Dear Diary,
Kinabukasan maaga na naman akong nagising. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang pag gising ko ngayong araw. Panibagong araw, panibagong paghihirap na naman. Hiniling ko naman kagabi na 'wag na ako magising pero nagising parin ako. Gano'n naman kasi talaga, palaging opposite ang ibinabalik sa akin. My situation right now is enough to explain and to understand how unfair life is.
'Napaka unfair.'
Mas lalo lang akong ilulugmok kung patuloy kong kukontrahin ang kamalasan na nangyayari sa akin, mas maigi siguro kung sasabayan ko nalang.
Kagaya ng sinabi ko ay may rice na nga sa umaga. Dati kasi hindi kami nagkakanin sa umaga, bread and cereal lang, kasama daw 'yon sa diet namin sabi ni Mommy, para rin daw maging healthy kami, pero wala naman eh. Ngayon ko nga lang na-realize, life is too short para sayangin sa mga bagay na hindi naman nakakapagpasaya sa 'yo. Hindi ako masaya sa bread and cereal, pero kailangan kong lamunin 'yon dahil iyon daw ang dapat. All my life, ginawa ko kung ano ang 'dapat' pero ang balik sa akin ay ang 'hindi' naman dapat. Funny, isn't it? So ngayon, habang may oras pa ako, gagawin ko naman ang mga gusto ko kahit 'hindi dapat' baka sakaling ang magiging balik sa akin ay ang 'dapat'.
Sakto naman pagkalabas ko ng bahay ay siya namang pagdating ng motor ko, inihatid 'yon ng isa sa mga tauhan ng Shop na tinawagan ko kagabi para ipakuha ang motor ko at ipagawa. Maayos na ulit, at pwede nang butusin ulit.
Swabe lang ang byahe ko, hindi naman sa nag iingat ako magmaneho, trip ko lang talaga na bagalan ang takbo no'n hanggang sa marating ko ang School. Maging ang pag-park ko ay swabe lang din. Doon ko ulit p-in-ark sa pinag-park-an ko kahapon.
"Grabe ang gwapo niya talaga girlss!!"
"Correction, hindi siya gwapo! Gwapo na gwapo! Kyaaaa!!"
"Walking lechon girl! Ang sarap lantakan!"
"Magsitigil nga kayo! Aanhin mo ang gwapo kung demonyo naman!"
Gusto kong lingunin kung sino man ang nagsabi no'ng huling linya na 'yon at ipakita sa kanya kung ano talaga ang totoong demonyo, pero tinatamad ako, saka nalang. Masyado silang sagabal sa pandinig ko, hindi na dapat binubuhay ang mga tulad nilang malalandi. Huminto ako ng mga limang segundo saka ngumisi at tumuloy sa paglalakad, nagsalpak ako ng earphone saka nakapamulsang naglalakad papunta sa building ng classroom ko. Kaya lang, nang nasa corridor pa ako ay may lapastangan na tumisod sa akin, alam niyang tutok ang paningin ko sa nilalakaran ko kaya sinadya niyang tisurin ako at hindi kaagad ako nakabawi kaya kamuntikan na akong sumubsob, buti nalang at may dalawang braso ang sumalo sa akin. Pero laking gulat ko nang malaman ko kung kaninong mga braso iyon. Halos lumuwa pa ang mga mata ko sa sobrang panlalaki.
"Sweet. Isn't it dude?" Nakangising aniya. At nang makabawi ay dali dali akong tumayo saka nagpagpag. "Anong akala mo sa akin, marumi?" Nakangising dagdag niya pa. At nang tumingin ako sa gilid niya ay nakangisi rin ang dalawa sa akin.
"Surprise." Sabay sabay nilang tatlo.
"What the--anong ginagawa niyo dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Come on, ganyan nalang ba palaging linya mo? Ganyan din yung pagkakatanong mo sa amin kahapon sa bahay niyo eh." Ani Darren. Siya ang sumalo sa akin.
"Whats up? Aren't you surprised? Ang tagal mo! Kanina ka pa namin hinihintay!" Si Daxrill.
"Hindi mo man lang ba kami iwi-welcome?" Si Daxle naman. Tinignan ko sila isa-isa, mula ulo hanggang paa, at damn! Naka uniform sila kapareho ng uniform ko.
"Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my goooossshhh!! Ang gagwapo nilaaa!!!"
"Jusko! Na engkanto na yata ang school natin! Ang daming gwapong nilalang!"

BINABASA MO ANG
DWAINE's Diary (Slow Update)
Short StoryIkaw. Para kanino ka nabubuhay? Anong kahulugan ng buhay para sa 'yo? Anong kaya mo'ng gawin para mabuhay? Sa paano'ng paraan mo iingatan ang buhay mo? --- Si Dwaine del Valle. -binata. -gwapo. -mayaman. -masaya at buo ang pamilya. -what Dwaine's wa...