Chapter 4

26 2 0
                                        

Lyla's POV

Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Hinawakan ko ang labi ko at parang nararamdaman ko parin yung labi niya na naka lapat saakin. Yung paraan ng pag halik niya sa akin ay parang sabik na sabik, parang ang tagal na niyang hinintay na mangyari yung bagay na yun.

Pinilit kung matulong pero pag tulog ko ay yung mukha niyang naka pikit yung nakikita ko. Bumalikwas agad ako ng bangon at tinampal agad yung mukha ko.

"Lyla, wala lang yung halik na yun." pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at pinilit ko ng makatulog kasi may lakad kami bukas ni Josh.

Kinabukasan, maaga akong nagising kasi hindi naman ako nakatulong ng maayos. Para akong taong naglalakad na eyebags. Human eyebags kumbaga.

Naligo na ako at nagbihis kasi dadaanan niya ako dito sa bahay namin. Simpleng jeans at T-shirt lang yung suot ko at nag sapatos ako. Gusto ko kasi na kumportable ako kapag may pupuntahan ako. Ayoko yung habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga tao.

Napatingin ako sa may bintana ng kwarto ko ng makarinig ako ng tunog ng motor na pumarada.

Si Josh na yun.

Tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin ng hurling beses at nung naming satisfied ako ay kumaripas na ako ng takbo sa hagdanan namin. Nakakahiya naman sa kanya kung paghihintayin ko siya eh sinundo na nga niya ako.

Pag dating ko sa may saka ay nakita kong nandun na siya naka upo pero pagkakita saakin ay biglang tumayo siya.

Tinignan ako ni papa.

"May bisita ka pala, anak." saad ni papa.

"Ah opo pa, ka trabaho ko yan sa restaurant eh magpapasama saakin papuntang mall may bibilhin daw siya eh." sagot ko naman.

"Ah ganun ba? Oh sige mag iingat kayong dalawa." si papa.

"Teka ano pala yung pangalan mo iho?" pahabol ni papa.

"Ako po si Josh Castro." pakilala niya.

"Sige, lumakad na kayo." paalam ni papa.

"Sige pa pakisabi nalang kay mama." ako

Tumango lang si papa biglang sagot.

Naglakad na kami papuntang gate ng bahay namin at nakita ko yung motor na dala niya. Mukhang bagong bili.

"Bago ba yung motor mo?" tanong ko.

Binalingan niya ako.

"Ah oo kakabili ko palang niyan kahapon. Pinag ipunan ko kasi talaga iyan eh."  paliwanag niya.

Mahilig talaga 'to mag ipon kung may gusto siyang bilhin eh. Maswerte sa kanya yung mga magulang niya kasi ang bait niya pati sa mga kapatid niya.

Natauhan lang ako ng siya na ang naglagay ng helmet sa ulo ko. Nabigla naman ako dun.

Siya muna yung sumakay at pagkatapos ay ako naman. Pina andar na niya yung motor ng hindi mabilis yung pag papatakbo.

Hindi naman traffic kaya naka rating agad kami.

Pumunta kami sa men's section. Pumili siya ng polo. Nakikita kong parang nahihirapan siyang pumili kaya tinulungan ko na siya.

Pinili ko yung kulay puting polo at ibinigay ko sa kanya.

"Try mo." sabi ko.

Ngumiti naman siya at pumunta na sa fitting room.  Naghintay lang ako ng mga ilang minuto.

Maya maya ay lumabas na siya. Bahay na bagay sa kanya yung polo kasi maputi siya.

"Bagay ba?" tanong niya.

Binigyan ko lang siya ng two thumbs up. Ngumiti naman siya sa ginawa ko.

"Kukunin niyo po ba sir?" tanong ng sales lady.

"Opo, teka magbibihis lang ako." sagot niya.

Bumalik ulit siya sa fitting room.

-------

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

Naglalakad na kami papuntang fast food chain. Nagutom ata sa kakapili ng damit kanina. Binayaran na niya yung damit na pinili ko para sa kanya.

"Fast food nalang tayo."

Tumango siya sa sinabi ko.

Kanina pa siya nagpupumilit na siya na yung magbabayad ng pagkain namin kaya pumayag nalang ako.

Nang makarating kami ay agad na siya nag order ng pagkain namin.

----------

"Arcade tayo?" tanong niya.

"Ha? Wag na uwi nalang tayo." sagot ko.

Tumawa lang siya.

"Ang kj mo talaga." saad niya sabay pingot ng ilong ko.

Ngumiwi naman ako sa sakit.

"Araay!!" reklamo ko

"Tara na."

"Humanda ka sakin Josh Castro." pagbabanta ko.

Tumawa nalang ulit siya.

Pagdating namin dun ay nagsimula na yung laro namin.

----------

"Hahaha ang daya daya mo talaga." reklamo niya.

"Hindi ako madaya no, sadyang magaling lang talaga ako." pagtatanggol ko sa sarili ko.

Tatawa tawa kami habang nagtatanggal ng helmet. Nahirapan naman ako kaya siya na yung nagtanggal ng helmet ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong may naka tingin sa amin. Nagulat ako ng malaman kong sino yun.

Si Nikolai!!!

Parang papatay siyang naglakad papalapit saaming dalawa ni Josh.

Ako naman ay hindi ko malaman yung gagawin ko.

                              *

To be continued....

Please vote and comment po para malaman ko kung may nagbabasa pa po nito. Kung wala naman ay baka i-delete ko nalang po yung story ko.

Thank you po😊

Highly appreciated.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marriage For ConvenienceWhere stories live. Discover now