First Day Of School

71 3 0
                                    

Daniel's POV

Well hello everyone, Ako nga pala si Daniel John Padilla. Not to brag pero may kaya kami. Meron kaming University na sikat dito sa pinas. Padilla University, PU for short. May ari din kami ng malaking company na sikat Worldwide. Ang Bernadilla Company. Bakit Bernadilla? Ka-business partner kasi namin ang pamilyang Bernardo. Kaya my dad and Kathryn's dad decided na pag-samahin yung last name namin. Sino si Kath? Makikilala nyo sya mamaya.

"Kuya tara na! Late na tayo!" Sigaw ni JC. Aga agang nambubwisit.

I headed my way downstairs, nakita ko si Kath.. Pero? Bakit? Nasa Los Angeles sila ah?

"DJ!!" Sambit nya at tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

Wala akong masabi, my bestfriend's back. Grabe namiss ko sya ng sobra! Sobra sobra!

"Wow, how are you na?" Pagtatanong nya..

"Im fine.. Great actually! Ikaw? Dalaga na eh. Yieeeee" Pagbibiro ko..

"Alangan maging binata ako dba?"

"Eh.. Immature padin pala"

Natawa sya at binatukan ako.. I decided na hindi na muna ako papasok sa school. Tutal samin naman yun eh, sinabihan ko na din si Dad para alam nya.

I and kath decided na magpunta kami sa mall. Gusto daw nya magshopping, tapos mamaya daw gusto nya ng street foods. Kahit kelan talaga eh.

"D, namiss kita." Sabi nya na may halong lungkot yung boses.

"Oh? Bakit ka malungkot? Kayo ni Enrique? Kumusta na? 4 years na kayo bukas diba?" Kath started crying.. Im guessing, break na sila.

"Heeeey.. Shhhh, it's okay. Im here kath. Tell me what happened" Nagiinit na ulo ko kasi bestfriend ko si Kath. Niloko sya ni Enrique, gago!

"He cheated on me. Sila nung Liza na yon." Humahagulgol na sya si Kath sa kakaiyak. I hugged her and made her feel safe in my arms. It's okay kath, im here. Dati pa hindi mo lang alam..

"Haay. Past is past, lets go?"

"Sure. Gusto mo ng street foods diba? Gusto mo punta tayong Ilocos bukas? Meron kasing place doon. Street foods. Sa batac, batac yung place. Masarap dun!"

"Sure, I'll tell dad. Pero you have school?"

"Heh"

"Right.. Sainyo nga pala yung PU. Alam mo ba na may school na din kaming pinatayo?"

"Talaga?! Niceee!"

"Yup. Bernardo University. Mag-oopen yung next week. Alam ng dad mo."

"Wala pa siyang nababanggit sakin eh. Pero Congrats! Pano yan? Dun ka mag-aaral?"

"Syempre."

Nakaramdam ako ng konting lungkot..

"Sooo, bukas? Samahan mo ako sa bahay. Kukuha ako ng damit for 1 week tapos dito na ako matutulog tonight."

"S-sure" Grabe no? Planado na nya lahat.

"Don't be so surprised. You know me, medyo girl scout." She giggled. Uhhh. Her laugh is just soooo adorable!

Nagdrive na kami papunta sa bahay nila. When we got to their house. Nakita ko si Enrique. Naginit ulo ko, gusto ko syang sapakin.

"Kath, please let's talk"

"Talk?! No way"

"Ka--"

"You heard her Quen! Leave!" Pasigaw kong sabi.

Unexpected ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon