Dear Diary,
Maaga akong gumising kanina, gusto kong pumunta sa hospital, gusto ko lang silipin si Dianne pero wala akong balak na magpakita dahil panigurado hindi nila magugustuhan ang hitsura ko.
Pang-apat na araw na ngayon ni Dianne sa hospital at pati sila Mommy. Hindi ko alam kung ano na ang lagay ng kapatid ko, hindi dahil sa wala akong paki alam kun'di dahil hindi ko gustong malaman, dahil baka hindi ko iyon magugustuhan at ayaw ko sa pakiramdam na iyon.
Mas gusto ko ulit ang mag-motor kaysa sa mag kotse. Kaya lang, nang mapansin ko kanina na medyo tumatabingi ang side mirror niyon dahil maluwag na pala ang lock, kinuha ko 'yong tools ko sa compartment, pero may hindi kanais-nais na sulat akong nakita doon. Maliit lang na papel na halatang pinilit lang 'yon isuksok do'n. binasa ko.
'Warning pa lang yung ginawa ko kanina sa gulong mo. At sa susunod na dinala mo pa ulit 'yang motor mo sa School, baka hindi mo na yan makitang buo. Hindi ka ba na inform na may isang 'ako' na ayaw na ayaw sa mga motor? Ngayong alam mo na. Kung mahal mo pa ang motor mo na 'yan, huwag na huwag mo na ulit 'yang itatapak sa School.'
Unang beses akong napamura Diary matapos ko basahin ang notes na 'yon. Sinasabi ko na nga ba, sinadya ang pagbutas no'n.
Kingina mo ka. Kung sino ka man. Huwag na huwag ka lang magkakamaling galawin ulit ang motor ko, baka mas mauuna ka pa sa akin sa impyerno. Anang isip ko.
Si kamatayan nga hindi ko kinatatakutan, siya pa kaya? Tsk!
Kagaya ng sinabi ko Diary ay dumaan muna ako sa hospital bago pumuntang School.
Ganoon pa rin ang kalagayan ng kapatid ko, nakaratay pa rin, habang si Mommy naman ay parang walang kapaguran na binabantayan siya, halos hindi na magawang suklayin ang sariling buhok. Bago pa man ako lunurin ng nararamdaman ko ay umalis din kaagad ako, hindi ko man lang nakita si Dad.
Donor lang. Isang tao lang na magma-match kay Dianne, magiging okay na rin siya. Marami kaming pera, nag uumapaw ang pera, pero wala silang silbi sa ngayon dahil hindi naman nila kayang kumilos at maghanap ng mabibiling donor.
Hindi sa lahat ng oras ay pera ang kailangan sa sitwasyong nagigipit ka. Minsan ay isang milagro. Miglaro na alam kong hindi naman nag-i-exist.
Hindi naman gaanong late nang dumating ako sa School. Limang minuto pa muna akong naupo bago mag umpisa ang klase.
Una, pangalawa at pangatlong teacher ay sinermonan ako dahil nga sa buhok ko. Pero wala naman silang magagawa. Nagsasayang lang sila ng laway, nagsasayang lang sila ng oras, dahil hindi ko gagawin ang gusto nila at hindi nila ako pwedeng i-kick-out dito dahil lang sa buhok ko.
Break time nang makaramdam ako ng gutom, kaya sumabay ako sa iba at gano'n pa rin sila. Yung iba ay panay pa rin ang tili, pero yung iba ay ganito..
"Gahd! Seriously?! Si Dwaine 'yan?! Pero paanong nangyari 'yon?"
"Hindi ko rin alam Tracey. No'ng una nga ay hindi ko rin siya nakilala, akala ko transferee."
"Pero kahit na! Eeehhhh ang gwapo niya pa rin! Mas lalo siyang gumwapo--ouch!" Daing niya matapos ko siyang bungguin nang walang lingunan.
Napaka tabil ng dila! Tsk.
"Hey Tracey, okay ka lang?" Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila, at hindi ko rin nilingon ang babaeng 'yon.
"Ang sama pala ng ugali mo!" Pahabol na sigaw pa.
Tiim-bagang akong ngumiti habang patuloy sa paglalakad papuntang canteen, pero hindi pa man ako nakakarating do'n ay nakasalubong ko si Yesha. Nakakunot ang noo niya habang pinasadahan ako ng tingin, mula ulo hanggang paa.

BINABASA MO ANG
DWAINE's Diary (Slow Update)
Short StoryIkaw. Para kanino ka nabubuhay? Anong kahulugan ng buhay para sa 'yo? Anong kaya mo'ng gawin para mabuhay? Sa paano'ng paraan mo iingatan ang buhay mo? --- Si Dwaine del Valle. -binata. -gwapo. -mayaman. -masaya at buo ang pamilya. -what Dwaine's wa...