"Kumapit ka sa leeg ko" sinabi niya habang binibilisan ang kaniyang takbo
Ilalagay ko ba? Ilalagay ko ba?
Hindi ko maramdaman yung kamay ko. Nakita kong medyo nahihirapan siya sa ginagawa niya.
Sino ba namang hindi mahihirapan kung may buhat buhat kang kasing taba ko tapos tumatakbo pa?
"Ikapit mo yung kamay mo sa leeg ko" paguulit niya
Ikapit ko kamay ko sa leeg niya?
Oo alangan namang ikapit ko paa ko sa leeg niya?Tumatagaktak ang mga pawis mula sa buhok niya pababa sa mukha at leeg niya
Susundin ko ba? Bakit ko ba kailangang gawin yun?
Dahan dahan kong inilapat ang mga kamay ko sa leeg niya at ibinaon ang mga mukha ko sa dibdib niya para hindi niya makita yung namumula kong mukha
Naamoy ko ang matapang at nakakadik na amoy niya
"Daldalhin muna kita si clinic" hingal na sinabi niya
"Dumeretso na tayo sa AVR" mahina kong sabi pero malakas na para marinig ng mga tenga niya
"BALI NA YUNG PAA MO YUNG TEST PARIN ANG INIISIP MO?" sigaw niya habang nakafocus parin ang mga mata niya sa tinatakbuhan
"BABAGSAK NA TAYO YUNG PAA KO PARIN INIISIP MO"
Nakita kong nagdilim ang mga mata niya
"Dadalhin muna kita sa clinic" madiin pero mahinang sabi niya
"Ibaba mo ako Jungkook" utos ko pero tuloy padin siya sa takbo. Unti unti kong nararamdaman yung mabigat na paghinga niya dahil sa pagod
"JUNGKOOK IBABA MO AKO!" sigaw ko habang sinisipa sipa yung kanang paa ko dahilan kung bakit siya nahirapan
"JUNGKOOK!" napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao.
Bigla kong naalala si Yoongi. Ayaw niyang sumasama ako sa mga lalaking di niya kilala
Pinalo palo ko ang dibdib niya at ang sunod na nakita ko nasa loob na kami ng clinic.
Pumasok ako sa isang kwarto kasama ang isang nurse. Pinaupo niya ako at hinilot ang mga paa ko
"A-aray" sigaw ko ng may mahawakan siyang masakit sa paa ko.
Maraming ginawang proseso sa paa ko tulad ng X-ray tiningnan kung may bali o walaNakita ko ang oras at tapos na ang klase namin sa PE kaya napapikit ako ng madiin
Pinaghintay ako ng nurse dito sa loob ng kwarto at tinitingnan niya pa yung X-ray ng paa ko
BINABASA MO ANG
Stalking Park Jimin • Jikook fanfic
HumorPerfect, yan ang tawag ng lahat sakaniya Kinababaliwan ng lahat ng babae, kayang gawin lahat at higit sa lahat kayang pumatay sa pamamagitan ng kaniyang ngiti. Pero maniniwala ka ba na ang isang katulad niya ay isa palang 'stalker'?