TDIMY 21

136 3 0
                                    

TDIMY 21



"Ian magtanan na lang tayo."



Nanlaki ang mga mata ni Ian sa sinabi ko, hindi nya ba ako mahal? O baka naman hindi nya ako kayang ipaglaban? Sumusuko na ba sya?



Napayuko siya at ilang beses bumuntong hininga. Nahihirapan na ba sya sa sitwasyon namin? Kumikirot ang puso ko kapag naiisip ko yun pero wala namang ibang dahilan para ganito ang ipakita nya sakin. Nangingilid na ang mga luha ko at ready na itong tumulo ng iniangat ni Ian ang kanyang ulo at deretso akong tinignan.



"Cassidy masyado ka pang bata. Pati hindi ko pa ikaw kayang buhayin. Oo alam ko na sa oras ngayon ay maaaring iniisip mo na hindi kita kayang ipaglaban. Kaya kitang ipaglaban pero wala pa akong plano para dito. Cassidy Out of School Youth ako. At alam mo ba kung saan ako nakatira?"umiling ako. "Nakatira ako sa Sequester. Isa yun sa mga pangmahirap na lugar. Baka hindi ka tumagal doon. Sana maintindihan mo ang gusto kong iparating."



Naninikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Ano to joke? Yaman lang ba ang gusto nya sakin? Niligawan nya ba ako kasi alam nyang mayaman ako? Minahal nya ang yaman namin? Siguro kailangan ko na rin syang kumprontahin tungkol dito.



"Ian... Isang tanong isang sagot."mahinang wika ko. Napatingin sakin si Ian na kanina ay tinitignan ang kanyang mga kuko.



"Ano yun?"mahinang sagot nya.



"Mahal mo ba ako o mahal mo yung kayamanan ko?"nanlaki ang mga mata ni Ian sa tanong ko. Siguro nga nababaliw na ako kasi tinanong ko sya ng ganun. O baka naman masyado na akong nagmamahal kaya naman hindi ko na napansin ang tunay nyang motibo.



"Kailan ako humingi sayo ng pera? Kailan ako nanghingi ng luho sayo?"seryoso nyang sabi. Oo nga no. Ni minsan ay hindi ako gumastos sa date namin. Ni minsan ay hindi sya humingi ng kahit ano. Isa pa nga lang ata yung naibibigay ko sa kanya.



"Kung ganon... bakit ayaw mong makipagtanan sakin?"mariin kong tanong. Paano kung may iba syang binabalak kaya ayaw nyang makipagtanan sakin.



"Hindi mo pa rin talaga naiintindihan... Hindi pa kita kayang buhayin. Cassidy kapag nagtanan tayo, isipin mo na lang kung anong mangyayari sayo. Gagraduate ka sa March. Samantalang ako hindi, nag-iipon na ako para sa kinabukasan natin."malumanay nyang sabi pero hindi ko pa rin maintindihan. Gusto ko makipagtanan na sa kanya at wag ng humiwalay pa.



Oo desperada. Yun na ang itawag nyo sakin. First time kong ma-inlove eh. Wala eh malakas ang tama ko sa kanya at dahil dito kahit whole world pa ang against sa aming pagmamahalan ay ipaglalaban ko sya.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon