Chapter 9

5.3K 124 10
                                    

HINDI makapag concentrate sa meeting si Logan, ilang araw na ang lumipas ng malaman niyang may sakit sa puso si Amanda ang plano niya lang naman ay pahirapan ito eh dahil gusto niyang turuan ng leksyon ang mga taong nagkaka interes sa pera ng iba pero ang hindi niya matanggap sa ginagawa niya muntik pa siyang makapatay ng tao.

"Sir Logan you have a meeting wi-"

"Cancel it" pagputol niya sa sasabihin ng sekretarya niya.

"But sir"

Tinapunan niya lang ito ng tingin kaya humingi na lang ito ng pasensya sa kanya ayaw na ayaw kasi niyai na sinusuway siya kaya naman nagtungo na lang siya sa office niya at naupo sa swivel chair napahawak siya sa sintido niya at hinilot hilot iyon.

"F**k Amanda!" singhal niya sa kanyang isip.

Naalala niya kasi kay Amanda ang kapatid niyang si Mariela may sakit din ito sa puso at sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nawala ito.

FLASHBACK

"Kuya galit kaba saakin?" tanong ng batang babae habang nakadungaw sa pinto ng nakakatanda niyang kapatid.

"Get out" matabang sa sambit niya dito.

"K-Kuya I'm sorry" sabi nito saka akmang lalapitan siya ng tumayo siya mula sa kama.

"Get out sabi eh! bakit mo pa ba ako kailangang guluhin ha hindi ba't nasa iyo na lahat ng atensyon ni mommy at daddy you're so selfish Mariela! I hate you!" sigaw niya dito at pinag bagsakan ng pinto ang hindi niya alam ay inatake na ito sa puso dahilan para isugod sa hospital ang kanyang nakababatang kapatid.

"M-Mommy bakit nakahiga si Mariela dyan" inosenteng tanong ni Logan sa tandang tanda niya pa na twelve years old siya at eight years old naman ang kapatid niya.

"W-Wala na ang kapatid mo anak, kinuha na siya ni papa god" sambit ng mommy niya wala siyang ideya sa nangyayari ang alam lang niya ay nagsisisi siya, kung hindi siguro siya nagselos noon sa kapatid niya siguro ay buhay pa ito kasama niya ngayon.

Hindi nya alam na may sakit si Mariela kaya niya palagi itong sinusungitan dahil nakikita niyang alagang-alaga ito ng magulang niya, kung sinabi lang sana ng magulang nila sa kanya ang sitwasyon ng kapatid niya edi sana hindi siya nag isip ng kung ano.

END OF FLASHBACK


Matapos lahat ng pinirmahan niya nagmadali na siya sa pag aayos ng gamit saka ipinaalam sa sekretaryang uuwi na siya pero bago iyon inutusan niya muna si Gerald isa sa mga tauhan niya na bumili ng mga prutas.


Sa kabilang banda naman katatapos lang mag suklay ni Amanda dahil naligo sya matapos nun nagpasya na syang bumaba para tumambay sa may poolside at ibabad ang paa sa tubig.


Ilang araw na magmula noong aminin niya kay Logan na may sakit siya, ilang araw na din tuloy siyang nag iisip na baka palayasin na siya nito dahil magiging pabigat lang siya kapag inaatake hindi din niya mapigilan maiyak sa naiisip niya.

She hates herself for being an overthinker; she always overthinks to the point that she hurt herself.

Pinunasan niya ang mata niya saka tumingin sa itaas para pigilan ang pagtulo nito nang masiguro niyang wala na syang luhang ibubuhos napayuko na lang sya pero maya-maya may naramdaman na siyang pumatong na bagay sa magkabilang balikat niya, pagtingin niya dito nakita niya ang jacket ng kanyang asawa.


"Masyadong malamig para tumambay kapa dito" sambit ng lalaki kaya agad siyang napatingin dito.

"Nandyan ka na pala" sabi na lang niya bago siya agad na tumayo.

Ilang araw na din weird ang asawa niya, mula kasi noong nalaman nito na may sakit siya ay nagbago ito ng pakikitungo sa kanya malumanay na din ito magsalita at hindi na sumisigaw.

Sandali naman silang naglaban ng tingin at dahil nakaramdam na sya ng pagkailang sya na ang umiwas dito.

"L-Logan" panimula niya, tumingin naman ang lalaki sa kanya.

"B-Bakit mo ako tinulungan?"

Napa buntong hininga naman ang lalaki saka sya tiningnan.

"Ayokong may pagsisihan na naman ako sa huli" sabi nito "Nangyari na ito dati eh, minsan na akong naging isang masamang tao at kapatid, dahil sa ego ko hindi ko namalayan na wala na pala ang kapatid ko" seryosong sambit nito.

Nakaramdam naman siya ng awa sa sinabi ng lalaki, sa likod pala ng matapang nitong mukha ay may tinatago din itong kahinaan.

"W-Wag ka sanang magagalit kung tatanungin ko ah ano bang nangyari sa kapatid mo?" lakas loob na tanong nya.


"She died because of the heart disease" laking gulat nya ng sinabi iyon ni Logan "She give up on me, on my family ni hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya na gusto kong maging the best kuya sa kanya"


Nakikinig lang siya sa lalaki habang seryosong nagsasalita hindi niya alam kung paano at bakit pero bigla niyang niyakap si Logan at mas nagulat pa siya ng yakapin siya nito pabalik, sobrang higpit at feeling niya ayaw na siya nitong pakawalan ganon lang din ang naramdaman niya ng bumilis ang tibok ng puso niya hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa kaba.

"I'm sorry Amanda" bulong nito sa kanya hindi ko alam ang pinagdaanan mo masyado akong nabulag sa galit ko dugtong niya pa.


"O-Okay na yun saakin p-pero sana paniwalaan mo na akong hindi ako kailanman magiging kagaya ng tita
K---"



"Naniniwala na ako" pagputol ng binata sa sasabihin niyza bago ito bumitaw sa pagka kayakap sa kanya "Nabulag lang ako sa galit kaya hindi ko nakita na iba ka sa kanya.. and I'm sorry i took advantage to you" nakita niya namang sincere ito habang nagsasalita kaya naman nagtuluan na naman ang mga luha niya.


"F**k! what's wrong?" natataranta na tanong nito, napangiti naman siya bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi nito.


"Hey it's okay m-masaya lang ako kasi nalinis ko na yung pangalan ko sayo" sambit niya dito.


"Amanda..." pag tawag ng lalaki sa pangalan niya.

"Huh?"

"If you want to leave me hahayaan kita okay lang hindi na kita sisingilin you deserved to be happy,"




Nakaramdam naman ng lungkot siya ng lungkot bago matamang tiningnan ang asawa.

"L-Logan.. w-wala na akong pamilya pwede bang mag sta-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng sandaling halikan siya nito at bahagyang niyakap at naramdaman pa niya ang paghagod nito sa buhok niya.

"That's what I want to hear" sambit ng nito sa malambing na boses "Thank you Amanda... thank you for staying even at my worst"


"I will stay by your side Logan everyone deserved to be happy but not everyone deserved to be alone."

Bahagya siyang napangiti sa narinig iba ang Logan nakayakap niya kesa sa Logan na una niyang nakilala.

Gusto nyang mag stay sa lalaki habang nabubuhay siya, hindi niya na kasi alam kung gagaling pa siya o hindi basta ang gusto niya lang mangyari tulungan ang asawang makaahon sa madilim nitong mundo at yun ang sisimulan niyang gawin.



@TheGiftedLady
Enjoy Reading♡

Heartless Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon