flirting

257 15 2
                                    

Azalea POV

"az? bakit hindi ka sumabay saamin umuwi kahapon? wala ka din sa condo mo kagabi? kaya saan ka umuwi?" tanong saakin ni leslie habang papunta kami ngayon sa aming building.

hindi namin kasama si irine at vice. nakita ko lang si leslie sa labas ng gate kaya nag sabay na kami pumasok.

"batangas" simpleng sagot ko lang.

"namamaga yung mata mo. umiyak ka?" tanong nya kaya napahinto ako sa paglalakad at napatingin sakanya.

"what if i say yes? anong gagawin mo?" tanong ko. napaawang ang bibig nya bago napalunok sa sarili nyang laway.

"azreth" mahinang  bigkas nya.

napangisi ako.
"may alam kadin." walang emosyong sambit ko.

kita ko kung paano sya namutla.

"kita mo nga naman. paano nalang kung nabubuhay pa ngayon si azalea? imagine, sya ngayon yung nakakaranas nung betrayal na nangyayari saakin ngayon? ano sa tingin mo ang mangyayari sakanya? sa tingin mo kakayanin ba nya if ever?" malamig na turan ko.

isa din yun sa dahilan kung bakit pinatay ko si brix. naisip ko kasi. paano nalang kaya diba? paano nalang kung nabubuhay yung kambal ko at sya ang nakasaksi at nakaalam ng betrayal sakanya? i can't imagine my twin is suffering of this kind of shit!

"wala akong kinalaman sa nangyari azreth." kumbinsi nya saakin pero napailing iling ako.

"yung hindi pag sabi saakin na may alam ka sa tunay na nangyari ay isa ng pag t-trydor yun leslie." madiin sambit ko.

"n-nag usap na kayo ni l-lori?" utal na sambit nya.

"hindi lang usap. nasampal ko din sya ng ilang beses. sa tingin mo? deserve mo din bang masampal? deserve din bang dumapo ang palad ko sa magkabilang pisnge mo dahil sa hindi mo pag sabi saakin na alam mong trinydor ako ni lori?!" gigil at madiin na sambit ko.

"azreth you hurt her? my goodness bernadeth!! hindi mo pinakinggan yung paliwanag nya? basta mo nalang syang sinaktan?" hindi makapaniwalang sambit nya.

"ano ba dapat kung pakinggan? ang mga kasinungalingan nya? no! hindi ko gagawin yun leslie!" madiing sambit ko.

may namumuo ng luha sa mata nya habang matalim na nakatingin saakin.
"yan ang hirap sayo Bernadeth!!  hindi ka marunong makinig! kung ano yung nakita ng mata! kung ano yung marinig ng tenga mo! yun na yun!!! wala ka ng pakiaalam pa kung ano yung totoo!" sigaw nito saakin at tinawag nya pa akong bernadeth.

ito yung tinatawag nya saakin kapag nagagalit na sya saakin.

nakakaagaw nadin kami ng attention mula sa mga studyanteng pumapasok dahil nasa gitna kami ng daan. staka sa lakas ba naman ng sigaw nya? sino ang hindi makakagaw ang attention?

"dahil yan ang tinuro nyo saakin!!" sigaw ko.

tama naman ako diba? kung hindi sila nag sisinungaling saakin. kung nag sabi lang sana sila ng totoo d sana marunong pa akong makinig.

paano naman kasi ako makikinig diba? paano ako makikinig kung puro kasinungalingan ang pinapakita nila saakin.

"yun yung pinaramdam nyo leslie!! sa
ilang araw! lingo! ilang minuto at oras! ang daming pagkakataon! ang dami kung binigay na panahon! hinintay ko kayong magsabi ng totoo!! pero ano? pinapaikot ikot nyo ako! without knowing na alam ko naman na! hindi namam ako tanga para hindi malaman ang totoo eh!" sigaw ko pabalik.

may naririnig na akong ibat ibat bulungan habang nakatingin saamin.

inis na binalingan ko sila ng tingin kaya dali dali silang umalis.

who you? (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon