Chapter 16

2.4K 81 3
                                    

Pag katapos bayaran ni Florian ang lahat ng laruan na pinamili niya ay lumabas na sila sa toy store.

Dahil labis naaliw si Florian sa bata dinagdagan niya pa ang laruan na pinamili niya para rito.

“Hey, young man where is your mother or your guardian?”

Tanong ni Florian sa bata habang nag lalakad.

Si Sixto naman ay naka sunod lang sa kanila.

“Nasa arcade po si tito Sixto.” Sagot ng bata.

“Ok ibabalik na kita sa kanya.” Wika ni Florian.

Tumigil sa pag lalakad ang bata kaya huminto rin si Florian.

Hawak ni Florian ang kaliwang kamay ni Calev habang ang isang kamay niya ay bitbit ang paper bag na nag lalaman ng mga laruang pinamili niya.

“May problema ba? Bakit ka tumigil sa pag lalakad?” Tanong ni Florian sa bata.

“Ayoko po muna bumalik sa arcade,” sambit ni Calev.

“Why? Kailangan mo na bumalik sa tito mo baka hinahanap kana niya. At isa pa may pupuntahan pa ako.”

“Pero ayaw ko nga po, gusto ko, ahmm,, teka ano nga ba gusto ko?” Sambit ng bata at ilang segundo nag isip ang bata at ngumiti.

“Gusto ko po kumain nagugutom na po kasi ako. Pwede mo po ba ako ilibre?” Saad ni Calev at ngumiti.

Napakamot ng batok si Florian at pinag katitigan ang bata.

“Walanghiya binilihan na nga kita ng laruan, balak mo pang mag palibre ng pagkain. Matindi ka rin.” Usal ni Florian.

“Ayaw mo po ba?” Sumimangot at ngumuso si Calev. Bigla tuloy naalala ni Florian si Sadia. Ganitong-ganito ang hitsura ni Sadia kapag naka simangot.

“Fine, last na ito pag katapos bumalik kana sa tito mo.” Anang ni Florian.

Tumango ang bata at bumungisngis.

Nag tungo sila sa isang restaurant lahat ng itinuro ni Calev sa menu ay in-order ni Florian.

“Hindi ka rin gutom ano?” Turan ni Florian.

Nang dumating ang pagkain ay nilantakan na ni Calev ang mga ito.

Si Florian ay nakatitig lang sa bata.

Habang pinag mamasdan niya ang bata ay hindi mawala sa kanyang isip ang mukha ni Sadia.

“What is your mother name?” Tanong ni Florian.

Dahil puno ng pagkain ang bibig ni Calev ay hindi ito masyado makapag salita.

“S-sasia poh,” turan ng bata hindi niya masyado mabigkas ang pangalan ng kanyang ina.

“Sasia?” Patanong na ulit ni Florian.

Umiling si Calev at inabot ang basong nag lalaman ng juice at uminom.

“Sa--”

“Calev,”  boses ni Sixto. Hindi na natapos ng bata ang kanyang sasabihin ng tawagin siya ni Sixto.

“Tito Sixto,”

"Let's go uuwi na tayo, tumawag na ang mama mo pinapauwi niya na tayo."

"But i haven't finished eating yet. Uubusin ko po muna ito tapos uuwi na tayo." Anang ng bata.

Habang nakatitig si Florian kay Sixto bahagyang napa kunot ang kanyang noo.

"Pag pasensiyahan mo na malakas talaga kumain iyang pamangkin ko. Mag kano ang nagastos mo at babayaran ko." Sad ni Sixto.

Falling Inlove With InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon