TDIMY 13
"Naku Te, bakit iba ata ang balat mo sa balat ng kuya mo? I mean sobrang putla mo. Hindi ka maputi kagaya ng kuya mo?"sabi sakin nung baklang nagme-make up. Hindi ko alam ang isasagot ko sa baklang to. Masyadong madaldal.
"Sigurado ka bang kapatid ka nya? Paano yan baka ampon ka? Naku alam—-"
"Pwede ba mag make up ka na lang? Hindi kita binayaran para maging chismosa."biglang sulpot ni kuya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kay kuya.
"I'm sorry kuya."sabi ko. Sinenyasan naman nya yung baklang nagme-make up sakin na lumabas. Nakaharap ako sa salamin at tinitignan ni kuya ang repleksyon ko sa salamin.
"I'm sorry din pero tandaan mo na hindi parin magbabago ang desisyon ko sa magiging relasyon nung lalaking iyon."sabi ni kuya at lumabas na. Tumulo ang luha ko. Hindi ko na mapigilan. Bakit ba tutol sakin si kuya, minsan na nga lang ako maging masaya hahadlangan nya pa.
"Tawagin na natin ang celebrant natin ngayong araw! Walang iba kundi si Cassidy Ann Rivera!"
Nag-entrance ako sa red carpet at escort ko si kuya. Hindi ko alam kung debut ko na ba ito o sweet 16 pa din. Pero diba sweet 16 ang coming of age ng america samantalang sa Pilipinas ay pag-18 ka na.
Nakangiti ako sa kanila at may hinahanap. Hindi ba sya dumating? Hindi ba sya nakapunta dahil kay Celine? Naagaw na ba sakin ni Celine si Ian? Nagpatuloy ang pagrampa ko at wala pa rin sya.
"Maraming marami pong salamat sa dumalo ngayon. Salamat lalo na sa kuya ko na pinaghandaan ito. Sa mga bestfriends ko na tumutulong sakin at sa taong nagpatibok ng puso ko."naramdaman ko ang masamang titig sakin ni kuya. I'm sure lagot ako sa kanya mamaya.
Hindi ako magpapatinag kay kuya hinanap pa rin ng mga mata ko si Ian. Asan ka na ba Ian? Tutulo na ang luha ko anytime dahil wala paring Ian ang nagpapakita sakin.
"Magpalit ka na ng cocktail dress mo."madiing sabi ni kuya na animoy nagpipigil ng galit. Agad ko syang sinunod at nagpalit agad ako ng cocktail dress, naka pumps din ako. Paglabas ko ay nagpunta ako sa mga tables ng bisita ko.
Nandito yung mga tito, tita, ninong, ninang at mga pinsan namin. Nagkamustahan lang naman kami at lumipat ako sa kabilang table kung saan mga kaklase ko yung nandun.
"Naku naman Cassie ang sarap naman nitong handa mo!"sabi ni Laarni. Napatawa na lang ako sa reaction nya. "Ano ka ba naman Laarni."saway ni Rochelle at nagtawanan lang sila. Lumipat naman ako ng table kung nasan sila Sophie.
"Huy girl nasan na si Bicycle boy? I mean si Ian."tanong ni Sophie. Nagbuntong hininga lang ako.
"Ow...kay I understand."sabi nya. Umalis muna ako sa lamesa. Tinitignan yung mga damong natatapakan ko. Asan na kaya si Ian?
"Cassidy..."natigilan ako sa paglalakad ng makita ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Unti- unti kong inangat ang ulo ko at hindi nga ako nagkamali. Sa tingin ko 1 meter ang pagitan namin dalawa. Nagkangitian kami attumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko sya.
"Akala ko hindi ka na pupunta."sabi ko sa kanya. Kumawala sya sa yakapan namin at hinarap nya ako. "Ako pa ba ang hindi pupunta? Kung nung birthday ko ikaw ang kasama ko, papayag ba ako na sa birthday mo ay hindi ako makakapunta?"
Tinignan ko ang mukha nya. Napansin ko na yung suot nyang tshirt ay yung regalo ko sa kanya. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri at tinitigan ulit sya.
Hahalikan ko na dapat sya nung may tumawag sakin, panira ng moment naman sila oh! Bwisit naman eh!
"Cassie... Is that the bicycle boy? Oh my God! He is very hot."sigaw ni Sophie at lumapit sakin.
"Oo nga, Naku Cassie hindi ka nagkamali sa pagpili ng lalaki."sabi naman ni Nadine. Napangiti lang ako sa mga sinabi nila.
"Ahmm... dala ko yung pinsan ko, ayos lang ba?"tanong nya. Tumango naman ako at may nakitang lalaki na hindi ko kilala. Sya siguro yung pinsan ni Ian. Lumapit sya samin na mukhang nahihiya.
"Ah.. pare uwi na lang tayo, mukhang hindi tayo welcome dito eh."pabulong nyang sabi pero rinig ko pa rin. Yung totoo?
"No, hindi kayo pwedeng umuwi. Sophie doon sila sa table nyo uupo ha. Ikaw ba yung pinsan ni Ian?"tanong ko. Tumango naman sya at tinignan ako.
"Ah. Mark ito nga pala si Cassidy. At Cassidy ito nga pala yung pinsan ko si Mark."sabi nya nagkamayan naman kami pero agad tinanggal ni Ian. Natawa na lang ako sa ginawa nya.
"Ah... Sige upo na kayo dun. Sophie samahan nyo naman sila sa table nyo."sabi ko at sinunod naman ito nila Sophie.
"Ay regalo ko nga pala sayo."sabi ni Ian at binigay sakin yung regalo. At sumunod na kila Sophie.
"Ano yan?"tanong ni kuya at hinbalot ni kuya yung regalo sakin ni Ian. "Kuya akin na yan!"sigaw ko at pilit na inaabot yung regalo. Buti na lang at nakapumps ako kaya medyo maabot ko nang sumakit bigla yung ulo ko. Napaupo ako sa damo habang hawak yung sintido ko. Pumikit na rin ako dahil hindi ko na talaga kaya.
"Cassie. Are you alright?"tanong sakin ni kuya at hinawakan yung ulo ko. Bigla kong kinuha yung regalo sakin ni Ian dahil ibinaba na nya iyon. Bigla akong nakaramdam ng pagsusuka. Agad akong pumunta sa cr ng girls at sumuka.
Sinuka ko lahat ng kinain ko kanina. Pi-nalush ko yung bowl at hinugasan ang mukha ko. Ano ba ting nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko mali na ang nangyayari sakin?
Hawak ko pa pala yung regalo sakin ni Ian. Binuksan ko ito at nakita ang isang hairclip na mukhang mamahalin. Saan sya nakabili ng ganito? Inilagay ko ito sa buhok ko at bagay ito sakin.
Lumabas ako ng cr at nakita kong nakasandal sa pader si kuya. "Are you alright?"tanong nya at tumango ako. "I'm sorry. Pero hahadlangan ko pa rin kayo."yun lang ang sinabi nya at umalis. Pinapahirapan na ako ni kuya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ayos ka lang ba?"
BINABASA MO ANG
The Day I Met You
Teen FictionThe Day I Met You "Minsan lang ako magmahal, pero bakit mo ako iiwan?" "Hindi kita iiwan, kailangan ka ng kuya mo." "Buong buhay ko, kuya ko ang kasama ko, ikaw ngayon ang gusto kong makasama. Iniwan ko lahat ng meron ako para sa'yo."