Chapter 2

12 1 0
                                        


    Lyla's POV

Hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na ako. Imagine? Kakikilala ko palang sa kanya, tapos kasal agad? Ano ako? Easy to get? No way. Hindi ako papayag . NBSB nga ako tapos ganun na agad?.

Pero bakit parang kilalang kilala na nila mama at papa yung lalaking yun? Sa pakikitungo kasi nila ay parang matagal na nilang kilala yung lalaking yun eh.

"Beshie" pagtawag sakin ni Kyla.

"Oh?" sagot ko naman.

"Bakit ang lalalim ng iniisip mo?" tanong niya

Napansin ba niya?

"May iniisip lang ako." kaswal kong sagot.

Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa ng kung ano-ano. Nagsimula na kami ng trabaho kasi ang daming costumer ngayon. Sabado kasi. Dito kasi ay tuwing Sabado at Linggo lang dumarami yung costumer. Kasi walang pasok sa trabaho at eskwela.

Nakita kong lumapit sa akin si Josh. Isa sa katrabaho ko dito rin sa restaurant.

"Ah, Lyla..." tawag niya.

"Hmm? Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Ah eh... p-pwede mo b-ba akong sa-samahan sa mall bukas? Day off naman n-natin eh" sagot niya saka Padang nahihiyang kumamot sa batok niya.

"Among gagawin natin doon?" tanong ko ulit.

Kumamoto ulit siya sa batok niya bago magsalita.

"M-May bibilhin lang s-sana a-ako."

"Sige sasama ako." sagot ko.

Biglang nagliwanag yung mata niya at ang laki ng ngiti niya. Kita yung pantay  pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Tumawa nalang ako sa naging reaksyon niya.

"Bukas susunduin kita sa inyo."

"Huwag na, nakakahiya naman sayo, sa mall nalang tayo mag kita." suhestiyon ko.

"No. I insists. I'll fetch you tommorow. 8:00 am." pamimilit niya pa ulit.

"Oh sige bahala ka." pag suko ko.

"Sige." sabi niya sabay punta na sa trabaho niya.

Ako naman ay nagtrabaho narin. Medyo nabawasan narin ng konti yung costumer. Mga bandang 6:30 ng hapon at nag ayos na kami ni Kyla pauwi. Maglalakad ulit kami.

Paglabas namin ay may nakita kaming kotseng nakaparada sa may gilid ng kalsada. Naka-baba yung salamin kaya kitang-kita ko kung sino yung tao sa loob.

Binalingan ko agad si Kyla.

"Ah, pwede bang ikaw muna yung umuwi? May bibilhin pa kasi ako." medyo taranta kong sabi sa kanya.

Kumunot naman yung noo niya.

"Ha? Sasamahan nalang kita." pagpupumilit niya sa akin.

"Hindi na ako nalang kaya ko naman eh." sabi ko

"Sigurado ka ba? Gabi na baka mapano ka sa daan."

"Oo kaya ko. Sige na babye ingat ka." paalam ko.

"Oh sige, ingat ingat ka run." sabi niya saka naglakad na pauwi.

Napahinga naman ako ng maluwag.

Maya maya ay nakita kong bumaba na siya sa kotse niya at naglakad na papalapit sa akin. Naka business suit ulit siya at mukhang kakagaling lang sa trabaho. Kitang kita ko yung gwapo niyang mukha habang naglalakad siya papalapit sa akin. Ngayong ko lang napagmasdan yung mukha niya keysa kagabi.

Ang tangos ng ilong niya, makapal yung kilay, yung mga mata niyang ang ganda pagmasdan at saka yung labi niya. Ang kinis rin ng balat talagang halatang mayaman.

Sana all.

Nawa'y lahat.

Hindi ko namalayan na nasa  harapan ko na pala siya.

"Let's go." aya niya.

"Ha?"

"I said let's go." pag uulit niya.

"Ah eh, maglalakad nalang ako malapit  lang naman eh." sagot ko.

Nakita kong namang dumilim yung paningin niya sa sinabi ko.

May nasabi ba akong mali?

"No. I won't let you walk. I won't let my 'Fiancée' walk". may diing saad niya at inilapit pa niya yung mukha niya sa akin.

Ano raw? Fiancée?

                            *

To be continued....

Marriage For ConvenienceWhere stories live. Discover now