Hindi na ako bumalik sa kumpanya kahapon umuwi na lang ako sa bahay. Paguwi ko naman ay binugbog ako ng nanay ko dahil nakitaan niya ako ng hickey sa may dibdib ko. Buti na lang at dinala ako ng mga kapitbahay namin dito sa hospital.
"Wala ka talagang kwenta!"
"Malandi ka!"
"Sana pinatay na lang kita!"
Sana nga pinatay na lang niya ako. Magre-resign na din ako sa trabaho. Hindi ko kayang maulit pa yung nangyari kahapon. Kay chairman ko sinend yung resignation ko kasi kung kay Hayes madami na naman siyang sasabihin sa akin.
"Hija umalis kana sa inyo. Ganyan din nangyari sayo noon diba." sabi ni manang Teresita.
"Wala naman po akong mapupuntahan manang tsaka wala po akong sapat na pera."
"Gusto mo ba ng trabaho? Yung pinapasukan ko hija mayaman yun, pwede kitang ipasok." tumango ako. "Sige! Tatawagan ko muna ah babalik ako." lumabas ng room si manang para tawagan yung amo niya. Alam din ng mga kaibigan ko ang nangyari sa akin.
"Ate ganda ano po nangyari sa mukha mo? Bakit po maraming sugat?"
"Ahhmm ano lang to a-aksidente lang." pagsisinungaling ko sa bata.
"Ate ganda masama po mag sinungaling. Sinasaktan ka po ba?" hindi ako nagsalita. "Ganyan din po nangyari sa akin...sinasaktan po ako ng nanay ko kaya po ako nandito."
"Bakit ka niya sinasaktan?"
"Dahil hindi po ako nakapagbigay ng pera sa kanya." ano bang meron sa mga nanay at mahilig manakit ng tao.
"Mag pray ka lang kay Lord baby at malalagpasan mo din yan." bumalik na si manang.
"Bukas na bukas din hija magsisimula ka na pero sabi ng madam dapat daw ngayon tayo pupunta doon sa kanila kay iinterviewhin ka daw. Okay lang ba sayo?"
"Paano po itong sugat ko manang?"
"Wag kang magalala hija nasabi ko na din sa kanila. Wag kang mahiya mababait yun sila." tumango ako. Sinamahan ako ni manang sa banyo para makapagpalit ng damit. Dapat kahapon pa ako na discharge kaya lang wala naman akong mauuwian tapos puro sugat ang mukha ko.
Si manang nagbayad ng hospital bill ko pero binigyan ko din siya ng pera pangdagdag sa babayaran. Kakausapin ko sana yung bata kaso umalis na pala kaya lumabas na lang ako. Nagkasalubong kami ni manang.
"Bayad na daw yung bill mo." kumunot ang noo ko.
"Po? Sino po nag bayad?"
"Hindi ko rin kilala hija." pumunta kami sa cashier para magtanong kung sino ang nagbayad sa bill ko.
"Hi po, pwede mag tanong?"
"Sure po, ano yun?"
"Sino po nagbayad sa hospital bill?" tinignan ng babae yung papel sa harapan niya.
"Si Mr. Alexander Prin po." si chairman.
"S-salamat po." umalis na kami ni manang at lumabas na ng hospital. "Yung dati kong boss ang nagbayad manang."
"Alam ba niya ang nangyayari sayo?"
"Hindi po. Hindi ko rin po alam kung bakit niya ginawa yun."
"Sumakay na lang tayo ng taxi hija. Baka may dahilan ang boss mo bakit niya binayaran." kapag nalaman na naman yun ni Hayes panigurado magagalit na naman yun sa akin.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami dito sa mansion ng amo ni manag Teresita. Kinausap muna ni manang yung nakabantay ng gate tsaka kami pinapasok. Naglakad kami papasok sa mansion medyo malayo-layo pa pero kaya naman.
"Manang yung mga gamit ko pala?"
"Ako na bahala kumuha hija baka sasaktan ka na naman ng nanay mo."
"Salamat po." ang bait talaga ni manang. Wala kasi siyang anak tapos yung asasa niya nasa ibang bansa nagta-trabaho.
"Gusto ko ng anak pero yang nanay mo sinasaktan ka lang. Dapat noon pa binigay ka na lang sa akin hindi yung ginaganyan ka." narinig ko kasi sila nagaaway noon ni mama. Kung ayaw daw ni mama sa akin ibigay na lang daw ako kay manang, ayaw naman ni mama sinasaktan lang ako.
"Hello! Welcome! Siya ba yung sinasabi mo, Sita?"
"Yes madam."
"Oh dear. Ako nga pala si Mariam hija."
"Hello po. Ako naman po si Riyana Zielle Lauren." ang ganda ni madam.
"Interviewhin lang kita, okay?" tumango ako. Iniwan muna kami ni manang dito sa sala. "Hija nasabi sakin ni Teresita yung nangyari sayo. Madalas ka bang sinasaktan ng mama mo?"
"H-hindi naman po madam."
"Sure ka bang gusto mo maging katulong? Pwede kitang bigyan ng ibang trabaho?" napayuko ako.
"Ahhmm kakaresign ko lang po sa kumpanya na pinagta-trabahuan ko madam. May accusations po kasi yung boss ko sa akin kaya umalis na lang ako para walang gulo."
"Pwede ko ba malaman hija?" tumango ako.
"Napagbintangan po ako ng kabit ng lolo niya." nagulat si madam Mariam sa sinabi ko. "Maniwala po kayo madam hindi ko magagawa yun. Nagulat po kasi ako nung makita yung bagong boss ko madam so nilapitan ako ni ng lolo niya at tinanong kung okay lang daw ba ako, ang sabi ko naman po okay lang tapos nagalit na po yung boss ko kasi nakangiti daw ako nung kinausap ng lolo niya."
"I'm sorry to hear that. Okay ganito. Gawin na lang kita P.A ko. Makakalimutin kasi ako so kailangan ko ng P.A to remind me everyday yung mga appointments ko if meron. Okay?"
"Sige po madam."
"Hindi mo ba dala mga gamit mo?"
"Si manang na lang daw po ang kukuha sa bahay baka daw sasaktan na naman ako ng nanay ko." tumango si madam at tumango.
"Papasahaman ko kayo sa PSG para makuha mo lahat ng gamit mo at dito ka na tumira. Gusto ko pa naman ng anak na babae tapos ginaganyan ka lang jusko. Pwede mo kukunin ngayon para makapagpahinga ka pagbalik niyo dito."
"Maraming salamat po madam." nagpaalam na ako kay madam at agad kaming umalis ni manang kasama ang PSG. Ang ganda ng sasakyan oh.
"Ano sabi ni madam?"
"P.A daw niya ako manang. Ang bait pala ni madam."
"Oo mabait talaga yun pati ang asawa niya pero yung anak nilang lalaki sakit daw sa ulo." nagtawanan naman ang PSG. "Totoo naman ah."
"Lagot ka kay boss manang."
"Heh! Totoo naman sinasabi ko eh. Naabutan ko nga sila madam at anak niya nagaaway noon buti na lang at lumayas na. Kaya siguro iniwan ng girlfriend." nagbabago talaga ang tao kapag nasasaktan no. Man hater na nga ako eh. Natatakot na kasi akong masaktan ulit at natatakot na akong maloko ulit. Kapag nagmahal kasi ako binibigay ko talaga lahat hangang sa wala ng matira sa akin.
~••~~••~~••~
![](https://img.wattpad.com/cover/306744957-288-k133374.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐎𝐧𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝
Kurzgeschichten𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.