Page TWO

39 8 0
                                    

Dear Diary,

Sa loob ng eighteen years na nabubuhay ako sa mundong 'to, naging MABUTING tao ako. Ni minsan ay hindi ko sinuway ang mga magulang ko, ni minsan hindi ako naging sakit ng ulo sa kanila. Maglalabing-isang taon na ako'ng nag-aaral pero simula nung grade one ay hindi ko nasubukan man lang ang mag-cutting classes. Linggo linggo akong nagsisimba, palaging nagdadasal. Naging mabuti ako para sa mga kaibigan at sa mga tao pa sa paligid ko. Pero bakit ganito parin?

'Three months?'

Tsk! Hindi sapat ang tatlong buwan para sa lahat!

Ewan ko ba Diary kung bakit nagpapakatanga pa rin akong magsulat sa 'yo! Hindi mo naman ako naiintindihan! Hindi ka rin naman sumasagot!

Maaga akong gumising kahit ayoko. Ayoko na nga sana magising eh. Pero ang hirap naman kung pipilitin mong pumikit kahit hindi ka na inaantok diba?

Bago pumasok sa School ay dinaanan ko muna si Dianne sa hospital. Gising na s'ya pero makikita at mahahalata mo talaga sa mukha n'ya na may sakit s'ya. Ang tamlay tamlay n'ya!

"Baby, magpagaling ka. Kailangan ka pa naming lahat. Kailangan ka pa nang Mommy. Kailangan mo'ng gumaling, naiintindihan mo ba si kuya?" Sabi ko pa sa kapatid ko.

Tumingin lang s'ya sa akin at tumango.

"Mom papasok na po ako." Pagkasabi ko 'non ay hindi na ako humalik pa sa pisngi n'ya, lumabas na kaagad ako. Bagay na ngayon ko lang ginawa.

Hindi ko na naitanong kung nasaan si Dad, at kung may donor na ba para kay Dianne. Bagay na bago din sa akin.

'Ganito pala ang pakiramdam'

Hindi naman masyadong maaga at hindi rin naman late nang dumating ako sa School. At kagaya ng inaasahan ko ay ganun nga kainit ang pagtanggap sa akin ng One Christian Academy. Papasok pa lang ako ng gate ay ganito na ang mga naririnig ko..

"Kyaaaaaa Giiiiirrrlllsss!!! Si Dwaaaaiiine!!!!!"

"Gaaasssshhh oo nga! Nandito siyaaa!! Kyaaaaa!!!"

"Oh my God! S'ya ba si Dwaine del Valle ng TISS?! Omaygad! Omaygad! Ang gwapo n'ya!!!"

"Dwaaaiiinnee beybiii!! Mary meee!!!"

"Sh*t pare! Totoo nga! Dito na nga s'ya papasok!"

"Heaveeennn!! Hakbang n'ya pa lang, nakakalaglag panty na!"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko na sinisigaw nila habang naglalakad ako papasok ng gate at hanggang sa makapasok ako ay hindi pa rin sila magkamayaw sa paghiyaw! Sanay na ako sa ganyan. Sa old school ko nga kahit araw araw nila akong nakikita, para parin'g bago nang bago sa kanila ang mukha ko. Pero doon ay pinapansin ko silang lahat. Pero dito?..

"Ay dinedma lang tayo?!"

"Hala! Akala ko ba mabait 'yan? Eh bakit parang ang suplado naman? Hindi namamansin ang lolo n'yo!"

"Tang inang 'yan! Ang yabang pala pare!"

'Tsk! Naturingan silang christian school pero nagmumura?!'

Kung inaakala n'yong lahat ng lalaki ay nagmumura. Ibahin n'yo 'ko dahil hindi ako ganun.

Isinalpak ko na lang yung isang earphone sa kaliwang tainga ko. Nakakabingi ang mga sinasabi nila. At sa pagkakataong ito ay HINDI YON NAKAKATUWA.

Naglalakad ako habang bahagyang nakatungo, kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko pa alam ang section ko, absent nga ako kahapon diba?

DWAINE's Diary (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon