Chapter 12

2.3K 90 4
                                    

"Thunder! sabihin mo na kung nasaan si Florian. Alam ko na alam mo kung saan nag tatago ang lalaking iyon!"

Mariing wika ni Styles sa anak na lalaki. Narito siya ngayon sa restuarant ni Thunder.

"Yes Dad, alam ko kung nasaan siya. Pero hindi ko sasabihin. Kilala mo ako Dad mahal ko ang mga kaibigan ko, at isa pa bestfriend ko si Florian. I'm sorry Dad wala kang mapapala sa akin. Kaya huwag mo akong pilitin mag aaway lang tayong dalawa."

Litaniya ni Thunder at ibinalik ang atensiyon sa laptop na kaharap niya.

Umismid ang labi ni Styles. Si Thunder na yata ang anak niyang napaka tigas. Hindi mo ito mapilit, kahit dikdikin mo ito, wala kang mapapala.

Masayahin si Thunder, mabait na anak, masipag at bukod doon matured mag isip kahit noon pa mang nag aaral ito. Kaya proud na proud si Styles sa anak niyang ito. Pero talaga hindi niya ito napapa-amo ni hindi nga ito natatakot sa kanya. Isa lang ang kinatatakutan nito si Eve ang ina nito. Paano ba naman hindi ito matatakot sa ina. Kapag pasaway at matigas ang ulo ni Thunder ay kinakarate ito ng ina, ganoon din ang iba pang kapatid ni Thunder.

Umalis na lang si Styles sa opisina ng anak, wala naman siyang mapapala.

"Ang galing mo naman Florian!" Bulalas ni Sadia, habang naka tingala sa kalangitan. Narito sila ngayon sa burol at nag papalipad ng saranggola si Florian.

Malayo na narating ng saraggola kaya itinali ni Florian ang tali nito sa sanga ng mangga.

Alas kuwatro na ng hapon hindi narin naman ganon kainit. Medyo madilim nga ang kalangitan parang nag babadya itong umulan.

Hinawakan ni Florian ang kaliwang kamay ng babae at hinalikan ang likod ng palad nito.

Napangiti si Sadia dahil sa halik na iyon.

May dinukot si Florian na isang bagay sa bulsa na kanyang maong na pantalon.

Inilabas niya ang isang pulang maliit na box mula roon.

Nag tatakang tiningnan ito ni Sadia.

Binuksan ni Florian ang maliit na parisukat at kinuha ang kumikinang nag sing-sing mula roon.

Ang sing-sing ay may malaking diamond sa gitna nito. Kaya naman kapag tinatamaan ng sinag ng araw ay kumikinang ito.

"Ano ang bagay na iyan?" Turo ni Sadia sa hawak ni Florian.

"Isa itong sing-sing," sagot ni Florian.

"Sing-sing?"

Muling hinawakan ni Florian ang kaliwang kamay ni Sadia at isinuot ito sa babae.

"Huwag mong tatanggalin ito, tanda ito ng pag mamahal ko sa'yo Sadia."

Wika ni Florian, at masuyong hinalikan si Sadia sa malambot na labi nito.

Unti-unti pumikit ang mga mata ni Sadia at ninamnam ang nakaka-lunod na halik ni Florian.

"Mahal na mahal kita Sadia!" Sambit ni Florian ng humiwalay ang mga labi nila.

Mahigpit na yakap ang tinugon ni Sadia kay Florian.

Bahagyang dumagongdong ang kalangitan at mas lalo pang dumilim ang ulap.

Parang nag babadya ito ng malakas na pag ulan.

"Let's go, bumalik na tayo sa mansion baka abutan pa tayo ng malakas na ulan." Wika ni Florian.

Wala silang dalang kabayo dahil mas gusto nilang mag lakad kanina.

Hindi pa sila humakbang ng pumatak ang butil ng ulan.

Falling Inlove With InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon