CHAPTER 8

7 1 0
                                    

_{GENE's POV}_

"Mama!!!" sigaw ng aking anak habang tumatagpo papalapit sa akin, na alam kong kabisado na rin nito ang aking motor, na kahit nga ang tunog ng aking kotse ay alam na rin nito eh, na kahit pa tulog basta marinig nito ang aking sasakyan ay agad nagigising at saka tatakbo sa akin papalapit.
"Gene!! Diyos ko!! Ayos ka lang ba??" sabi ni Ate Gemma na kasunod din lang ni David papalapit sa akin, at mababakas sa mukha nito ang waring pag-aalala, kaya naman napakunot ang aking mga kilay dahil sa pagtataka kung bakit gan'to ang itsura nito.
"Hey? What's going on here? Bakit parang ang tagal nating 'di nagkita kita eh kagabi lang ako hindi nakauwi!" natatawa kong sabi sa dalawa, nang tuloyan na ngang nakalapit sa akin.
"Nagagawa mo pang magbiro, eh halos nasa piligro ka na naman nga kanina!" nag-aalalang sabi ni Ate.
"Mama, I saw you on TV, you fought those bad people, I want to be like you when I grow up, Mama, strong like you, because you can fight them!" masiglang sabi ni David, na ngayon ko naunawaan ang ibig sabhin ni Ate Gemma, nginitian ko naman ang dalawa, saka ko binuhat si David, ngunit napadaing ako nang maramdaman ko ang bahagyang kirot ng aking kabilang balikat, na lalo ko lamang naramdaman ang pananakit ng aking buong katawan, na pakiramdam ko para na rin akong lalagnatin.
"Ouch!" bahagya kong daing, na lalo namang ipinag-alala ni Ate Gemma.
"Ayos ka lang ba, Gene? May tama ka ba? Ano'ng nararamdaman mo?" sunod sunod naman nitong tanong, na ikinangiti ko naman ng bahagy.
"Ate, ayos lang ako, 'wag ka mag-alala, parang hindi mo naman ako kilala," nakangiti kong sabi rito.
"'Yun na nga, Genalyn, ang punto ko eh, kilala kita, kaya ako nag-aalala! Diyos ko naman, tayo na nga lang dalawa ang magkasama, tapos nasa ganyang trabaho ka pa, na sa tuwing malalaman ko o mapapanood kita sa TV, na nakikipaglaban, pakiramdam ko dahan dahan na akong tinatakasan ng aking kaluluwa, sa tindi ng aking takot na nararamdaman, at muling bumabalik sa aking ala-ala ang mga nangyari noon, na nawala sina Nanay at Tatay dahil sa mga ganyan, sa mga bala ng baril," umiiyak na sabi ni Ate Gemma, na alam kong sobra na itong natatakot o nag-aalala para sa kalagayan ko, at nauunawaan ko rin naman ito, pero hindi ko naman puwedeng basta basta na lang iwan ang aking propesyon, pinangarap ko 'to eh, at ipinangako ko sa aking sarili na magiging matapang ako para maprotektahan ko ang aking mga mahal sa buhay, na hindi ko nagawa noon sa aming mga magulang, dahil sa wala pa akong kakayahan noon, kundi ang umiyak at sumigaw, at ngayong nasa gan'to na akong posisyon na may sapat ng kakayahan upang maprotektahan ko sila, ay hindi ko hahayaan na ang natitira kong mahal sa buhay ay mapapahamak na wala man lang akong kakayahang ipagtanggol sila. Niyakap ko naman si Ate Gemma habang kalong ko sa kabila kong braso ang aking anak, pagkatapos ay hinagod ko ang likod nito para pakalmahin.
"Ate, magtiwala ka sa akin na hindi ako mapapahamak, ok? –Sabi nga ng aking Boss, malakas ako eh, 'di ba, my little Boss?" sabi ko saka ako bumaling ng tingin sa aking anak.
"Yes! Mama! You're strong and brave, that's why I want to be like you when I grow up, puwede po 'yun, Mama, 'di ba?" masiglang sabi ni David, ngunit bago pa man ako maka-imik ay agad naman uling nagsalita si Ate Gemma.
"Oh ngayon, pati 'yang anak mo, idadamay po, at gagawin mong kagaya mo! Paano na lang pag lumaki na 'yan at nagkaroon ng pamilya, hindi mo ba naiisip, Genalyn, kung ano rin ang mararamdaman nila? 'Yung matinding pag-aalala na gaya ng aking nararamdaman pag nalalaman kong nakikipag-barilan ka, o nasa misyon mo? Hindi ako papayag na pati 'yang anak mo eh isusunod mo sa mga yapak mo!!" matigas at may pinalidad na sabi ni Ate Gemma, saka ito tumalikod, napa buntonghininga na lang ako at napa-iling.
"Mama, galit po ba sa akin si Tita Gemma, kasi gusto ko rin pong maging kagaya mo paglaki ko?" halatang nalulungkot na tanong sa akin ni David, ngumiti naman ako rito saka ko 'to hinalikan sa noo.
"No, my little Boss, Tita Gemma was just worried kasi love ka ni Tita, kagaya ng Love ni Mama sa 'yo," nakangiti kong sagot rito, kaya naman umaliwalas na ang itsura nito, na kanina lang ay mababakas ang bahagyang lungkot.
"Talaga po, Mama? Pati po ba si Papa Oscar love n'ya rin po ba ako?" masigla nitong tanong, tumango naman ako ng sunod saka ko ginulo ang buhok nito.
"Oh? Ano'ng mayroon? Bakit naririnig ko yata ang pangalan ko, Captain?" agaw ni Kuya Oscar sa aming atensyong mag-ina, na sabay naman kaming napalingon sa pintuan kung saan nakatayo roon si Kuya Oscar na kadarating din lang, kaya naman napalingon ako sa aking suot na relo, dahil hindi ko na namamalayan ang oras, na halos mag-aalas sais na rin pala ng hapon. Nagtatrabaho si Kuya sa J-Hilton inc. na isang sikat na kompanya rito sa Pilipinas, ngunit, hanggang ngayon ay walang makapagsabi kung sino ang totoong may-ari ng kompanyang 'yon. na hindi ko rin naman pinag-uukolan ng panahon alamin dahil alam kong maayos naman si Kuya sa kompanyang iyon at walang nagiging problema, na ayon rito ay maayos rin naman ang pamumuno sa lahat ng empleyado, at malaki rin ang mga benepisyo para sa lahat ng manggagawa ng kompanya.
"Papa Oscar!!" sigaw ng aking anak, at dali dali naman itong bumaba mula sa akin at mabilis na tumakbo palapit kay Kuya Oscar, na agad rin naman nitong kinalong, napangiti na lang ako, dahil sa nakikita kong pagmamahal na ipinararamdam ng mag-asawa para sa aking anak.

FIGHT for LOVE with the MAFIA 'JHON & GENE'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon