Chapter 3

10 1 0
                                        


Lyla's POV

"I won't let you walk. I won't let my 'FIANCE' walk." may diing saad niya.

Napatulala ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na sasabihin niya yon sa harapan ko.

Fiancée?

Nag propose ba siya?

Wala naman diba?

"A-Ah e-eh..." bat ba ako nauutal?

Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin naman siya ng matiim saakin.

Bakit ganyan siya maka tingin?

"Let's go Lyla." Pag pukaw niya sa akin.

Tulala akong naka sunod sa likuran niya. Iniisip parin yung sinabi niya sa akin.

Pag dating namin sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumunod rin ako at umupo na sa shot gun seat niya. Nag seat belt rin ako.

Maya maya ay ipinausad na niya yung sasakyan. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako sa upuan ko. Walang umimik sa aming dalawa.

"How's your work." Pag basag niya sa katahimikan.

Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong nakititig siya sa akin.

"A-Ayos lang naman." nauutal ko paring sagot.

Tumango naman siya sa sinabi ko.

"You can be my secretary, if you want." saad niya.

Binalingan ko ulit siya ng tingin saka binawi agad yung tingin ko sa kanya.

"A-Ah hi-hindi ako marunong ng trabahong yun eh." nahihiya kong sagot.

Tumikhim siya.

"I can.." tumikhim ulit siya. "Teach you how to work as my secretary." sabi niya

Bakit para iba yung pagkakaintindi sa sinabi niya? Parang double meaning eh.

"Salamat sa offer mo pero ayos na ako sa trabaho ko sa restaurant eh." saad ko.

Parang malungkot siyang tumango sa sinabi ko.

Nagpatuloy yung pag da-drive niya hanggang sa makarating na rin kami sa bahay.

Ipinark niya sa gilid ng kalsada at dali daling lumabas para pag buksan ako ng pintuan. Nagulat naman ako dun.

"Salamat." sabi ko

Tumango lang siya bilang tugon sa akin.

Naglakad na ako palapit sa gate ng bahay namin. Naka sunod parin siya.

"Pumasok ka muna." aya ko.

Umiling lang siya.

"It's getting late, I should go home now."

"Ha? A-Ah e-eh sige ingat nalang sa byahe mo pauwi."

Ano daw?

Concern ba ako?

Nope. Never.

Nakita kong tumaas yung sulok ng labi niya.

Ano yun?

Dali dali kong binuksan yung gate namin, papasok na sana ako ng hilahin niya yung braso ko. Nabigla naman ako sa ginawa niya.

Gulat akong humarap sa kanya. At nakita ko naman yung matiim niyang paraan ng paninitig sa akin.

"B-Bakit."  utal kong tanong.

Ngumisi siya at inilapit yung mukha niya sa aking tenga. Hawak hawak parin yung braso ko.

"Goodnight, baby."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay dahan dahan niyang linapit yung labi niya sa labi ko. Nakita kong pikit yung mata niya habang ako ay malalaking matang naka tingin sa kanya at sa gagawin niya.

Linapit niya pa ulit hanggang gahibla nalang yung pagitan ng mga labi naming dalawa.

Iminulat niya yung mata niya at tinignan ako. Tinging matiim.

"I want you to remember this night, baby."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan na niya ako sa labi. Gulat gulat akong naka tingin sa naka pikit niyang mga mata. Nanginginig yung katawan ko sa ginawa niya. Ang tamis ng labi niya habang ako hindi ko alam kong naka pag toothbrush ako.

Puta first kiss ko 'to.

Habol ang hiningang tumigil siya. Hindi pa ako nakahinga ng maayos ng hulihin na naman niya yung labi ko ulit.

"Ump--..."

Grabe yung bigla ko na naman sa pangalawang pagkakataong hinalikan niya ako.

Second kiss agad?

Parang yung paraan ng paghalik niya ay parang ang tagal na niyang hinintay yung pagkakataon na ito.

Tumigil na siya at tinitigan ako.

"Baby....thank you for this wonderful night." parang lasing na saad niya.

Hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya. Naglakad na papunta sa kotse niya.

Ako naman ay tulala paring sa nangyari.

Nang makabawi ay unti unti akong naglakad sa bahay namin.

                              *

To be continued.....

Marriage For ConvenienceWhere stories live. Discover now