The Billionaire's Lost
ZORAN
"Wow, mukhang masaya ang gising natin ngayon ah?" Panunuya sa akin ni Sebastian na nakapasok na naman sa kwarto ko."Coz, where in Antalya. That's why.'' I said while smiling. Hindi ko mapigilang hindi mangiti habang inaayos ang sarili ko sa salamin. Parang nakikita ko pa rin si Shacquel.
Ahh... remembering her name made me so happy, why is that?
"Luh? Gago, malala ka na. May sapi ka ba?" Halos hindi niya makapaniwalang sabi.
"Ikaw siguro ang may sapi. Sadya naman akong gan-" bigla siyang nag taklob ng kanyang tenga at nanlaki ang mata sabay takbo palabas ng kwarto ko.
Sira-ulo talaga kahit kelan. Kelan ba s'ya titigil sa paghithit n'ya ng katol?
Presko akong lumabas hanggang sa reception area ng hotel na tinutuluyan ko. Tinawag saglit ang isang crew para magpakuha ng isang ice-coffee. "On the way, Sir."
Habang naghihintay, naisipan kong buklatin ang ilang mga magazine na nakapatong sa lamesa. It's about tourism. Karamihan na lamang niyon ay mga tourist spot dito sa Turkey. Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kilig sa loob ko. Hindi pangkaraniwang bagay na nararamdaman ng isang tulad ko.
Wala sa hitsura ko na gustong gumala. Kung titingnan mo ako, baka isipin mo pang hanggang sa higaan ay sunisubuan ako ng pagkain AT HINDI sa hapag.
Yeah, I'm dang rich. But I really, NEVER travel the part of the world that I wanted to. Marami akong gustong puntahan at gustong makita, ngunit sa dami rin ng responsibilidad ko sa u-society, hindi ko na magawa iyon.
Ngunit kahit anong gawin ko, alam kong humahanap talaga sila ng butas para hindi ako ang makakuha ng buong society. Only Sebastian knows my secret. That I had a PTSD, (Post Traumatic Stress Disorder).
"Busy-ng busy ah?" Biglang may bumulong malapit na malapit sa tainga ko na muntik ko ng mahampas ng magazine kong hawak kung hindi ko lang agad napansin kung sino s'ya.
"Fvck." I cursed because of what she did. Napa-irap ako ng wala sa oras. Oo, hindi lang naman babae ang may karapatang umirap hindi ba? "H'wag mo na ulit gagawin 'yon."
"What? I did nothing wrong, dude." She said then sat beside me, grabbing the magazine that I held. "Kumusta na ang sugat mo, hindi na masakit?" Napatigil naman ako sandali at parang automatic na pinakiramdaman ang tagiliran ko. Hindi agad ako nakasagot.
Parang may bumalot na saya sa puso ko nang tanungin niya iyon. Hindi ko alam kung kelan pa ang huling pagkakataon na may nangamusta ng lagay ko pagkatapos kong masugatan o masaktan.
It felt like, it's my first time having a toy from a toy store that my parents bought me. It's a foreign feeling to me.
"Hoy! Masakit pa ba at hindi ka makaimik d'yan?" May paghampas pa siya sa braso ko para makuha niyang muli ang atensyon ko.
"N-nah. It doesn't hurt anymore. Daplis lang 'yon, malayo pa sa bituka."
"Tss. Talaga lang ha? Eh, mukhang pinisang luya ka na nga kahapon eh."
"Tss. Pagod lang ako kaya gano'n." Palusot ko na lang. Pakiramdam ko, hindi ako mananalo sa sagutan sa babaeng 'to.
"Sure ka bang ayos na?"
"Oo nga, bakit ba?" Medyo irita kong tanong.
"'Ge, sabi mo 'yan ha? Gala tayo?"
"Cool. Sa'n mo ba gusto?" Tanong ko habang unti-unti ng tumatayo.
***
"Wait, hindi ba malamig?"
"Nah. It's a hot spring idiot, Zor. Come on in." Anyaya niya sa akin na siyang unang tumubog sa tubig na pinuntahan namin. Nandito lang kami sa parteng maligamgam ang tubig at pwede liguan ng tao. I never expect na rito niya ako dadalhin.
Nangiti na lamang akong bigla. Hindi ko alam na magagawa ko pala ang bagay na ito. Dahil bukod sa wala akong oras, wala akong kasamang gagawa nito.
"Hoy! Masyado kang seryoso." Sabay tawa niya.
At sinong mag-aakala na magagawa ko ito kasama ang isang estranghero? Winisikan niya ako ng tubig sa mukha kaya nawala ang pagkakatulala ko. Nasamid ako roon kaya halos hindi maawat ang tawa n'ya.
'Yung tawa n'ya....'yung tawa n'ya, ang sarap sa tenga. Nang maka-recover na ako ay agad ko ring sinabuyan siya ng tubig hanggang sa nagbasaan na kami. Natigil lang kami nang biglang bumukas ng malakas ang pinto mula sa 'di kalayuan sa amin na siyang sara nitong malaking hotspring.
Agad akong nang mamukhaan ang mga ito. The goons are really amazing on hunting down their target. Matulin kong hinila papalapit sa akin si Shacquel na napasubsob na sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagkabigla niya sa ginawa kong paghiladahil sa pagtigas ng kaniyang mga braso.
Hindi ko na siya hinayaang magka-recover pa, wala akong iniwang pagkakataon na makita niya kung sinong mga hampas lupang bigla na lamang pumasok sa loob. Agad ko siyang iniahon sa tubig ng walang kahirap-hirap. Bagaman bumaatay sa kaniyang mukha ng pagka-gulat ay hindi ko na siya hinayaang magtanong pa kung ano ba ang nangyayari.
Wala sa sarili niyang sinuot ang ipinasuot kong tsinelas sa kaniya at wala rin siya sa sariling sumunod sa aking paghatak.
"Koşuyorlar, yakalayın!" (They're running, get them!) rining kong sigaw ng isa sa kanila. Lihim akong napamura dahil wala akong ibang makitang daan na lulusutan palabas nitong kwarto.
Ano ba naman 'tong hayop na kwartong 'to, wala ba 'tong emergency exit?
"Tagna, ba't ba tayo tumatakbo?"
"I'm sorry, but I can't tell you right now. Can you run with me?"Hindi siya nagsalita ngunit sapat na ang pagkakatitig niya sa akin upang maintiindihan kong sang-ayon siya sa gagawin namin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Lost
ActionHe has all. She has nothing. What if they meet in unpredictable way? Because he was chase? Zoran Vasic, a well known billionare in Asia and Europe countries. He owns almost all of different luxurious things in life. But, the question is, can it all...