Mula sa malayo, nakikita ko kung papaano bumingwit ng babaeng maikakama niya ang asawa ko. Masakit isipin dahil andito naman ako para ibigay ang pangangailangan niya kaya bakit niya pa kailangan humanap ng iba?
I just shrugged. Wala namang magagawa ang pagdadrama ko. Hindi naman nito mababago ang katotohanan at mas lang hindi ako uunlad nito.
Naka-isip ako ng plano at dahan-dahang pumunta sa kinaroroonan ng asawa ko.
***
Walang ano-anong binuhusan ko ng juice ang babaeng naka-angkla sa asawa ko.
"What the fuck!" Galit na galit na sabi ng babae
"Oops Sorry. Akala ko basura. My bad" I sarcastically said while giving her my evil smile
"Naghahanap ka ba ng away Miss whoever you are?" Matapang nitong sabi
I just scoffed. Sa tingin niya ba matatakot niya ako sa mga ganyang sinasabi niya. Hell no!
"Unfortunately no, naghahanap lang ako ng basurahan kaya nakita ko kayo" I smiled sweetly at her. Yung ngiting sobrang nakakaasar.
Nakita ko kung pano maningkit ang mga mata niya at nararamdaman kong umuusok na ang ilong at tenga niya sa galit.
Nakita ko rin sa peripheral vision ko kung paano kumunot ang noo ng asawa ko.
'Oh well. I'm enjoying this.'
"Ang kapal ng mukha mo!" Akma niya akong sasampalin pero dahil mas maganda ako sa kanya, nasalag ko ito.
"Oh! Look who's talking! Shouldn't I be the one saying that to you?" Tinaasan ko ito ng kilay at sinampal ko siya ng malakas. Yung tipong di niya makakalimutan at mag-iiwan ng marka.
We're starting to catch some attentions, but I give a damn about that!
"That is for kissing my husband"
And I smiled sweetly at Greg
Walang pasabing bigla akong hinigit ni Greg sa dulong part ng bar.
"Bitawan mo 'ko Greg! Ano ba!" Pagpupumiglas ko dito
"Ano bang problema mo Amanda? Bakit bigla-bigla ka na lang na nanunugod?" Madiin nitong sabi
"Wala"
"B*llsh*t! Gumagawa ka ng eksena tapos wala lang! Ano na naman bang pumasok sa isip mo?"
"Ikaw"
"Would you stop answering my question with one word! God dammit! You're so frustrating woman!"
"Kung frustrating ako, ano ka pa?"
"Don't talk to me like that Amanda!"
"Sabi mo 'wag kita sagutin ng isang salita, ngayong sinasagot kita ng marami ayaw mo? And it's Amber! Not Amanda!"
"D*mmit Amanda! Ang sakit mo sa ulo! Amanda ang pangalan mo! Cut that Amber thingy! It's bullcrap!"
"Ako sakit sa ulo? 'E ano ka pa kaya sa'kin? Tumor na?"
"Tigil-tigilan mo ako sa mga snide remarks mong 'yan kung hindi-"
"Kung hindi ano? Sasampalin mo 'ko? Duh! As if kaya mo akong pagbuhatan ng kamay!"
"Don't test me"
"Oh Mister, I'm testing you"
"This is the reason why I regretted marrying you!"
At nagwalk out na siya. Okay, I must have pushed him to his limits.
Hindi na ako nasasaktan sa mga sinabi niya sa'kin. What for? Palagi nalang ganyan ang naririnig ko sa kanya kapag gumagawa ako ng eksena kasama ang kabit niya. At uulitin ko, hindi ako uunlad kung magdadrama lang ako.
Inayos ko ang sarili ko sa powder room at bumalik na sa dati kong pwesto. I drown myself into the sweet intoxication that the hard liquor can offer.
---
A/N: Leave your thoughts in the comment box and hit the vote button. Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Infidelity and a Vow
Romance'Once a upon a time, the prince finds his happiness in another princess' arm. The End' That's how my so-called fairytale ended and how my misery began. He commits infidelity and I preserve my vow.
