TBL-C1

24 0 0
                                    

The Billionaire's Lost

C-1: Here I Am, Antalya

SHACQUEL

"Ne demek, sera? Bir erkekle tekrar yapmaya mı çalışıyorsun?" (What did mean, Sera? You try to make out again with a guy?)

Taas kilay kong tanong sa magaling kong kaibigan. Halos nanggagalaiti na naman ako sa galit dahil sa ginawa niyang kalokohan.

"Ne? Sadece tekrar eğlenmek istiyorum, yanında, ben yaptığımdan beri uzun zaman önce oldu." (What? I just want to have fun again, besides, it's been a long time ago since I did it.)

"Bu bir saçmalık nedeni sera." (It's a bullshit reason, Sera.) Galit ko pang dugtong at agad siyang tinalikuran.

Matagal na kaming magkaibigan ni Sera buhat ng napadpad ako rito sa Turkey. Para ko na rin siyang kapatid dahil sa tagal na rin ng pinagsamahan namin.

Kaya ako naiinis sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpayag na naman na makipagkita sa lalaki at dalhin siya sa kwarto. Mabuti na lamang at hindi pumatol daw 'yung lalaki.

Nakaka-adwa lang at nakaka-init ng bait. Kahit na hindi siya ginalaw nung lalaki, still, the fact na pumayag siya. Nakakainis talaga.

"Kız kardeş shacquel, kızma. Tamam, seni tekrar memnun etmek için. Ben bu gece akşam yemeği için yemek yapacak olanıyım." (Sister Shacquel, don't be mad. Okay, for me to please you again. I am the one who will cook tonight's dinner.)

Panunuyo niya sa akin at umakto pa na yayakapin ako. Napairap na lamang ako sa kanya at tinanggap ang braso niyang nakahanda ng yumakap.

"Make sure that you never do this again. I will NEVER, EVER, let that slide," sabi ko sa kanya habang magkayakap kami. Ramdam ko naman ang pagtango niya sa aking balikat kaya napa-ngiti na lamang muli ako.

Ewan ko ba kung bakit na naman niya ginawa ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung ano na namang insekto ang pumasok sa utak niya para maisip niya iyon.

***

"Waaa!" Malakas kong sigaw habang hindi makapaniwala na nakatingin sa screen ng cellphone ko. Nakailang basa pa ako ng paulit-ulit upang matiyak kung tama nga ba ang pagka-intindi ko sa sinasabi sa mensaheng aking natanggap.

Dali-dali namang lumabas sa kung saan si Auntie Chu at Sera na may pag-aalala sa mukha.

"Ne oldu, Shacquel?" (What is it, Shacquel?) Tanong nila na bakas ang kaba roon. Kaya naman, hindi ko mapigilang mapa-hagalpak ng tawa at tumalon talon.

Kasama ang excitement at pagkatuwa sa reaksyon kanila, hindi ko alam kung saan ilulugar ang sarili ko ngayon.

"Ano ba, Sha, hindi nakakatuwa. Anong meron? Bakit bigla-bigla ka na lang sumisigaw?"

Inayos ko ang sarili ko ng hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.

Potek lang, nakaka-excite.

"So, ganito na nga…waa! Auntie Chu! Sera!" Halos panlakihan nila ako ng parehas ng mata at nakatanggap sa kanilang parehas ng hampas sa aking balikat.

"Bwisit ka. Mamaya ang sigaw, hindi kami maka-relate. Ano, hang in the air kami?" Mataray ng saad ni Sera.

"Okay, fine, seryoso na nga." Tumighim ako at umupo sa harapan nila saka ipinakita sa kanila ang laman ng mensahe.

The Billionaire's LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon