Chapter 14

4.2K 119 7
                                    

Matapos ang party nagpaalam na din silang uuwi na kaya naman habang nasa byahe ay nakaramdam na siya ng antok.


"Logan" pag tawag niya dito habang abala ito sa pagmamaneho.

"Hmm?"

"Mabait pala ang pamilya mo" sabi niya at agad nilingon asawa.


"Yeah" 

"Pwede ba akong magtanong?" 


"Feel free to ask?" Maikling tugon nito.


"May kapatid ka ba?" 

"Wala," tipid na sagot nito.


"Ikaw? may kapatid ka ba?" takang tanong nito habang tutok pa din ito sa pagmamaneho.


"Wala, solong anak lang ako" 


"Sabi mo buhay pa yung mama mo, alam mo ba kung anong pangalan niya?" tanong pa muli nito sa kanya.


"H-Hindi ko matandaan yung pangalan niya pero meron akong litrato ni Mama at tanda ko ang mukha niya kaso lang nasa bahay namin eh" 



"Why don't you get it, malay mo may maitulong ako sa paghahanap sa kanya" 


"H-Hindi pa kasi ako handa eh pero salamat" sabi na lamang niya nanahimik naman na silang dalawa hanggang sa makarating sa bahay nila.


Nagtungo na silang dalawa sa kwarto kaya naman pumunta na siya sa banyo para tanggalin yung makeup niya at magpalit ng pajama at nang matapos na siya sa paghihilamos agad na din siyang lumabas ng banyo matapos naman nun si Logan naman ang pumalit sa kanya para siguro mag bihis din.



Inaamin niya dahil sa ginawa nito kanina sa party ay nakatulong ito para malaman niya kung ano talagang nararamdaman niya dito, gusto niya na si Logan pero natatakot siyang lumala pa iyon dahil alam niyang imposibleng magustuhan siya pabalik ng asawa. Una sa lahat kaya lang siya nito pinakasalan dahil sa utang ng tita niya at isa pa kaya nagbago ang pakikitungo nito sa kanya ay dahil sa sakit niya siguro nga ay kinaawaan lang siya nito eh.


"Bakit hindi ka pa natutulog?" bumalik naman siya sa katinuan ng makita niyang nakasuot lang ng pajama si Logan pero ang pang itaas nito ay walang saplot tumambad tuloy sa kanya ang matipuno nitong dibdib at ang eight pack abs nito.



"Enjoying the view?" sambit ng asawa kaya naman agad siyang nag iwas tingin  "May gusto ka pa ba na gawin bago matulog?" wika ulit nito at agad itong lumapit sa kanya.



"Ahmm…M-Matulog na tayo" saad niya at dali-dali siyang nahiga sa kama.


"I'm just kidding" natatawang sabi nito sa kanya saka nahiga na din ito sa kanyang tabi dahil nakatagilid siya naramdaman niya ang pagkayap ni Logan sa kanya dahilan para kumabog na naman ang dibdib niya parang kinukuryente siya sa epekto ng katawan ni Logan sa kanya.

"Relax Amanda yakap lang yan okay?" Bulong niya sa kanyang isipan.


"Good night wife" bulong ng asawa sa kanya para lalong tumibok ng mabilis ang puso niya, hindi kaya naririnig ito ng asawa sa sobrang lapit nito sa kanya nararamdaman niya nga din ang umbok nito sa ibaba.

"Tukso layuan mo ako! Arghhhh…"

"Shi* ka self matulog ka na!" Bulong niya sa isip niya at pinilit na ipikit ang mga mata at hindi din nagtagal nakatulog na din siya.



Heartless Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon