TDIMY 24
"Tara na Cassie? Ihahatid na kita."sabi nya
"Sandali lang, bili muna tayo ng isa pang coke float para kay Ian. I'm sure nakauwi na yun maggagabi na rin naman kasi eh."sabi ko. Pumayag naman sya at bumili pa kami ng isa pang coke float. Sumakay na kami sa kotse nya.
Pagkadating namin sa bahay dala ang isang float para kay Ian ay natapon ko ito dahil sa nakita ko kasabay na ang pagtulo ng luha ko.
"Ian?"
Naghahalikan sila Ian at Celine. Pakiramdam ko nanghihina ako. Napasandal ako sa may pinto. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Pinagpalit na nya ako kay Celine. Totoo ba na First love never dies? Si Celine ang first love ni Ian. Si Ian naman ang first love ko.
"Fuck you!"napatingin ako kila Ian na sinusuntok ngayon ni Vincent. Hindi ako makagalaw. Napako ang mga paa ko sa kinakatayuan ko ngayon at nanunuyo ang aking lalamunan hindi ako makasigaw.
"Iniwan ni Cassie ang lahat para sa'yo! It's her first time to love. Tapos gagaguhin mo lang?! Alam mo ba na maraming colleges ang nag-ooffer sa kanya para lang sa kanila pumasok pero look kung nasan sya ngayon?! Minahal ka nya at halos wala ng maitira sa sarili tapos sasayangin mo lang!"nahihilo ako sa nangyayari. Hindi ako makahinga. Napahawak ako sa sentido dahil sobrang hilo na nararamdaman ko.
"Cassie... napakalandi mo talaga. Tignan mo dalawang lalaki nag-aaway para sa'yo. May Ian ka na, pumatos ka pa ng iba."napatingin ako kay Celine at bigla akong nagkaroon ng lakas para awatin sila.
"Vincent... tama na."sigaw ko at tumigil si Vincent. Lumapit sya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Cassie. I will report this to kuya Marvin. Hindi ako makakapayag na maging martir ka sa pagmamahal sa walang kwentang lalaking to."mahinahon nya sabi.
"Vincent. Please don't tell this to kuya. Ayokong bigla na lang syang sumugod dito. Knowing him hindi sya basta basta papayag na... makalabas ako ng bahay. " sabi ko pero umiling lang sya.
"Cassie! Makinig ka! I'm not saying this because you're my cousin?! I'm saying this as your protector—-"
"Cousin?! Magpinsan kayo?!"sabay kaming napatingin ni Vincent kay Ian na mukhang naguguluhan.
"Puta. Magpinsan kayo?! Walang hiya! Akala ko pa naman mapapaghiwalay ko na kayo ni Ian! Tapos magpinsan pala kayo!"sigaw samin ni Celine. Tinignan ko na naman si Ian at nakita ko ang mukha nyang nagsisisi.
BINABASA MO ANG
The Day I Met You
Teen FictionThe Day I Met You "Minsan lang ako magmahal, pero bakit mo ako iiwan?" "Hindi kita iiwan, kailangan ka ng kuya mo." "Buong buhay ko, kuya ko ang kasama ko, ikaw ngayon ang gusto kong makasama. Iniwan ko lahat ng meron ako para sa'yo."