_{GENE's POV}_
"How's my Boss?" tanong ko sa aking anak, nang makapasok na ako sa loob ng aming bahay.
"Mama!!!" sigaw ng aking anak, saka ito tumakbo papalapit sa akin, napatawa naman ako at agad ko rin itong kinalong, saka ako dumiritso sa sala habang kalong ko 'to at saka naupo.
"Hay naku, Genalyn ha? Maaga akong magme-menopause d'yan sa anak mong 'yan, aba'y hindi ako tinitigilan sa pangungulit tungkol sa kakahanap ng Papa n'ya, buti na lang dumating kanina ang Kuya Oscar mo, –ayon, ipinasyal 'yan para malimutan na ang kakahanap sa Papa n'yang nawaw——" sabi ni Ate na waring nauubos na rin ang pasensya kay David, kaya agad ko na rin 'tong sinaway, dahil naririnig ng aking anak at ayaw kong isipin nito o maramdaman na para bang walang pagmamahal sa kanya ang kanyang Tita.
"Ate? Please! Puwede natin pag-usapan 'yan, but not in front of him." mahinahon ko namang sabi, kita ko namang bumuntonghininga ito, at hindi na umimik pa.
"David, ano'ng sabi ni Mama?" mahinahon kong tanung dito, na agad naman napatungo, dahilan naman para makaramdam ako ng awa, kaya marahan ko 'tong dinampian ng halik sa noo.
"Nakikita ko po kasi mga kalaro ko, Mama sa labas, tapos sabi nila may mga Papa raw po sila, saka sabi po nila bakit daw po wala akong Papa, kasi masarap daw po ang may Papa, pero sinabi ko naman po sa kanila na ok lang na wala si Papa basta may Mama naman po ako na Love na Love ako, kaya masaya na rin po ako. Sorry po, Mama kung kinulit ko na naman po si Tita Gemma, alam ko pong nagagalit na sa aking si Tita kasi po makulit ako." malungkot nitong sabi sabay patak ng ilang mga butil na luha mula sa mata nito, niyakap ko naman ito ng mahigpit para maramdaman nito ang aking sobra sobrang pagmamahal, at bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na ring nagsalita si Ate Gemma.
"Hindi ako nagagalit sa 'yo, David, at kahit kailan hindi magagalit si Tita, kasi naiintindihan naman kita, kaso lang kasi, baby, dapat makikinig ka na lang sa sinasabi namin ni Mama mo, at ang mahalaga narito kami ni Mama at si Tito Oscar mo para sa 'yo, 'di ba? Puwede mo rin naman s'yang maging Papa, kahit nga ako puwede mong maging Mama eh, at saka darating din naman ang araw na ibibigay na maaring ibigay na rin sa 'yo ni God ang Papa mo. 'di ba? Marahil hindi pa lang ngayon, pero ibibigay at ibibigay pa rin sa 'yo 'yun ni God. Basta ang mahalaga, love na love ka rin namin," puno ng pang-unawang sabi naman ni Ate Gemma sa aking anak, saka nito kinuha si David mula sa aking kandungan.
"Talaga po, Tita Gemma? Puwede ko po bang tawaging Papa si Tito Oscar?" tanung naman ng aking anak kat Ate. ngumiti naman si Ate kasabay ng pagtango nito.
"Oo naman, matutuwa pa n'yan si Tito Oscar mo, pag tinawag mo s'yang Papa." sagot naman ni Ate Gemma, dahilan naman upang mapa-palakpak ang aking anak, kasabay ng pino nitong pagtili. Napatawa na lang kami sa naging reaction ni David.Lumipas ang oras na hindi ko na rin namalayan dahil sa naging abala na rin ako sa pakikipaglaro sa aking anak, at kung hindi pa kami tinawag ni Ate Gemma ay hindi ko pa mapapansin na gabi na rin pala at oras ng hapunan.
"Gene, David!! Lumabas na kayo d'yang mag-ina, nakahanda na ang hapunan!!" rinig kong sigaw ni Ate Gemma, mula sa kusina, agad naman akong napatayo mula sa pagkakalupagi sa sahig saka ko binuhat si David palabas ng silid. Pagpasok namin ng kusina ay nakita kong nakaupo na rin si Ate Gemma at Kuya Oscar, na waring hinihintay rin lang kaming mag-ina.
"Papa Oscar!!" sigaw naman ni David saka bumaba mula sa akin at tumakbo kay Kuya Oscar, para namang piniga ang aking puso sa tagpong 'yon, dahil talagang kita at dama ko ang pagkasabik nito sa isang ama, na hindi ko alam kung paano ko ibibigay ang magkaroon ito ng isang ama. Nakita kong tumango si Ate Gemma kay Kuya Oscar saka ngumiti, na waring alam na rin ni Kuya Oscar na 'yon ang itatawag ni David sa kanya. Nagsimula na kaming kumain ag nakikinig lang ako sa mga kuwentohan nila, at kita ko ang kasiglahan ng anak ko sa tuwing tinatawag nitong Papa si Kuya Oscar, na waring gustong gusto rin naman ni Kuya Oscar, dahil na rin siguro sa wala pang anak sila ni Ate Gemma, na sa loob ng dalawang taong pagsasama ay hindi pa rin binibiyayaan ng anak ang dalawa. Natapos ang aming masaganang hapunan ay inaya ko na rin sa aming silid ang aking anak, para asikasohin dahil may pasok pa rin kasi ito bukas sa Daycare Center, at ilang sandali pa ay natapos na rin ako sa pag aasikaso kay David kaya inaya ko na rin 'tong mahiga, hindi kasi ito agad matutulog kung hindi ko 'to kakantahan ng lullaby. Napangiti na lang ako nang makita kong malalim na ang paghinga nito habang nakasubo ang hinlalaking daliri, isa 'yung katangian na nagustohan ko sa anak kong 'to, na simula pa lang ng sanggol ito ay hindi ako nahihirapang patulogin ito basta lagi lang nakasubo ang hinlalaki nito at 'di nagtatagal ay nakakatulog na rin. Hinalikan ko muna ito ng marahan sa noo, at inayos ang kumot saka ako dahan dahang umalis sa kama, at dumiritso sa kusina para magtimpla ng kape, na isa na rin sa nakasanayan ko dahil sa aking trabaho, pagkatapos ay saka ako dumiritso sa labas ng bahay at doon ko napagpasyahang inumin ang aking kape, hindi pa man ako nagtatagal sa aking pagkakaupo nang biglang tumunog ang aking cellphone mula sa bulsa ng suot kong pajama, agad ko namang kinuha, at sinagot nang makita kong si Mark ang tumatawag, ang aking spy agent, na kanina ko pa rin talaga hinihintay ang tawag nito dahil sa may bago na naman kaming hinahawakang kaso ngayon, na bukot sa pagiging pulis ko ay isa rin, akong Secret Agent na walang ibang nakakaalam kundi si Ate Gemma lamang. Nasa dalawang taon pa rin lang naman ako sa pagiging Pulis, ngunit sa pagiging Secret Agent ay nasa college pa lang ako nang pinilit kong makapasok sa ganung propesyon, at dahil din sa tulong ni Mark ay nakapasok ako sa ganung trabaho, pinagsabay ko ang aking pag-aaral sa pagka-Pulis at ang aking trabaho sa pagiging Secret Agent, at nitong nakaraang dalawang taon nga ay tuloyan ko nang nakuha ang ganung propesyon, ang pagiging Pulis na ngayon ay sabay kong ginagampanan.
"Yes, Mark? May update ka na ba?" seryoso kong agad tanung dito.
"Yeah! At papunta na rin ako ngayon doon para mapag-aral ang lugar, hindi rin natin kasi basta basta mapapasok ang bakuran dahil maraming bantay, kaya kailangan kita ngayon, kung available ka," sagot naman nito.
"Ok! Papunta ako, i-send mo sa akin ang location, Mark." sabi ko naman, saglit pa ay nagpaalam na rin ako, nang mawala na ito sa kabilang linya ay ini-straight ko ng inumin ang tinimpla kong kape, at tatayo na sana ako ng maramdaman kong umupo naman si Ate Gemma sa aking tabi, narinig ko ang pag buntonghininga nito bago nagsalita.
"Hindi ka ba talaga titigil sa trabaho mong 'yan, Gene? Isa ka ng Pulis, hindi pa ba sapat 'yon? 'Yun lang naman talaga ang pangarap mo noon pa eh, ang maging isang ganap na Pulis, at 'yang pagiging Secret Agent mo, na hindi ko maintindihan kung bakit 'di mo mabitaw bitawan, na alam mo o nating dilikado 'yang trabaho 'mong 'yan," may halong paninermong sabi ni Ate Gemma, bumuntonghininga naman ako bago nagsalita.
"Ate, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? Alam mo ang dahilan kaya ako nananatili sa gan'tong propesyon, alam mo 'yon umpisa pa lang, kaya rin ako kumuha ng kurso sa pagiging Pulis ay dahil din doon," mahina kong sabi kay Ate Gemma, dahilan naman para mapa buntonghininga ito ng ilang beses.
"Oo, Gene, alam ko! –Alam na alam! Pero hindi ka ba nag-aalala para kay David? Paano na lang 'yang bata kung mapahamak ka sa trabaho mong 'yan, sa patuloy na pagprotekta mo sa taong 'yon, ni hindi ka na nga kilala o makilala man lang eh. –Diyos ko naman, Gene, ang tagal na nang panahong 'yon, mga bata pa kayo, hanggang ngayon ba? Umaasa ka pa rin ba, kaya hanggang ngayon tinutupad mo pa rin ang pangakong 'yon? Samantalang 'yung taong 'yun, hindi mo alam kung ganyan din ba ang ginagawa, kagaya ng ginagawa mo. –Sa totoo lang, Genalyn, hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko sa 'yo, dahil wala ng ibang laman 'yang utak mo kundi ang protektahan ang taong 'yon, kahit na hindi ka naman n'ya maalala. Haiizzztt!" may halong galit na sabi ni Ate Gemma, hindi naman ako naka-imik pa dahil may punto naman 'to, yumuko na lang ako at napa buntonghininga na rin lang ng ilang beses, hanggang sa walang imik imik na tumayo na lang si Ate at iniwan na ako rito sa labas, na kahit isang salita pa ay hindi ko na nagawa. Maya maya pa ay tumayo na rin ako at dumiritso sa loob ng silid naming mag-ina saka ako nagpalit ng damit na palagi kong sinusuot tuwing may misyon ako, pero ang pagkakaiba lang sa ngayon ay tanging baril ko lang ang dala ko, dahil pag-aaralan pa rin lang naman namin ngayong ang sitwsyon o ang target namin ni Mark na pasuking bahay, nang matapos ay tumitig muna ako sa aking anak na mahimbing sa pagtulog, pagkatapos ay saka ako 'to dinampian ng magaang halik sa noo nito, napangiti na lang ako nang marinig ko ang mahinang paghilik nito. Tumayo na rin ako at dumiritso na palabas ng bahay.
Kinuha ko ang aking cellphone at ikinonekta ko sa aking earpiece na suot habang nagmamaneho, saka ko tinawagan si Mark.
"Are you already in the area?" agad kong tanung kay Mark nang sagutin nito ang aking tawag.
"Yeah!" simpleng tugon nito.
"Ok! I'm on my way." sagot ko naman ay pinindot na rin ang end button sa earpiece na aking suot, napa buntonghininga na lang ako nang muli kong maisip ang naging pag uusap namin ni Ate Gemma, na kung tutuosin ay may punto rin ito, na paano na nga lang si David kung may mangyari sa akin dahil sa ginagawa kong 'to, gaya na lang nang nangyari sa aking mga magulang, kung bakit sa murang edad ay naulila na rin kami ni Ate Gemma, na kung hindi dahil kay Jm, ay baka pati ako ay wala na rin ngayon. Hindi ko na naman napigilan balikan sa aking ala-ala ang mga nakaraan. Nasa edad sampung taon pa lang ako nang mangyari ang trahedyang 'yon, dahilan para mawalan kami ni Ate Gemma ng mga magulang.

BINABASA MO ANG
FIGHT for LOVE with the MAFIA 'JHON & GENE'
Ação"Paglaki ko ako naman ang puprotekta sa 'yo, JM, promise! Ok ba 'yon? -GENE "Puprotektahan natin ang isa't isa, Gene. Promise!" -JHON MARKUZ Genalyn 'Gene' Lopez. Nangarap na matupad ang kanyang kagustohan na maprotektahan ang isang lalaking naging...