TDIMY 7
"Salamat Ian. Halika pasok ka muna sa loob?"yaya ko kay Ian na tinanggihan naman nya. "Pasensya na pero hindi na. Baka magalit lang yung kuya mo sakin."
Naisip ko yung nangyari kagabi, pinauwi nga pala siya ng kuya ko it means, nag-usap sila. Kaya tatanungin ko siya kung may pinag-usapan ba sila ng kuya ko kagabi bago sya umuwi. "May pinag-usapan ba kayo ni kuya kagabi?"
Hindi sya makatingin sakin. So it means meron nga. "Please, pakisabi naman sakin kung ano yung pinag-usapan nyo. Please."pagmamakaawa ko habang nakahawak sa braso nya.
"Binibigyan nya ako ng pera, kabayaran daw para sa pagligtas ko sa iyo. Pero hindi ko tinanggap iyon dahil kahit mahirap ako, hindi ko kailangan ng pera."sabi nya. Binitawan ko ang braso nyang kanina ko pa hawak. "Ganun ba? Sorry sa inasal ng kuya ko. Pero mabait yung kuya ko! Pag nakilala mo iyon baka maging magtropa kayo."sabi ko tapos ngumiti sa kanya.
"Sige, bukas susunduin ulit kita. Anong oras ang out mo?"tanong nya sakin at sumakay ulit sa bike nya. "Hindi ko sure, pero baka ganung oras ulit."sagot ko naman.
"Sige, uwi na ako ha."sabi nya at umalis na. Tinignan ko ang kamay ko na ipinanghawak sa braso ni Ian. May kung anong pakiramdam ang dumaloy sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano iyon. "Cassie! Andyan ka na pala, bakit hindi ka pumasok?"hindi ko pinansin ang sinabi ni Aling Rosie at patuloy na tinignan ang kamay ko.
"Cassie pasok ka na."hila sakin ni Aling Rosie papasok. "Ano ba yan Cassie! May hinihintay ka ba sa labas at hindi ka kaagad pumasok? Gusto mo ba ng buko pie?"sabi ni Aling Rosie. Tumango lang ako at tumingin sa kawalan.
"Nagpalit na ako ng damit at bumaba na sa dining room para kainin yung buko pie. Dala ko na rin yung ga libro na may assignment. Tinext naman sakin ni Sophie yung mga subjects na panghapon kung ano ang assignment.
Inopen ko na yung laptop ko at nagsimula ng magresearch tungkol sa assignment. Habang nagsusulat ako ay biglang lumilitaw sa isip ko ang mukha ni Ian habang nagba-bike ng seryoso.
"Ano ngini-ngiti mo dyan?"supladong tanong ni kuya sakin. Hindi ko namalayan na ngumingiti na ako. "Wala may naalala lang ako."sagot ko. Bigla kong naalala yung sinabi ni Ian. Hindi ko na muna tatanungin si kuya about that kasi yung sinabi nya kagabi ay totoo.
Stranger naman talaga si Ian at nameet ko lang sya nung niligtas nya ako sa mga rapist. Pero sa tingin ko naman mabait si Ian eh. Gusto ko pa syang makilala ng lubos.
"Kailan exam nyo?"tanong ni kuya at sumubo naman ng buko pie. "Next next week pa naman kuya."sagot ko at nagsulat ng sagot sa assignment ko.
"Sige sabihin mo na lang sakin kung magkano."sabi nya at nagpunta na ng kusina kasama yung platong pinagkainan nya. Habang ako ito naman, nagsasagot sa bundok na assignments.
"Oo nga pala kuya. Half day lang lagi ako sa school kasi 2 months from now ay may laban na ako sa inter-private school singing competition. Sa umaga ay may lessons ako then sa hapon ay practice ko."sabi ko kay kuya nung umupo sya sa tabi ko. Tumango tango naman sya at tinignan lang yung assignments ko.
BINABASA MO ANG
The Day I Met You
Teen FictionThe Day I Met You "Minsan lang ako magmahal, pero bakit mo ako iiwan?" "Hindi kita iiwan, kailangan ka ng kuya mo." "Buong buhay ko, kuya ko ang kasama ko, ikaw ngayon ang gusto kong makasama. Iniwan ko lahat ng meron ako para sa'yo."