Stalking Park Jimin

3.7K 154 60
                                    

"Ayan na siya, ayan na siya" sabi ng isa habang di mapakali hampas hampasin yung katabi niya at nagsigawan ang lahat ng bumukas ang pinto at ibinuga ang "man of their dreams" ika nga nila

Lumabas na siya sa pinto kung saan hinihintay siya ng maraming tao, wala ng iba kung hindi si Jeon Jungkook, si Jungkook na minamahal ng lahat dahil sa matinding dating kahit isang oversized white t-shirt, black pants at timberlands lang ay kaya na niyang pumatay ng libo-libong tao

Na sa isang taas ng kamay at kaway lang mababaliw na yung mga tagahanga niyang umasa na sila yung kinawayan at binaon hanggang sa pagtulog nila

Jungkook got used to it. Minsan nga sa sobrang baliw na ng ibang babae sakanya halos mapunit na damit dahil pinagaagawan siya. Minsan nasa bahay nalang siya dahil nagsasawa ng makarinig ng mga mabubulak na salita mula sa iba

"OMG!" nagsigawan ang lahat ng makitang tinulungan ni Jungkook na pulutin ang cellphone ng isang babae
at ibinalik ito sakanya

Halos magwala ang babae at nagtatatalon sa sobrang saya ng mahawakan ang mga malalambit at makinis na kamay ni Jungkook, akala mo sinasapian siya habang tumalikod sa kasama niya "ANG TANGOS NG ILONG BESSY!"  at ang mga tao sa likod ang sasama ng titig at ang iba naman ay nakakaramdam ng selos at inggit

Ito ang nagustuhan nila sa binata. Bukod sa talento, sa magandang hugis ng katawan, ang kaniyang nakakaadik na amoy na kung saan kapag nakasalubong mo siya kulang nalang ay higupin mo siya sa sobrang bango niya at bukod pa diyan minahal nila ang binata sa napakagandang ugali nito kahit nakakatanggap siya ng nga pagmamahal araw araw kailan ma'y hindi lumaki ang ulo niya

"Ang swerte niya, nahawakan niya ang kamay ng asawa ko" hirit pa nito ni ate

"Mukha ba akong santo? Para maging maswerte sila kapag nahawakan nila ako?" Bulong ni Jungkook sa sarili niya
at dumeretso sa kotse niya

This was his favorite part, ang paguwi
dahil makikita niya na uli ang pinakamamahal niya. Uuwian niya nanaman ang pinakamamahal niya sa lahat

No one knows about it, dahil baka kapag nalaman ng iba ay baka sugurin siya sa kanilang bahay at sabihing "JUNGKOOK OPPA! AKO ANG ASAWA MO! BAKIT MO AKO PINAGPALIT!?" o hindi naman kaya "SABI MO SAAKIN AKO LANG? OPPA HANDA AKONG GAWIN LAHAT KAHIT AKO PA MAGLABA NG UNDERWEAR MO ARAW ARAW"

At kahit siya hindi niya alam na mahal siya ni Jungkook

Binuksan niya na ang pinto ng kaniyang bahay, tinanggal ang jacket at isinabit sa tabi ng pinto at ihinubad ang kaniyang sapatos

Dali-dali siyang pumunta sa kwarto niya at binuksan ang kagamitan  niya upang makita ang pinakamamahal niyang tao.

Binuksan niya ang computer niya at may lumabas na sampung tab na naglalabas ng iba't ibang parte ng bahay niya

Isa sa may pintuan
Pangalawa sa sala
Pangatlo sa kusina
Pangapat sa garden
Panglima sa kwarto
Panganim sa garage
Pangpito sa mini studio
Pangwalo sa closet
Pangsiyam sa kotse
Pangsampu sa CR

Hinanap niya kung nasaan siya ngunit wala siyang nakita kaya naman tumingin siya sa orasan

"Maaga pa pala" sinabi niya at napakamot sa likod ng leeg niya kaya naman kumuha muna siya ng makakain

Ng makakuha na siya ng pagkain ay agad agad siyang umupo sa harap ng computer at walang sawang tinititigan ito. Sumusubo siya at nakafocus parin ang mga mata sa computer

Ganito ang buhay niya araw araw. Pagkatapos ng school ay uuwi siya ng bahay at tinititigan si Jimin mula sa screen ng computer niya titignan at papanuorin ang mga galaw ni Jimin

Lahat ng galaw niya kabisado na ni Jungkook, lahat ng gagawin niya sa araw araw hanggang sa pagtulog kabisado niya

Madalas niyang sinasabayan si Jimin mapa-toothbrush sa umaga, sa pagkain ng breakfast at hanggang pagtulog

Hindi niya rin alam kung paano siya nakapasok sa bahay ni Jimin at nakalagay ng mga camera sa bahay niya

Pero hindi na iyon mahalaga. Napangiti ang binata ng makita niyang pumasok ang lalaking may pink na buhok sa bahay at kitang kita niya ito mula sa screen ng computer niya

"Namiss kita, hyung"

"Namiss kita, hyung"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Stalking Park Jimin • Jikook fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon