Lyla's POV
"Order ng kano, asan na?". Tanong ni Kyla sa akin. Isa siya sa best friend ko dito sa pinagtatrabahuan kong restaurant. Waiter kami pareho.
Ibinigay ko sa kanya ang order ng kano naming costumer. Inabot niya at pumunta na sa pwesto nung kano at inilapag isa-isa ang mga in-order niya. At pagkatapos at bumalik siya sa counter.
" Grabe talaga yang kano na yan , ang daming order." Reklamo pa niya sabay pumas ng noo niya.
"Hayaan mo na para madami kita natin." Sagot ko naman sa kanya. Sumimangot siya sa sinabi ko.
"Natin? Kita natin? Eh sa kay boss kalbo lang naman yun kita eh. Di nga tayo tinataasan ng sahod nun. Buraot siya." Asik pa niya. Natawa nalang ako sa sagot niya.
"Tama na young reklamo mo, balik kana dun at madami pang costumer." Sagot ko naman sakanya.
Sumimangot siya ulit at kinuha yong listahan ng mga oorderin.
Mga bandang hapon na nga komunti yung mga tao. Hanggang gabi ay konti parin. At dahil wala ng costumer, at maaga kaming nag-out.
Naglalakad lang kami ni Kyla pauwi para tipid sa pamasahe. Ang mahal-mahal na kasi ng gasolina ngayon. Malapit lang naman young bahay sa pinagtatrabahuan naming eh.
Nauna yung bahay nina Kyla sa amin kaya ako nalang mag isa pauwi. May mga nakikita pa akong batang naglalaro sa kalsada ng dis-oras ng gabi at mga nag iinuman sa kanto. Malayo palang ako at kita ko ng may kotse sa tapat ng bahay namin na nakaparada.
"May bisita sila mama?"
Pag dating ko sa harap ng pintuan naming at may naka upong lalaki na naka business suit. Makapal yong kilay niya at maganda yung pangangatawan. Mukhang mayaman. Ramdam ko yung paninitig niya sa akin.
"Sa kanya ba yung kotse sa labas?"
Tanong ko na naman sa isip ko.
"Oh! Anak, nandyan ka na pala." Sabi ni papa.
Pumasok ako at nagmano kila mama't papa.
"Oh ma, bat kayo nasa labas? Dapat nasa kwarto lang kayo at nagpapahinga." Pangaral ko kay mama. "Eh anak, nakakatamad naman young palaging nakahiga, atsaka may bisita tayo." Sagot naman niya.
Tinignan ko naman young lalaki at nakikinig lang saamin ni mama. Naglakad palapit so papa sa harapan ng lalaki.
"Eto nga pala si Nik-..."Hindi na natuloy ang sasabihin ni papa ng tumayo siya at nagsalita.
"I am Nikolai Andrei Jefferson, 25 years old and I'm the CEO of Jefferson Group Of Companies." Sabi niya sabay lahad ng kamay saakin. Tinignan ko naman yung mukha niya at nabigla ako ng matiim siyang nakatitig saakin.
Alanganin kong inilahad yong kamay ko para tanggapin young kamay niya. Ang init ng kamay niya samantalang ang lamig na kamay ko.
He gently squeezed my hands. Napaigtad ako at binawi agad yung kamay ko sa kanya. Hindi naman yun napansin nila mama at papa.
Bumaling ako kay papa.
"Ano po yung kailangan niya.?" Tanong ko.
"Nandito siya para pag usapan natin yung kasal niyo." Sagot naman ni papa.
Halos mawalan ako ng lakas sa sinabi ni papa. Kasal? Kasal namin? Eh ngayon ko lang 'to nakita eh. Puchang gala naman oh.
"Teka lang po, ano po ulit yun? Kasal?" Paglilinaw ko dahil baka nabingi ako sa narinig ko.
"Oo anak, kasal niyo." Sagot ni papa.
Doon na ako halos mawalan ng malay.
*
To be continued....
