Dear Diary,
Ako nga pala si Dwaine del Valle, bukod sa matangkad ako, maputi at makinis ang balat ko, Gwapo ako, kissable ang lips ko, Basketball MVP ako, mahilig ako kumanta, mayaman kami, bukod don ay wala na yatang iba pa. 'Yan ang mga katangian na meron ako physically, ay meron pa pala, lapitin din ako ng mga chicks pero isa lang ang gusto ko, at si Akiyesha Cassandra Lopez 'yon. Ang ganda ganda niya hehehe ❤____❤, lahat ng katangian na pwedeng gustuhin ng isang lalaki para sa isang babae ay mayron siya. Kaya nga gusto ko siya eh, at maswerte ako dahil sa dami ng mga umaaligid aligid sa kanya ay ako ang ini-entertain niya, though hindi niya alam na gusto ko siya.
Pero hindi lang siya ang dahilan kung bakit ako nagsusulat dito ngayon! So, bakit nga ba ako nagsusulat? Tsk! Hindi ko rin alam! Gusto ko lang magkwento!
Alam ko na yang iniisip mo Diary, bihira lang o wala nga talagang lalaki na gumagawa ng Diary. Pero ito lang kasi ang paraan ko para makapag kwento ng BUONG BUO. Kaya 'wag mo kong pagtatawanan kundi, masasapak kita!
So ito na nga Diary, araw ngayon ng lunes. Ang isa sa pinaka masayang araw ko dapat, dahil hindi n'yo naitatanong, si Akiyesha ay hindi ko kaklase, hindi rin School mate. Sa ibang school kasi pumapasok, at matagal ko ng hinihingi kila Dad na lumipat ako sa School nila, at matapos ang kahaba habang paki usapan na umabot ng dalawang taon ay pumayag din sila. And today is supposed to be my first day there.
Pero may nangyari kanina, habang kumakain kami ay bigla na lang nahimatay ang kapatid ko!
Oo Diary may kapatid ako, little sister ko, she's just 7-year old.
Dali dali namin s'yang sinugod sa hospital! Si Mommy naman ay 'di matigil sa kaiiyak! Ang masayang kainan namin ay nauwi sa takot at kaba.
Pero mas nagulantang kami nung sinabi ng Doctor niya na she's suffering an Acute Lymphocytic Leukemia! At mas nakakagulantang na kailangan n'ya ng bone marrow transplant or else---no! Hindi pwede!
Nang malaman namin 'yon halos gumuho ang mundo namin Diary, she's our Princess, at s'ya ang buhay ni Mommy!
Kailangan na daw maisagawa kaagad ang operation, para mas malaki ang chance na makapag survive siya. At maaaring isa daw sa aming tatlo ang pwedeng maging donor n'ya, batid kong napakasakit 'non kung sakaling sa akin manggagaling, walang anesthesia ang tumatalab sa bone marrow operation, 'yon ang alam ko. Pero kaya ko ang physical na masaktan, kesa sa mawala sa amin ang nag iisang prinsesa namin.
Naunang sinuri sila Daddy at Mommy pero parehong negative!
"Mom, please stop crying, baka po kayo naman ang mapano n'yan, nandito pa naman po ako, 'di ba ang sabi ng Doctor ay mas malaki ang chance na kami ang magkamatch dahil magkapatid kami, Mom 'wag po tayong mawalan ng pag asa." 'Yon ang sinabi ko kay Mommy para sana tumahan s'ya, pero lalo lang s'yang humagulhol habang yakap yakap ni Dad!
"She's my life Dan. She's my life. She's my life." Pa ulit ulit na sambit n'ya kay Dad, at si Dad naman ay walang magawa kundi ang yakapin s'ya at hagurin ang likod.
At ako na nga ang sumunod.
Pero matapos makipag usap kay Doc at malaman na NEGATIVE din ako, tuluyan ng gumuho ang mundo ko!
'No this cant be' sabi ko pa sa isip ko.
Diary ang saklap! Ang hirap! Alam kong hindi bagay ang umiyak pero 'yon na lang magagawa ko!
Lumabas ako sa laboratory na 'yon na parang wala sa sarili! Pilit ina-absorb ng utak ko 'yung mga sinabi ng Doctor. Pero hindi ko mahanap ang puwang ng 'pagtanggap' sa isip ko!
'Bakit?' Tanong ko pa ulit sa sarili ko!
Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Mommy na mugtong mugto na ang mga mata, na malamang ay dahil sa kaiiyak!
"Kamusta Dwaine? Ano? Pwede ka ba? Anong oras ang operation? Anong sabi ng Doctor?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Mommy, pero isa lang ang sagot 'don sa mga tanong n'ya.
"Negative." Tipid na sagot ko. Hindi ko kayang makita ang Mommy ko na nawawalan na ng pag asa kaya lumakad ako at umalis! Hindi ko alam kung saan ako pupunta!
'Paano na si Dianne? Paano na ang Mommy ko? Si Daddy?' Mga tanong ulit ng isip ko, pero hindi ko masagot.
Habang tinatahak ko ang kahabaan ng hall way ng hospital na 'yon ay may nakasalubong akong mga nurse, civilian at isang pasyente sa stretcher na tulak tulak nila! Hindi ko masyadong naaninag yung tao 'don sa stretcher. Iyak nang iyak yung babae na sa tingin ko ay ka edad ko lang.
"Tay, lumaban ka tay! Tay, kailangan ka pa namin, tay please.."
"Ma'am hanggang dito na lang po kayo, kami na po ang bahala sa kanya."
"Doc please, nagmamakaawa po ako, gawin n'yo po ang lahat, iligtas n'yo po ang tatay ko." Halos lumuhod na s'ya sa harap ng Doctor. Nakita ko pa na tinapik s'ya sa balikat nung Doctor bago ito tuluyang pumasok sa loob. Ako naman ay hindi na nakagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya, naihilamos n'ya na lang yung mga palad n'ya habang umiiyak!
Nang muling umugong sa isipan ko yung mga sinabi ni Doc ay natauhan ako at tumuloy na sa paglalakad. Bago ko s'ya lagpasan ay nagsalita ako. "Gagaling din s'ya, magtiwala ka lang. Walang imposible sa Diyos." Tsk! Hindi ko alam kung paanong nakuha ko pa'ng sabihin 'yon sa kanya, kung sa sarili ko ay hindi ko iyon masabi! Kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin s'ya sa akin, pero hindi na ako nag abalang tignan pa s'ya, binilisan ko na lang ang lakad ko!
Diary pakiramdam ko, wala na talaga. Lumong lumo na ako.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng chapel, sa loob pa rin ng hospital.
Umupo lang ako doon, tumitig sa imahe ng mukha Niya na nakapako sa krus. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hinayaan ko na lang na dumaloy ang luha sa mga pisngi ko. Alam ko naman kasi na hindi n'ya ko pagtatawanan o sasabihan ng bakla dahil umiiyak ako.
Mga ilang minuto din akong nakatitig lang sa Kanya.
Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko Diary. Susumbatan ko ba s'ya? Pero may karapatan ba akong gawin 'yon? Magtatanong ako sa kanya? Pero may makukuha ba akong sagot?
Ilang minuto pa ay nagulat na lang ako nang may biglang tumabi sa akin, kaya napalingon ako sa kanya. Siya yung babae kanina! Pero binalik ko din kaagad ang paningin ko sa harapan.
"Kung ano man 'yan, malalagpasan mo din 'yan, magtiwala ka lang. Walang imposible sa Diyos." Inulit n'ya lang yung sinabi ko kanina.
"Malabo na." Maikling tugon ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"Walang imposible." Aniya pa.
Hindi na ako sumagot at umalis na lang.
Umuwi na lang ako, at nagkulong sa kwarto.
At ito ako ngayon nagsusulat.
Salamat sa pakikinig Diary.
'Ito na siguro ang magiging umpisa ng pagbabago.'
-Dwaine
To be continued..
(A/N: kyaaaa!!! Lalaki po si Dwaine pramis! At sana mukhang pang lalaki ang point of view niya! Dahil hindi talaga ako marunong gumawa ng POV kapag lalaki! At isa pa, first ko po ito na lalaki ang main character. Kaya malaking PASENSYA ang hinihingi ko, for typo and grammar errors)
Thank you!!
@istarwaryor loves you MUCH :))

BINABASA MO ANG
DWAINE's Diary (Slow Update)
Short StoryIkaw. Para kanino ka nabubuhay? Anong kahulugan ng buhay para sa 'yo? Anong kaya mo'ng gawin para mabuhay? Sa paano'ng paraan mo iingatan ang buhay mo? --- Si Dwaine del Valle. -binata. -gwapo. -mayaman. -masaya at buo ang pamilya. -what Dwaine's wa...