azlea POV
naka dungaw ako ngayon dito sa rooftop. pinag mamasdan ko ang mga ibang studyante na nag lalakad, naglalaro at mayron ding mga naglalandian na nakikita ko.
napatingala ako sa langit. naiinitan ako dahil sa sinag ng araw ngunit hindi ko ito alintana.
"God? ano po ba talaga ang nangyari 2 years ago? bakit––bakit pakiramdam ko may kulang? may hindi tama?" tanong ko kay God habang nakatingala sa kalangitan.
ano nga ba talaga ang nangyari nun? ang naalala ko lang nagalit ako kay brix. galit na galit ako kaya nag dilim ang paningin ko. sinampal ko sya. sinaktan ko sya. pinahahirapan ko hanggang sa napatay ko sya.
brix is my ex. sya ang first love ko. and sya ang reason kung bakit mapaglaro ako at kung bakit iba iba ang nilalandi ko.
ayaw ko ng mag mahal, dahil tulad ng sabi ko nung una. iba ako magmahal. at pag sisisihan mong minahal mo ako kapag nahulog na ako sayo. gusto ko kasi kung akin ka. akin kalang. huwag na huwag kang gagawa ng ikakagalit ko dahil iba ako magalit. i can kill. hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag nagalit ako ng tuluyan. yan ang sakit ko.
pero ano nga ba ang kinagalit ko kay brix? bakit ko sya napatay?
2 years! dalawang taon na ang nakalipas pero wala padin akong maalala sa tunay na nangyari. alam kung kulang padin ang naalala ko.
"don't trust anyone kung gusto mo talagang maalala ang lahat" nagulat ako dahil sa may nagsalita mula sa likuran ko. napalingon ako sakanya.
napakunot ang nuo ko. "what are you doing here?" takang tanong ko. staka ano ba yung pinagsasabi nya?
"unwind" simpleng sagot nya sa tanong ko.
naglakad sya at dumungaw sa mga tao na nasa baba.
"alam mo ba ang pinakamasakit na betrayal?" tanong nya ngunit hindi sya nakatingin saakin.
bakit ba kasi andito sya?
"pinakamasakit na saakin yung akala mo mapagkakatiwalaan mo, pero yun pala, sya ang dahilan ng ikababagsak mo" makahulugang sambit nya staka tumingin saakin.
ngumiti sya pero parang ngiti ito ng mapang asar?
"azalea, azalea, azalea" paulit ulit na bigkas nya sa pangalan ko.
para akong kinilabutan sa pagbigkas nya ng pangalan ko.
napalunok din ako.
"don't you remember me?" sambit nya ng nakakalokong ngiti.
ano bang trip nya? pinag lalaruan ba nya ako para tanungin pa saakin kung hindi ko sya maalala?
nanatiling tikom ang bibig ko dahil pinag mamasdan ko sya. pinag aaralan ko bawat kilos nya at kung saan ko nga ba sya nakita?
"ariel, leslie, vice, irine and Lorraine. they are your friend, right?" napa kunot nuo ako sa narinig kung pangalan ng mga kaibigan ko.
ano bang problema nya?
"you? ano ba problema mo? at ano ano yang mga pinagsasabi mo? nababaliw kana ba?" taas kilay na sambit ko.
damn this man!!
"I'm not you. hindi ako baliw tulad mo azalea." damn! ginagalit ba ako ng lalaking tu?
"ow? really? you're not crazy huh?" ngumisi ako at lumapit saakanya. mukhang nakaramdam ata ng takot ang lalaking ito dahil kita ko na napalunok ito.
yan! matakot kang hayop ka!
"mag ingat ka sa babanggitin mong salita boy, dahil baka hindi ako maka pagtimpi, makababa ka dito ng hindi gumagamit ng hagdan." madiing bulong ko sa tenga nya at lumayo din ako agad.
BINABASA MO ANG
who you? (GXG)
Fanfiction(this is teacherxstudent story) Anong gagawin mo kapag nalaman mo na may gustong pumatay sayo? Tatakbo kaba palayo? Mag susumbong kaba sa kapulisan? O hahayaan mo nalang na patayin ka? paano at anong gagawin mo kung mahulog ka sa taong gustong pum...
