Naglalakad ako papunta ng classroom ng biglang hinarangan ako ni Jessica, “Oh! So talagang hinatid ka talaga ng BABE ko?” “Wala akong panahon ngayon sa ganitong away Jes, late na ako may pasok pa ako.” Umiwas ako, hinarangan niya ako ulit. *crossed arms* “well, its better!” “Jessica, please lang. May pasok pa ako!” Bigla niya ako hinila palabas ng building, “Ano ba Jessica, bitawan mo ako! Nasasaktan ako!” “Kulang pa yan Chanelle! Mas masakit pa jan ang ginawa niyo ni Jake sakin!” Bigla niya ako tinulak papalayo sa kanya, tumalikod nalang ako at naglakad ng mabilis para maka abot sa pasok ko bigla niya ako hinila ulit, “wag na wag mo ako talikuran Chanelle Venice Mendez! Hindi pa tayo tapos! Magtutuos pa tayo! Malanding sisiw!" Bigla niya ako sinabunutan. "A-aray! Masakit!"
sinabunutan ko siya pabalik. Ilang minuto na din kami nagsasabunutan. Ng biglang, "Miss Mendez! Miss Mendoza! Principal's office! NOW!" Naglakad kami ni Jessica papunta ng principal's office. "Anyone expalin what happend! Bat kayo nagsasabunutan! You should be in your classes!" sabi ni Sir Samillano, principal ng school namin. "Eh kasi sir si Chanelle po eh. Naglalakad lang ako tapos bigla niya ako sinabunutan." sabay tingin ni Jessica sa akin ng masakit. "H-hindi po yun totoo! Nagsisinungaling po siya!" "Manahimik kayo! Tatawagin ko attention ng parents niyo at one week suspension! Grade 9 palang kayo nag eeskandalo na kayo. Bangayan kayo ng bangayan, hindi na kayo bata! Pumasok na kayo sa mhga klase niyo at wag na tong mauulit! MAliwang!" "Opo Sir." sabay kami nagsabi ni Jessica. Paglabas namin ng Principal's Office, *riiiiiiiing* tapos na first subject, deretso nalang ako sa next class ko. "This is all your fault! Kasalanan mo to!" "Sino bang nauna manabunot?" "Sino ba nanglalandi at nang aahas ng boyfriend? Ang plastic mo kasi! Nagaalingasaw ang baho mo!" binilasan niya paglakad niya, "Bye bestfriend!" sabay flip ng hair niya.
Di ko nalang siya pinansin, naglakad na lang ako papunta sa susunod kong klase, ilang buwan nalang grade 10 na ako. Haaay buhay! "Hey Gurl! San ka galing? 'Bat di ka pumasok sa Biology? Marami kang namiss na lessons. Ano ba nangyari sayo? Para kang nirape! Magsuklay ka nga." saabi ni Sheila, "Pangit ng term mo, rape talaga? Di ba pwedeng gahasa lang para di medyo pangit? Hinatid ako ni Jake, sinabunutan ako ni Jessica. One week detention." sabi ko habang inayos ko buhok ko. "Ano? Bakit? 'Tong babaeng to talaga! Demonyo talaga kahit kelan!" sabi niya Bianca sabay palo ng arm chair niya sa sobrang galit. "Kanya daw si Jake, nilalandi ko daw si Jake kaya siya nagalit sakin." "Eh bakit? Ano naman pakealam niya? Huwag kang maniwala sakanya," "Ikaw mahal ni Jake." sagot ni JAde, kaklase ko. "Ikaw talaga Jade kahit kelan chismosa ka. Wag nga pasok pasok sa usapan ng iba." sabay hampas ni Bianca sa braso ni JAde. "Aray! Mashakit Bianc! Narinig ko eh, kasalanan ko bang narinig ko? HAHA." tawa ni Jade. "Uhm, thanks nalang Jade kahit epal ka mahal kita. HAHA." tinawanan ko na rin si Jade.
*riiiiiiiiiiing!* nagsibalikan na kami sa aming mga seats, katabi ko si "Dandruff Danny" at si "Nail Bitting Faith" tiningnan ko sila ng gross look. "Masarap bang kitkitin yung mga kuku mo?" sabi ko kay "Nail Bitting Faith." "Hindi naman Chanelle, onte lang gusto mo?" inabot niya sakin ang kamay niya na maraming laway at hindi pantay ang kuko. "Sige, thanks but no thanks Faith." "Okay!" nginitian niya ako at kinitkit ulit kuko niya. Kadiri talaga! Maganda pa siya sana kaso nga lang parang wala sa bokabyularyo niya ang "GOODGROOMING" "Okay Class let's start our History Class." sabi ni Miss Sanchez. Na bore ako sa klase, natulog nalang ako tutal antok na rin naman ako eh, madaling araw na ako natulog kagabi. *riiiiing!* "Chanelle, gising na. Tapos na klase, lunch tayo!" aya ni Bianca. "Sige, sunod ako." sagot ko kay Bianca, nauna na sila lumabas palabas na sana akokaso lang, "Miss Mendez." tawag sakin ni Miss Sanchez. "Do you find my class boring?" "No ma'am." "I caught you sleeping in my class." "Sorry Ma'am, antok lang po talaga ako." "Hindi na 'to mauulit, diba?" "Opo Ma'am mauna na po ako." naglakad na ako papunta sa canteen. "Oh! Jan ka na pala eh." "Yeah." sagot ko. "Ilang linggo nalang grade 10 na rin tayo." sabi ni Sheila. "Kaya nga. SAn tayo mag sasummer? Let's spend our last time's together bessies." sabi ni Bianca. "Siguro, sa bahay lang ako. Ayaw kong umalis." "Ang KJ mo naman Chanelle, outing tayo! Diba tra-transfer ka na ng school." "Bat kasi kailangan mo pang lumipat nang school, kainis!" "Puntahan niyo ako dun ha?" Biglang dumating si Jessica. "Well, buti lang lumipat ka ng school. Masosolo ko na si Jakey ko." "Actually Jessica, hindi pa siya lilipat." sabi ni Bianca. "Pero atleast wala nang peste dito sa school." tumatawang sagot ni Jessica. Umalis na sila. "Alam mo parang sasabunutan ko na talaga siya eh!" "Hayaan mo na sila Shei." Malungkot kong sagot.
Jessica's POV
"San ka mamaya Jes?" sabi ni Kristine, kaibigan ko since Kindergarten. "well, manunuod kami ni Jake ng movie mamaya." masigla kong sagot. "Ano? Kayo? Eh p-pano si Chanelle?" "Actually, nung binalikan ni Jake si Chanelle, nag away kami. PEro ngayon, kami na ulit ni Jake hayaan mo siya, wala siyang kwentang babae, HA-HA-HA!" "Ang galing mo talaga girl!" sabi ni Kristine, *riiiiiiiing* tapos na lunch break. HAHA, kawawa talaga ni Chanelle, ang bobo bobo niya talaga. *toot* Babe calling..... "Hi Babe!" Bati ko kay JAke, "Hey dont forget later 5:00 PM let's watch movie, I'll pick you up after class. Bili nalang tayo nang damit mo baka pagalitaan ka pag nakita kang namamasyal sa labas ng nakauniform baka madagdagan detension mo. Haha, joke lang yun babe." "Asar! Okay babe, Iloveyou." "Iloveyou too babe." *toot* nag hang-up siya, naglakaad kami papunta sa klase namin ng narinig ko si Chanelle may kausap. "Uhm, ganoon ba labs? Sige commute nalng ako, sanay narin naman ako mag commute eh.. Magingat ka ha. Iloveyou labs." Bakas sa mukha ni Chanelle ang lungkot, "Hi Chanelle! sino yun?" sabi ko, "Wala ka na don JEssica." tumalikod siya at naglakad ng mbilis papalayo sakin,
"Si Jake ba yun?" tumigil siya nang paglalakkad "wala akong panahon ngayon sa pagaaway Ms. Mendoza." "Okay SS kayo," asar ko sakanya sabay ngiti. Pumunta na ako sa klase ko, "nakasalubong ko si Chanelle sa hallway" sabi ko kay Kristine, "Oh? Ano nangyari?" "Narinig ko naguusap sila ni Jake. Hindi daw siya masusundo." "Girl! Ang galing mo talaga! Haba ng hair mo!" matapos nang klase, hinintay ko si Jake sa parking lot, habang naglalakad ako paapuntaang parking lot nakita ko si Chanelle sa field, di ko na pinansin dumiretso na ako sa parking lot! Pagdating k, nakita ko si Jake naka sandal sa kotse niya, so H-O-T niya talaga! "Hi babe! kanina ka pa ba dito?" sabay yakap sakanya sa leeg at *kiiiiis* :* bumitaw na ako sa pagkahalik sakanya, "hindi naman, tara?" binuksan niya yung passenger's seat at pumasok ako, nagdrive siya. "Babe, mahal mo ba talaga si Chanelle?" bigla nalang yun lumabas sa bibig ko, "Tsk, bat mo naman natanong yan babe? Di naman, bored lang ako kaya siya kinalilingawan ko." napangiti ako bigla, dito na kami sa mall kararating lang namin wala lang share lang, haha. Puunta kami sa mga stores, una naming pinuntahan yung MAGS, bumili kami ng tube dress above the knee, plain hot pink na may ribbon sa likod di naman siya nakakabastos. Pagkatapos noon, pumunta kami sa CLN, binilhan niya ako ng Memorata shoes na stiletto, ang cute ng shoes! Ang saya saya ko! ^_________^
Nanood kami ng Hansel and Gretel (hindi cartoons) tiningnan kko si Jake, hay naku! Tulog naman siya, haha. Sayang yung bayad sa movie, tinutulugan niya lang. Habang nakatulog si Jake, binanggit niya paangalaan ni Chanelle "sorry Chanelle." napasimangot tuloy si ako. :/ nagising siya bigla, hinawakan niya kamay ko at tumingin ako sakanya "Babe?" sabi ko "Yes babe?" "kung breakan mo na kaya si Chanelle?" "Babe, ayoko makasakit nang tao" "Text mo siya, gusto mo ako pa magtext para sayo?" "babe, ako nalang. dahan dahanin ko lang." "basta breakan mo siya babe ha?" "yes babe" sabay halik sa kamay ko. Mahal na mahal ko na talaga si babe ko!! :DDDD pagtapos namin manood ng movie, kumain kami sa Kenny Rogers ang sarap talaga ng pagkain nila! ^____^ nagorder na kami ni JAke, ilang minuto dumating na rin order namin, habang kumakain kami maraming babae nakatingin kay Jake, "tingnan mo oh! Ang gwapo!" hirit ng mga nasa kabilang table namin "Babe!" sabi ko sakanya. Lumapit siya sakin inakbayan niiya ako "ano yun babe?'' hinalikan ko labi niya *smack* Ang SARAAAAAP! :'> hinawakan ko kamay niya, "Ay may girlfriend pala siya, sayang!" sabi ni Girl 1. Pagtapos namin kumain, hinatid niya ako pauwi pagdating ko sa bahay naligo ako, nagbihis, at natulog.