kanyang puso at isip.
"Samantala sa balitang showbiz, dumating na sa bansa ang kilalang pinoy pride pagdating sa mundo ng interior design. Kilalang designer si Sheila Pineda na nakapag-design na ng mga furnitures at iba pang kagamitan ng mga sikat na tao sa buong mundo..."
Hindi na narinig ni Mika ang kabuuan ng showbiz news dahil sa epekto ng narinig na pangalan. Alam n'ya ang naging parte ni Bang sa buhay ng kanyang kasintahan at hindi n'ya maiwasang kabahan. Hindi naman kasi nila napag-usapan kahit minsan ang past ng isa't-isa; wala namang s'yang ikukwento pero si Ara meron. Ni minsan kasi ay hindi n'ya inungkat ang tungkol sa ex ng huli. Palibhasa, hindi naman sumasagi sa isip n'ya ang tungkol dun hanggang sa bumulaga ito sa kanya na daig pa ang multo.
Natahimik tuloy s'ya sa kabila ng kwentuhan galore ng pamilya n'ya. Hindi naman iyon nakaligtas sa mga mata ni Ara.
"Yari, ayos ka lang ba?"
"A-ah a-ayos lang. Medyo pagod lang."
"Sigurado ka ah."
"Oo naman. 'Wag mo ako masyado isipin. Ayos lang talaga ako." Sagot ko nang may pilit na ngiti
...
Matapos ang tagpong iyon ay naging maayos naman ang mga sumunod na araw para kay Mika. Nawala na sa isip n'ya ang tungkol sa pagbabalik ng ex ni Ara sa bansa. Pero mukhang hindi s'ya basta papakawalan ng anino ng nakaraan ng kasintahan dahil pagtatagpu-tagpuin sila ng isang imbitasyon.
"Mga bes malapit na 'yung Grand Alumni Homecoming? Aattend ba kayo?" Tanong ni Cienne sa akin habang abala kami sa paggo-grocery. Linggo ngayon at naisipan kong mag-off para mag-restock sa bahay nang maisipan n'yang sumama. Pati si Carol hinila n'ya, mag-girl's bonding daw kami. Hindi lang talaga ako sure kung maa-achieve naming 'yung bonding na sinasabi n'ya gayong ang ipinunta namin sa mall ay para makapag-grocery ako.
"Ay oo nga no. Aattend ata kami." Sagot ni Carol
"Eh kayo girl?" Baling sa akin ni Cienne.
"Ewan. Siguro. Baka."
"Ano ba girl sumama na kayo para kompleto ang barkada." Masiglang anunsyo ni Cienne. Babaeng 'to, di naman s'ya excited sa okasyon. Hmm, I wonder why.
"Sure ka dyan ah? Nagkaayos lang kayo, naging hyper ka na sa pagkikita-kita natin." Pangbubuska ko sa kanya.
"Che. Walang basagan ng trip Mikang."
"Oo na. Oo na. Sabi mo eh."
"Basta attend kayo. Masaya 'yun." Dagdag pa ni Cienne.
"Paano ka naman nakakasiguro na masaya nga 'yung magiging Homecoming aber?" Tanong ko muli.
"Ah basta. Attend kayo kundi pagsusu-sunduin ko kayo." Anunsyo ni aling Ciennang. Ano pa't pumayag na lang kami para matapos na. Baka mamaya kaladkarin pa n'ya kami papuntang La Salle, mahirap na.
...
Ganap na alas-8 y media ng umaga, halos sabay-sabay dumating ang grupo nina Mika sa La Salle. Hindi na sila nakidalo sa motorcade at ginawang parada dahil ayaw nila gumising ng ganun ka-aga. Napuno naman ang La Salle ng kulay berde sapagkat ang bawat isa sa kanila ay nakasuot ng green na colared shirt na may nakalagay na batch at course.
BINABASA MO ANG
Frozen Heart (KARA FANFICTION)
FanfictionMika Aereen Reyes was a simple, jolly and kindhearted. A girl gifted with height, intelect and undoubtedful beauty enough to make anyone turn their heads. She was filled with love growing in a family with doting parents and a trio of energetic, ofte...