TDIMY 22
As expected... si Via ang nanalo. Nakuha nya kasi ang puso ng mga audience sa kanta nya kasama na ako. Umiyak pa nga sila Sophie at Nadine eh. Natouch daw sila.
Sabado na bukas kaya inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko kila Ian. Buo na ang desisyon ko na makipagtanan sa kanya. Siguro nga pag nagmahal ka kahit anong hirap ay susuungin mo makasama lang ang taong mahal mo.
Tinago ko ang bag ko sa ilalim ng kama dahil sa mahaba ang bed sheet nito ay hindi mo alam na may nakalagay pala. Inayos ko ang kama ko at nahiga na. May kakaiba akong nararamdaman, excited na kinakabahan siguro dahil first time I think?
"Cassie kakain na."mahinahong wika ni Aling Rosie. Tumayo ako at nagpunta na sa dining room. Napansin kong dalawa lang ang pinggan. "Aling Rosie hindi po ba dito kakain ng hapunan si kuya?"
"Naku Cassie tumawag ang kuya mo at mag-o-overtime daw siya ngayon dahil sa kulang na yung panggastos dito."sabi ni Aling Rosie. Tinignan ko si Aling Rosie kahit nakatalikod. Napansin ko na may nilagay sya sa juice na nakahiwalay.
"Aling Rosie, ano po yung nilagay nyo sa juice na nasa isang baso?"tanong ko. Halatang natigilan si Aling Rosie dito.
"Ah kasi umaatake na naman yung rayuma ko.... hindi kasi ako makalunok ng tablet kaya dinidikdik ko na lang para mainom ko."paliwanag nya. Tumango na lang ako.
Nilagay na ni Aling Rosie ang dalawang basong juice sa lamesa tig-isa kami. Tapos yung pitsel na may maraming juice ay nasa gitna ng lamesa. Nilagay na rin nya ang mga pagkain.
"Cassie... sana naman maintindihan mo yung kuya mo."out of the blue na sabi ni Aling Rosie. Tinignan ko lang si Aling Rosie habang sumusubo. Akala ko ba pro sya sa relationship namin ni Ian? Bakit ngayon parang against na sya? Yung totoo?
"Aling Rosie akala ko po ba pro kayo sa relationship namin ni Ian? Bakit ngayon parang nagiging against na po kayo?"tanong ko at uminom ng juice.
"Hindi naman sa hindi ko tanggap. Siguro pag naintindihan mo na kung bakit ka pinagbabawalan ng kuya mo ay maiisip mo na sana matagal mo nang sinunod ang kuya mo."sabi ni Aling Rosie at nagpatuloy sa pagkain.
Nawalan na ako ng gana kumain pero pinilit ko pa din kumain. Kahit masuka suka na ako kasi ayaw na din tanggapin ng tyan ko ang pagkain ay pinilit ko pa rin.
"Sige na Cassie, ako ng bahala dito."sabi ni Aling Rosie at niligpit ang pinagkainan. Medyo inaantok na rin naman ako kaya pumasok na ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The Day I Met You
Teen FictionThe Day I Met You "Minsan lang ako magmahal, pero bakit mo ako iiwan?" "Hindi kita iiwan, kailangan ka ng kuya mo." "Buong buhay ko, kuya ko ang kasama ko, ikaw ngayon ang gusto kong makasama. Iniwan ko lahat ng meron ako para sa'yo."