08: Stolen shots

1.2K 63 68
                                    

Tinititigan ko ang mga litrato ni hyung sa ibabaw ng piano ko.

Lagi ko 'tong ginagawa kapag PE lagi ko siyang kinukuhanan ng litrato ng patago. May mga nakatawa siya at kita ko na yung bell sa binig niya meron namang mga may pawis pa siya sa katawan

Napansin kong may mga alikabok na kaya agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng pamunas at agad agad pinunasan ang bawat mga litrato.

Tuesday ngayon. May pasok pero sabi ng nurse sa school 3 days daw akong wag pumasok. Hanggang ngayon medyo namamaga parin yung katawan ko at hindi parin ako makapagsalita ng maayos.

Ano kayang ginagawa ni hyung ngayon?

Napangiti ako ng makita ko ang kauna-unahang picture namin. Nakaakbay siya saakin at nakangiti ng parang walang problema sa buhay

Patayo na sana ako ng biglang may nagdoorbell kaya naman napatingin ako sa pintuan

Sino naman kaya yun? Wala si Yugyeom dahil may tour sila kasama ang section A. Siya lang naman nakakaalam ng address ko at isa pa tago ang bahay ko

Sumilip ako sa bintana at nakita si JIMIN!? PAANO NAPUNTA DITO SI JIMIN!? Mas lumaki ang mata ko ng nakita kong napansin niya akong nakasilip sa bintana

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at kumaway pa

PAANO NALAMAN NI JIMIN YUNG BAHAY KO!? KAKATAYIN KO TALAGA SI YUGYEOM PAGDATING DITO

"Goodmorning" narinig ko sa kabila ng bintana. Dahan dahan akong pumunta sa pintuan at kabadong binuksan ang pinto

"HI KOOKIE!! OKAY NA BA YUNG PAKIRAMDAM MO?" Masiglang sambit niya

"H-hyung?---" bigla siyang pumasok sa loob ng bahay. Napangiti ako dahil makikita niya yung mga magagandang litrato niya----SHIT! YUNG MGA PICTURES NIYA!

Habang nililibot niya ang paningin sa sala ng bahay ko bigla siyang napatingin sa piano. PATAY NA

"Uy! Tumutugtog ka din?" akma siyang pupunta sa may piano pero inunahan ko siya at bilis bilis na kinuha ang sampung litrato niya sa ibabaw ng piano ko

Papunta na ako sa kwarto ko ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko

"Ano yan?" tanong niya

"A-ah, wala wala---ano 'to picture ko nung bata ako"

"Patingiiiiin" sinabi niya at hinabaan pa ang dulo na parang bata sabay pout

"H-hyung! A-Ayoko"

"Bakit?"

"K-kita kasi pototoy ko dito eh" sinabi ko at itinaas ang kamay ko kasama ang mga litrato para hindi niya maabot

Tumalon talon siya para maabot. Nagulat ako ng medyo mahawakan niya yung litrato kaya naman medyo umurong ako

"Hyung! Please kung ayaw mong mawala yung pagkainosente ng mata mo. Maexpose pa yung alaga ko"

Umurong pa ako dahil inaabot niya yung litrato. Hindi ko napansing malapit na pala yung mukha namin sa isa't isa. Nakaramdam ako bigla ng gutom para bang gusto kong kainin yung malalambot niyang labi

Stalking Park Jimin • Jikook fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon