Chapter 14

2.3K 98 6
                                    


Ilang araw, linggo at buwan ang
lumipas. Hindi na nga nakita o nasilayan pa ni Florian si Sadia. Laging patagong nag pupunta si Florian noon sa labas mansion ng mga Del Falco. Nag babakasakaling makita niya ang dalaga kahit saglit pero ni anino ng babae ay hindi niya nasilayan pa.

Nabalitaan niya rin kay Thunder na nasa america si Sadia. Talaga palang ipinadala ni Ellieoth ang anak nito sa america.

Nag punta rin si Florian sa america ngunit hindi siya pinalad na mahanap si Sadia. Kahit si Thunder ay walang alam kung saan na parte ng america naroon ang dalaga.

Nakikibalita rin lang din kasi si Thunder sa mga kapatid nito.

Kalalapag lang ng private plane sa isang malawak na palapagan na pag mamay-ari ni Florian. Isa itong pribadong lugar kung saan naka lagay ang lahat na private plane ng mga Deogracia.

"Kamusta ang negosyo natin iho?" Tanong ni Don Robert sa apo. Tatlong taon namalagi si Don Robert sa London upang mag pagamot roon. Inatake kasi ito sa puso dalawang taon na nakakaraan. Labis kasi dinamdam ng matanda ng makita si Florian na misarable dahil sa pag kawalay kay Sadia. Kahit ang matanda ay nalungkot dahil nasanay na siyang nakikita noon ang dalaga.

Bumalik din ang pagiging masungit ng matanda naging bugnutin ito.

"Everything is fine lolo, how about you, how's your flight?" Tanong ni Florian sa matanda.

"I'm fine, ikaw kamusta ang naging buhay mo dito sa pilipinas? It's been three years na hindi mo siya nakikita. Maayos kana ba?"

Paninigurong tanong ng matandang lalaki sa apo.

Nag tagis ang bagang ni Florian at sabay yumuko.

Mariin niyang naikuyom ang kamao.

Alam niya sa kanyang sarili na hindi pa siya ok. Labis ang pangungulila niya para sa dalaga. Tapos ito malalaman niya mula kay Thunder noong nakaraang linggo, na  ikinasal si Sadia kay Phillix. Sa oras talagang makita niya si Phillix, tatadtarin niya talaga ito ng bala sa mukha.

"I'm not okay lolo, i miss her very much." Malungkot na wika ni Florian.

Marahang tinapik ni Don Robert sa balikat si Florian.

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa iho, darating din ang panahon at muli kayong mag kikita. Tiwala lang apo, habang may nalalanghap na hangin patuloy lang ang pag hinga." Anang matanda at sumakay na sa kotse.

Si Florian naman ay napa buga nalang ng hangin mula sa kanyang bibig.

Sa mansion ni Don Robert sila tumuloy naroon din ang mag kapatid na si Diego at Amber. Kasama ni Amber ang anak na babae nito na si Liamber. Nasa hapag sila ngayon at kumakain ng hapunan.

"I saw her."

Natigil sa pag nguya si Florian dahil sa binangit ng pinsan.

"Who?" Tanong ni Amber sa anak.

"Si Sadia, I saw her earlier at the airport." Mahinang wika ni Liamber.

Lumuwag ang pag kakahawak ni Florian sa kubyertos at tinidor.

Malakas na kumalabog ang puso niya.

"At anong ginagawa mo sa airport? Bakit ka naroroon?" Usisa ni Amber sa anak.

Umikot ang mga mata ni Liamber bago sumagot sa ina. "Mommy sinundo ko lang ang bestfriend ko, remember Satiñña Santimayor." Sagot  ni Liamber.

"Lalo siyang gumanda kuya Florian, and infairness mukha na siyang matalino. Lalo na mang kausap ko siya kanina." Dagdag ni Liamber.

Nakaramdam ng pag pag kapanabik sa puso si Florian gusto niya ng makita si Sadia. Tatlong taon niya ito hindi nakita.

"Sino ang kasama niya?" Curious na tanong ni Florian, iniisip niya baka kasama nito si Phillix.

Falling Inlove With InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon