12: Save me

428 20 66
                                    

Napabuntong hininga ako dahil ang aga aga tunog ng tunog yung cellphone ko.

Ano bang meron?

Napakamot ako ng ulo at padabog na hinanap ang cellphone ko sa side table ko.

Nakapikit pa ang kanang mata ko dahil antok na antok pa ako.

Pipundutin ko na sana ang silent ng bigla akong may makitang picture ni Jungkook sa notifications ko

Agad-agad akong napaupo at para bang binuhusan ako ng sampung balde ng malalamig na tubig

"Jungkook was caught dating inside the school"

Tapos yung picture siya at ako?

Napanganga yung bibig ko ng makita 'to. Sa sobrang buka pwede ng pasukan ng langaw

Tatawagan ko sana si Jungkook ng makakita ako ng masasakit na salita

"Slut"
"Mas malandi pa sa malandi"
"Hindi naman maganda"
"Taba, pano nagustuhan ni Oppa diyan?"
"Ew"
"Let's do our best para makick out yang panget na yan sa school"

Napalunok ako sa mga nakita ko. Ako ba tinutukoy nila dito?

Para bang nawala ang antok ko. Sunod sunod parin ang notifications na napupunta saakin at bawat isa sa lahat ng yun. Naglalaman ng masasakit na salita

Ano bang maling ginawa ko?

"Nililinaw ko lang po, hindi po kami nagdadate" pagreply ko sa isa at mas lalong dumami ang notification

"Liar"
"Ayan na nga 'o! Huli ka na, idedeny mo pa? Natatakot ka na ba?"
"Duwag ka pala eh"

Nagsipagtulo ang mga luha ko sa mga masasakit na salita na nakuha ko

Umaakyat na yung araw hindi parin ako makatulog. Naramdaman kong nagalarm na ang alarm clock ko.

Walang gana akong pumasok ng CR. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. tuloy tuloy bumagsak ang mga luha sa mata ko

---
Pagkababa na pagkababa ko ng school bus halos lahat ng tao ang sasama ng titig saakin

Yung iba binabato ako ng mga lukot na papel, yung iba naman pasimple akong sinasaktan, aapakan yung paa ko, bubulungan ako ng kung ano ano

Pero naglakad nalang ako, pinipigilan kong umiyak sa harap nila. Ni hindi nga nila alam kung totoo ba yung nakita nila eh.

Masama na bang makipag kaibigan?
Masama na bang maging masaya?

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng biglang may sumadyang bumangga saakin

"Ay sorry! Uyy! Ikaw pala" mapait na sabi niya habang tinulak ako sa dibdib gamit ang dalawa niyang dalari

Napaurong ako. Pinigilan kong bumagsak ang luha ko

"Ano bang sabi ko sayo" bulong niya saakin

"Lumayo ka kay Jungkook diba? Tingnan mo ngayon, anong nangyari?" dagdag niya

"MAGANDA BA!?" sigaw niya at nakipagusap sa mga tao na nakapaligid. Tinago ko ang mukha ko sa buhok ko at di ko napigilan ang luha sa mga mata ko

Tuloy tuloy sila sa pagbagsak

"HINDI! PANGET!"
"TABA"
"AKALA MO NAMAN BAGAY YUNG PINK NA BUHOK SA KANYA MUKHA NAMANG KULANGOT NA TINUBUUAN NG MUKHA"

"Narinig mo yun?" nakakaasar na sabi niya saakin habang tinataas ang kilay niya

"Ngayon alam mo na---don't cry" sinabi niya at tinapik tapik ang balikat ko

Stalking Park Jimin • Jikook fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon