Tatlong linggo na ako dito sa mansion nila madam. Mababait naman sila dito at ang ganda ng trabaho ko. P.A ako ni madam pero hindi niya pinaramdam sakin na P.A niya ako. Tama nga yung sinabi ni manang sa akin ituturing kang pamilya ni madam.
"Madam ito na po ang pinapahanap..." anong ginagawa ni Hayes dito.
"What the hell are you doing here!?"
"Language! Magkakilala ba kayo?" tinignan ni Hayes si madam.
"Sino ba ang hindi makakilala dyan? Bakit ka nandito? Tapos kana ba kay lolo kaya nandito ka? So daddy na naman ang target mo. Malandi ka talaga." nagiwas ako ng tingin.
"Enough! Ahh ikaw pala yung sinasabi ni Riya na boss niya. Alam na namin ng daddy mo kung sino talaga yang kabit ng lolo mo. Hindi si Riya yun. Naturingan ka pa naman na attorney pero hindi marunong magimbestiga."
"Then sino?"
"Aba! Magimbestiga ka. Hindi si Riya ang kabit ni chairman. Pagsalitaan mo ulit si Riya sinasabi ko sayo mawawalan ka ng mana. Umalis ka na. Tara Riya." sumunod ako kay madam palabas ng mansion. "Pasensya kana sa anak ko Riya ha."
"Okay lang po madam." may appointment si madam ngayon sa dentist niya kasi sumasakit daw yung ngipin niya eh paano hindi sasakit kinakain yung yelo hahaha. "Madam pwede mag tanong?"
"Yeah. What is it?"
"Attorney po pala si sir Hayes? Bakit po maiinitin ang ulo?"
"Kasi hija iniwan ng girlfriend niya at sumama sa foreigner kaya naging masama ang ugali. Siya din naman unang nagloko sa kanilang dalawa tsaka hindi ko din gusto yung babae." natawa naman ako sa hindi gusto.
"Baka po babalik din ang ugali niya hehehe."
"Sana nga hija kasi pati ako inaaway niya eh." ang swerte na ni Hayes kay madam tapos aawayin pa niya. Nakarating na kami dito dental clinic. Dito lang ako sa labas maghihintay kasi maraming tao doon sa loob.
FASTFORWARD
Nakauwi na kami ni madam dito sa mansion. Nasira yung pasta sa ngipin ni madam kaya inulit. Naghahanda kami ng dinner ngayon at dito daw kakain si Hayes. Nagbake ako ng apple crumble pie kasi nasasayangan akong itapos itong mga apple na nandito. Hindi daw kasi mahilig sila madam sa apple eh.
"Nandito na si sir Hayes." sabi ni Rosalyn sa amin.
"Ihanda na natin ang hapag-kainan." naglagay ako ng placemat sa table. "Kami na dito hija. Baka masunong na yung binake mo."
"Sige po." bumalik ako kitchen at tinignan yung binibake kong apple crumble pie. Mamaya na lang ito iseserve pagtapos nilang kumain.
"Ate Riyana, pinapatawag ka ni madam."
"Sige, salamat." lumabas ako ng kitchen at pinuntahan si madam sa sala. "Bakit po madam?"
"Kakausapin ka daw ni Hayes." napatingin naman ako kay Hayes. "Don't worry Riya may mga bodyguards naman so kapag sinaktan ka niya sila na ang bahala sa bakulaw na ito." bakulaw talaga.
"S-sige po madam."
"Follow me." tumango naman si madam kaya sumunod ako kay Hayes papunta sa garden. "I'm sorry. Sorry sa nagawa ko sayo. Kilala ko na ang babae ni lolo. Sana mapatawad mo ako."
"Sana nagimbestiga ka muna diba bago ako pagbintangan." hinawakan niya yung dalawa kong kamay.
"Sorry talaga, hindi na mauulit." tumango ako. "I'll take the responsibility."
"Hindi na. I'm not pregnant naman." sabi ko sa kanya.
"Kahit na. May nangyari parin sa atin." tumango na lang ako. Pumasok na kami sa loob. "Eat with us." pinapasok niya ako sa dining room at pinaupo. Nakangiti sa amin si madam Mariam. Nagsimula na kaming kumain. Naguusap sila tungkol kay chairman, kung paano nila paghihiwalayin sila chairman at yung babae. Nasa kumpanya lang pala nagta-trabaho yung babae eh.
After namin kumain ay sinerve ko na yung apple crumble pie at vanilla ice cream.
"Hindi daw po kasi kayo mahilig sa apple kaya gumawa na lang po ako ng apple crumble pie."
"Ui I like it. Ang sarap."
"Thank you po." buti naman at kinain nila. Tinikman din ni Hayes yung gawa ko. Kumindat siya sa akin.
"Mom day off naman ni Zielle bukas diba? Yayain ko sana siya."
"Sure basta iuwi mo siya dito." after namin kumain ay nagligpit na kami nila manang. Tapos sila naman ang kumain tapos yung mga ibang kasamahan namin dito sa mansion. Umuwi na din si Hayes at sabi niya sakin kanina lalabas daw kami bukas. Wala din sila madam Mariam at sir Alejandro bukas may business trip sila sa Canada for 2 months. Hindi na ako isasama ni madam dahil kasama naman daw niya si sir Alex.
~••~~••~~••~

BINABASA MO ANG
𝐎𝐧𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝
Nouvelles𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.