Chapter 11

4.7K 118 9
                                    

Some part of this chapter was not suitable for the young readers. I'm not good/perfect in creating bed scene that's why manage your expectation.

HALOS sumakit ang ulo ni Amanda habang tahimik na nakikinig sa kaibigan niyang si Mira.

"Alam mo ba noong nakaraan naghihintay ako ng sasakyan na taxi late na ako nakapag out sa work ko that time habang naghihintay ako sa may waiting shed sakto namang umulan!"

"Oh tapos?" walang ganang tanong niya paano ba naman kasi pagkadating ng kaibigan ay hindi na ito tumahimik kaka kwento noong una magana pa siya sa pakikinig hanggang sa pa tagal na ng patagal, natapos na nga din sila mag dinner eh pero hindi pa din tumigil kakadaldal ang kaibigan niya kaya naingayan na siya dito.

"May nagpahiram ng payong saakin! Ay hindi pala pinayungan pala ako!" kinikilig na sambit nito.

"Alam mo ikaw ang dami mong kalokohan kakanood mo yan ng K-drama" maagap na sagot.

"Hindi naman, porket nakita mo na kasi ang lalaking para sayo" kinikilig na sambit nito at pinaghahampas siya.

"Ang korni mo na"

"Aba! masama na bang kiligin ngayon?" sa relasyon na nga lang ng iba ako kinikilig eh.

"Ewan ko sayo" sambit niya dito bago niya ito mahinang binato ng unan, kinuha niya naman ang juice niya at ininom.

"Pero teka may tanong ako" mahinang bulong nito at nag palinga-linga sa paligid bago tumingin sa kanya "May nangyari na ba sa inyo?" at dahil umiinom siya bigla nyang naibuga sa mukha ng kaibigan ang juice na iniinom niya.

"O.M.G!!!! Amyyy...." sambit ng kaibigan habang pinunasan ng hawak nitong panyo ang mukha nito at muling humarap sa kanya "So ano nga meron na ba?"

Hindi niya tuloy maiwasan ang pamumula ng pisngi niya.

"Halaaa bakit ka namumula ha siguro meron na no" panunukso nito na animoy kinikilig.

"Hoy magtigil ka nga" suway niya dito.

"Oh my goshh so ano masakit ba?"

Napakamot na lang siya sa ulo niya at agad tumayo.

"Para kang sira, Good night na" sabi niya dito at agad siyang naglakad paakyat.

"Hoy anong feeling share mo naman!" Dinig niyang sigaw pa ng kaibigan mula sa baba at dahil nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan nilingon niya ito.

"Masarap!" pabirong sigaw niya bago nagpatuloy na sa pag akyat ng saktong bumukas ang pintuan ng kwarto nila ni Logan.

Hindi niya alam kung bakit kumabog na naman ng mabilis ang puso niya ng makita ang asawa.

"What's happening down there?" tanong nito.

"H-Huh? ah wala ayaw lang ako patulugin ni Mira" maagap na sagot niya, tumango tango naman ito sa kanya at bumalik na sa loob wala na din naman siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito.

Heartless Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon