Chapter 15

4.3K 116 2
                                    

Nakaupo lang siya sa sofa ng office ni Logan, kinakabahan kasi siya sa pinasok niyang gulo kung hindi ba naman kasi siya lalamp-lampa edi sana hindi siya nakabunggo ng tao.


Maya-maya lang narinig niya na ang pag bukas ng pinto at doon niya na nakita ang asawa niyang nag palinga-linga na parang may hinahanap hanggang sa mapadako sa kanya ang tingin nito agad itong lumapit at iniluhod ang isang tuhod para mapantayan siya sa pagkakaupo niya sa sofa.

"Are you okay?" tanong nito at agad hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.

"O-Oo...sorry ah hindi ko naman kasi sinasadya eh" 

"Shhh, i know it's not your fault" wika nito sa kanya at agad siyang  tinabihan.

"And i told her to get lost" sabi pa nito na ikinalingon niya bigla.

"H-Huh bakit mo ginawa iyon ako naman may kasalanan eh?" 

"Kahit na, mali pa din na sigaw-sigawan ka niya sa harap ng maraming tao" sagot ng asawa niya.

"P-Pero kawawa naman kasi siya eh" 

"Amanda, bakit ba lagi mo na lang iniisip yung iba kesa sa sarili mong kapakanan?" inis na sambit ng asawa niya sa kanya "I didn't fired her okay? i just want her to get lost for a minute" paliwanag pa nito.

"S-Sorry.." sabi niya sa asawa bago niya ibinaling ang tingin sa paper bag na nandoon sa lamesa nito "Kumain kana lang baka malamig na tong niluto ko" pag iiba niya ng usapan.

"What about you?"

"Sa bahay na lang ako kakain" 

"No, sabayan mo na lang ako tapos sabay na tayo umuwi mamaya" wika nito at agad inilabas ang laman ng paper bag na dala niya.


Pinagsaluhan na nga nila ang pagkain at noong matapos na silang dalawa nagpasya na ito na pumunta muna sa meeting nito kaya naiwan siyang mag isa sa office, nakaramdam naman siya ng antok sa sandaling iyon kaya naman nagpasya siyang umidlip na muna.


"What's on your mind, Logan? alam mo namang mataas ang respeto ng mga empleyado sayo at sa kompanya hindi ba?"

"Who are you talking to?" inis na saad ni Gavin kay Kylie isa kasi ito sa business partner niya at childhood friend niya din ito.

"I'm just worried okay? kalat na sa ibang department yung nangyari" 

"So?"

"Wake up Logan! mahusay magtrabaho si Vanessa huwag mo namang alisan ng trabaho yung tao" 

"D*mn it! ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko siya inalis sa trabaho, kinakausap na siya ni Claire ngayon, f**k don't be so dramatic Kylie" wika niya dito.

"Bakit kasi kailangang papuntahin mo pa yang babaeng iyan dito" bulong nito.

"What?" 

"Nothing arghh" maarteng sabi nito at naglakad na papuntang pinto "Bye my dear" wika pa nito bago tuluyang umalis.

Matapos ang meeting niya nag pasya na siyang bumalik sa office at naabutan ang asawang mahimbing na natutulog inalis niya naman ang coat niya at ikinumot dito saka pumunta sa swivel chair niya at sandaling ipinikit ang mata hanggang sa makatulog na din siya.

Nagising si Amanda dahil nangangalay na siya sa pwesto niya kaya naman nilingon niya ang paligid at nakita ang asawa niyang nakaupo sa swivel chair nito habang nakapikit  pag tingin niya sa oras alas sais na pala kaya agad niya na itong nilapitan.


Heartless Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon