Dear Diary,
Ang sabi nila, tuwing umaga daw ay bagong umpisa, bagong pag-asa. Bagong araw--bagong buhay, pero hindi ko naman makita ang aspeto'ng 'yon. Walang bago at walang magbabago. Ay mali. Mayron pala. Ang buhay at buong pagkatao ko ay unti unti nang nagbabago.
'In a bad way'
Ayokong pumasok sa school. Ayokong makita si Dianne. Ayokong makita si Mommy. Ayoko lahat. Ayoko na. Pangatlong araw pa lang ngayon Diary pero ayoko na.
'I am so damn tired!'
"Sir Dwaine, bakit po hindi pa kayo nakabihis? Male-late na po kayo n'yan." Bungad sa akin ni yaya pagkababa na pagkababa ko. Hindi ko s'ya pinansin ni binati, bagay na ngayon ko lang din ginawa. Dumiretso lang ako sa kusina para kumain, pero pagkaupo ko sa lamesa ay walang kanin--walang ulam.
>>_<<
"Ya, bakit walang pagkain?"
"Sir mayron naman po, kanina pa po ako naghanda."
"Walang kanin at ulam."
"Eh Sir, hindi naman ho kayo nagsabi kagabi na magra-rice kayo ngayon. Hindi po ba ang sabi ninyo ay saka lang magra-rice sa umaga kapag sinabi--"
"Simula ngayon, araw araw na dapat may kanin tuwing umaga."
"Sige ho sir, pero bakit bigla--" hindi ko na ulit s'ya pinatapos.
"Pakitawag na lang ako sa taas kapag may pagkain na." Sinulyapan ko pa muna si yaya bago ako tuluyang tumayo at bumalik sa kwarto. Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat at pagtataka sa inasta ko.
'I used to say po and opo.'
Humiga lang ulit ako sa kama, nakapatong ang dalawang kamay sa dibdib at diretsong tumitig sa putiing kisame. 'Sa malawak na kisame.'
Tama si..si..yung babae kahapon. Maaaring mayro'n akong material na bagay na wala sa iba. May sariling kwarto--malawak na kwarto, may malaki at malambot na kama. Damit at mga latest na gadgets, lahat mayro'n ako. May sariling motor at kotse, bagay na pinaghihirapan pa muna ng iba, pinag-aalayan muna ng dugo't pawis bago makuha. Pero ako? Isang umaga gumising na lang ako na mayro'n na ako n'yan. Oo, maraming mayro'n ako na wala sa iba--na pangarap lang ng iba. Pero hindi ko kailangan ang sobra sobrang karangyaan Diary, ang kailangan ko ay ang pamilya ko. Sila lang at wala nang iba pa. Oo minsan ko ring hiniling na sana ay magustuhan din ako ni Yesha, na sana maging girlfriend ko s'ya, pero kung ang kapalit naman no'n ay ang kapatid ko, hindi bale na, ayoko na lang.
At kung ang kapalit ng kumportable't magandang buhay na tinatamasan ko ay ang pagkasira ng pamilya ko, gugustuhin ko na lang siguro ang mamulubi sa daan kaysa sa may isa sa amin ang mawala. Pero hindi ko hiniling, hindi ko ginusto ang mapunta sa ganitong katayuan sa buhay, bakit kailangang may kapalit?
*sigh*
Naging mabuti naman ako, pero bakit masama pa rin ang balik sa akin? Siguro..siguro kung maging masama ako ay baka maging mabuti ang balik sa akin?
'Nice idea Dwaine.'
*evil smile*
Habang hinihintay ang tawag ni Yaya ay bumangon ako at humarap sa malaki at bilog na salamin na nakakabit sa wall ko. Wala akong gana kumain at ayoko sanang kumain pero nagugutom ang t'yan ko kaya wala akong choice.
Pinagmasdan ko ang sarili kong mukha sa salamin, napagtanto ko rin na ang laki na nga pala talaga ng pinayat ng pisngi ko, pangatlong araw pa lang ngayon pero bagsak na ang mga pisngi ko.
'Pero, tsk! Kapag pala talaga lahi mo ang pagiging gwapo, tumaba--pumayat, gwapo pa rin.'
Napangiti ako sa isiping iyon, pero nawala din kaagad ang ngiting 'yon. Tinitigan ko pa ng maiigi ang hitsura ko, ngayon ko lang na appreciate ang perpekto kong mukha. Ang tangos pala talaga ng maliit kong ilong, walang kahit na anong pampapula pero ang pula pula ng maninipis kong mga labi, hindi man ako singkit pero hindi rin naman malaki ang mga mata ko, bumagay lang 'yon sa medyo bilugan ko ring mukha, at ang pilik mata kong mahahaba. Hindi ako nagyayabang o gwapong-gwapo-sa-sarili, sinasabi ko lang ang nakikita ko. Ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit nakakasira ng eardrums ang tili ng mga schoolmates ko noon sa old school at kahit hanggang ngayon.
(A/N: Lee Min Ho face Warriors ❤d^___^b❤)
BINABASA MO ANG
DWAINE's Diary (Slow Update)
Short StoryIkaw. Para kanino ka nabubuhay? Anong kahulugan ng buhay para sa 'yo? Anong kaya mo'ng gawin para mabuhay? Sa paano'ng paraan mo iingatan ang buhay mo? --- Si Dwaine del Valle. -binata. -gwapo. -mayaman. -masaya at buo ang pamilya. -what Dwaine's wa...