After 5 years
Papunta ako ngayon sa kumpanya ni Hayes, may surprise kasi ako sa kanya. Iingatan ko na talaga itong blessing na binigay ni Lord. Isang buwan na akong buntis, sabi ni Dra sa akin kanina healthy naman daw si baby tapos binigyan niya ako ng vitamins.
Hindi kaagad ako nagbuntis kasi natatakot akong makunan dahil sa nangyari noon. Sabi kasi sa akin nung babae na nakilala ko sa hospital kapag daw nagpalaglag ako pwede daw akong makunan. Naging healthy muna ako bago nagbuntis. Hindi ako mahilig sa gulay noon, ngayon kumakain na ako para kay baby.
"Salamat manong."
"You're welcome po." nag taxi lang kasi ako. Hindi ko kasi makuha yung kotse ko sa bahay namin baka may makakita sa akin doon at balikan pa ako.
Naglakad na ako papasok sa kumpanya. Apat na taon na kaming kasal ni Hayes at masaya naman kaming dalawa. Kapag wala siyang trabaho sa kumpanya namamasyal kami minsan out of the country. Naglakad ako papasok sa office ni Hayes pero wala siya dito.
To: Babe
Babe saan ka?
From: Babe
Meeting baby. Why?
Imbes na magreply ay inayos ko na lang yung magulo niyang office. Buti na lang may dala na akong lunch. Habang naglilinis ako ay bumukas naman ang pinto ng office ni Hayes.
"Hey, what are you doing here?" he kissed my lips.
"I have a surprise." pinaupo ko siya sa couch. Kinuha ko yung pregnancy test at binigay sa kanya.
"Are you...you're pregnant?!" tumango ako. "Yes! Magiging daddy na ako!" tumayo siya at binuhat ako. "Thank you babe. I love you."
"I love you too babe."
"Wala naman na akong gagawin pumunta tayo kanila mom at sabihin natin sa kanila." tumango ako. Kinuha ni Hayes yung mga gamit niya tsaka kami lumabas ng office. Naglakad kami papunta sa elevator.
"Can I invite William and Grant later?"
"Sure babe, basta kasama si Luna." sabi ko sa kanya.
"Invite her instead babe baka hindi sasama yun kapag si William ang nag invite sa kanya." nililigawan na ni William si Luna.
"Babe anong balita kanila mama at papa?" matagal nakasagot si Hayes. "Are they okay? Magulang ko parin naman sila."
"Wala na akong balita sa kanila baby eh. Pwede naman natin silan puntahan kung gusto mo."
"Tsaka na babe." tumango naman si Hayes. Hindi kasi ako nagtatanong kay Hayes tungkol sa magulang ko para hindi ako ma-stress. Lumabas na kami ni Hayes sa elevator at naglakad palabas ng kumpanya.
FASTFORWARD
Nandito na kami sa mansion nila madam Mariam at sir Alejandro. Masaya sila para sa amin ni Hayes at masaya din sila kasi magkaka-apo na daw sila. Dito na lang din papuntahin sila William at Grant and of course si Luna. Maybe in ten minutes nandito na sila.
"Riya, hija."
"Madam."
"Call me mom from now on, Riya." napangiti ako at tumango. "Okay lang ba magtanong?"
"Sure po."
"Kailan pa may namamagitan sa inyo ni, Hayes?"
"Ahhmm ano po kasi..."
"It's okay Riya hindi ako magagalit."
"L-last year po kasi...n-nagkita po kami sa isang b-bar."
"So doon na nagsimula lahat?" tumango ako. "You know what masaya pa nga ako nung nalaman ko na nagloko yang si Hayes doon sa ex girlfriend niya kasi hindi ko talaga siya gusto. I like you for my son, Riya."
"Salamat po." iniwan muna ako ni mom dito sa garden at pumasok sa loob ng mansion. Nilapitan ako ni Hayes at tinabihan ako sa bench.
"Bakit nandito ka sa garden?"
"Wala lang babe." pinasandal niya ako sa balikat niya.
"Are you sure?" tumango ako. "Pumasok na tayo nakarating na din sila William at Grant." tumayo na kami at naglakad papasok sa mansion. Limang taon ng nanliligaw si William kay Luna pero hindi parin sinasagot.
Si Grant may asawa na. Yung nurse na nagaalaga sa kanya nung na-aksidente siya dahil nagmaneho kahit lasing siya. Halos doon na tumira si Grant noon kasi hindi siya gumagaling yun pala sinasadya niya hahahaha siraulo. Sinasadya niyang hindi inumin yung mga gamot niya kasi kapag ininom niya at gumaling siya hindi na daw niya makikita si Abigail hahaha. Sinabi ni William kay Grant na ligawan na lang daw niya para araw-araw niyang makikita. Masunurin si Grant kaya ginawa yung sinabi ni William.
"Besss." niyakap ako ng mahigpit ni Luna. "Ang ganda mong buntis. Babae yan for sure."
"Sana nga babae bes pero okay lang din naman sa akin lalake pero dapat kamukha ko." sabi ko at sabay tingin kay Hayes.
"Dalawa tayong gumawa niyan eh."
"Hahahaha brad di bagay sayo."
"Wag mo na lang sagutin Luna." nag seryoso bigla si William eh hahaha. "Takot mo lang." umupo muna kami ni Luna sa couch.
"Kailan mo ba sasagutin?"
"On his birthday." malapit na pala. "Napatunayan ko naman na seryoso talaga siya sa akin kaya sasagutin ko siya sa birthday niya at regalo ko na din sa kanya yun." napatango ako. Buti nga hindi naghanap ng iba si William eh limang taon siyang naghihintay jusko naman.
"Pakasalan mo na agad, limang taon naghihintay sayo yung tao eh."
"Naisip ko na din yan bes pero dapat papayag siyang kasal agad." sabagay.
"Pakasalan mo na agad brad." napatingin naman kami sa kanila.
"Kapag sinagot ako brad yayain ko ng magpakasal tsaka may nakahanda..." ano daw yun? May nakahanda na alin? Napailing-iling na lang kami ni Luna.
"Let's eat everyone!" sabi ni mom sa amin. Tumayo na kaming lahat at naglakad papasok sa dining room. Nilapitan ko si mom.
"Hindi man lang po kayo natulungan." sabi ko kay mom.
"It's okay hija. Kumain na tayo I'm sure gutom na ang apo ko." ngumiti ako kay mom at tumango. Pinaupo ako ni Hayes sa tabi niya at nilagyan ng pagkain sa plato ko.
"Kain ka ng marami babe." nagsimula na akong kumain habang sila nagkwe-kwentuhan. Masaya ako kasi nakatagpo ako ng lalake na handa akong protektahan sa nanay ko. Swerte ko din sa pamilya ni Hayes kasi tanggap nila ako. Sa mga kaibigan niya na naging kaibigan ko din.
Sa parents ko na may ginawa sa akin noon, napatawad ko na sila. Sa kapatid ko, kung nasaan ka man ngayon sana maayos na ang buhay mo at magiingat ka lagi.
THE END
BINABASA MO ANG
𝐎𝐧𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝
Short Story𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.