Little Angels Orphanage

22 2 0
                                    

...

"Po?" nagulantang ang buong katawan at kaluluwa ni Yeng ng marinig ang sinabi ng Madre na kausap niya.

"matagal tagal na din ang nakakalipas iha, siguro ang batang yun ay dalaga na. Hindi ko din alam kung bakit pero mataas at magaan ang loob ko kay Angel kaya pumayag ako sa gusto niya" may ngiti sa labi nitong inaalala ang namayapang dalaga

Sino ang batang tinutukoy ni Mother?

"may ampon po si Angel?" hindi makapaniwala nitong tanong dito

Natango naman ang Madre na walang pag dadalawang isip na siyang lalong pinag alala ni Yeng

"Ma—aari ko po bang malaman ang pangalan ng bata?"

Napanganga nalang si Yeng at parang baliw na natulala sa hangin ng marinig ang pangalan.

"Erika, pinangalan niya ito sa kaniyang asawa na si Erik. Sa totoo lang iha ayaw ni Angel na may makaalam sa pagkatao ni Erika, pero dahil kaibigan ka niya nais ko din sanang malaman kung kamusta na si Erika?"

"O.. Okay naman po siya, ng mawala si Angel hindi naman po hinayaan ni Erik na maramdaman nito na may kulang sa pamilya nila."

"Eh ang ina ni Erika kamusta na?"

"Matagal na pong patay si Angel....."

"Alam ko iyon iha, nandodoon ako hindi ba ng magkita ang pamilya para ipagdasal si Angel ang tinutukoy ko ay ang tunay na ina ni Erika"  pagputol nito sa sinasabi ni Yeng

Ang hindi alam ni Yeng ay ang tunay na ina ni Erika ay hindi nalalayo sa kanila.

"Po? Sino po ba ang tunay na ina ni Erika?" gulong gulo ang isip nito sa pag bubuo ng inpormasyon na kaniyang nalaman

"Si Aleyinah, noong nalaman ni Angel na anak ito ni Aleyinah hindi siya nagdalawang isip na ampunin ang bata at mahalin bilang tunay na anak niya"

Hindi na napigilan pa ni Yeng ang pag patak ng luha nito ng marinig iyon sa madre na siyang pinag bilinan ni Angel sa kaniyang nakaraan.

"Naaalala ko pa hanggang ngayon kung gaano kasaya si Angel ng unang beses niyang makarga ang bata, bagay na bagay sa kaniya ang maging ina at kita ko na mamahalin niya ito ng buong puso. Hindi naman din niya ako binigo dahil ng bumalik siya dito kasama niya si Erik ang kaniyang asawa na.. "

" Alam po ba ito ni Erik? " pag putol nito sa sinasabi ng madre

" hmmm.... Sa pag kakaalam ko ay hindi ija, ayon kasi kay Angel ayaw niya muna sabihin kay Erik ang totoo nag hihintay laang muna siya ng tamang oras para sa dalawa. Maaaring ngayon alam na nito, bakit hindi mo itanong tutal paparating na siya" nakangiti nitong sabi habang nakasulyap sa paparating na si Erik

Dali dali namang naglakad papalayo si Yeng para hindi maabutan ni Erik at siyang sumenyas sa Madre na huwag sabihin na pumunta siya dito.

"Sister kamusta po?" may galak sa boses ni Erik na bati dito

Nagtago lamang si Yeng sa gilid ng kwarto na bukas para hindi makita ni Erik

"Mabuti naman ijo, ano ba ang maipag lilingkod ko sa iyo wari ko'y namimiss mo ang mga bata kaya ikaw ay napadpad dito" pagbibiro pa ng Madre

Natango tango naman si Erik na masayang inangat ang mga plastic ng laruan at pagkain para sa mga bata

"ito nga po at dinalhan ko sila ng kaunting pasalubong, oo nga po pala sino yung kausap niyo kanina? Bagong magulang na mag aampon?"  tanong pa nito sa Madre na hindi mapinta ang mukha

"naku, isang kaibigan na bumisita alam mo naman na madaming tao ang nag mamahal sa mga bata dito kaya hindi maaaring wala bumibisita, mabuti pa at puntahan na natin ang mga bata at siguradong namiss ka ng mga iyon " pag iwas nito sa binata

AQ SERIES : KAILANGAN KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon