Elpis Pov
Seems like there's always someone who disapproves
They'll judge it like they know about me and you
And the verdict comes from those with nothing else to do
The jury's out, but my choice is you
So don't you worry your pretty, little mind
People throw rocks at things that shine
And life make love look hard
The stakes are high, the water's ro---
"Ay panira!" Naiinis na sabi ko sa sarili ko ng biglang natigil yung music. Yan ang ringtone ko at kanina pa siya paputol ng putol dahil nga kanina pa din may tumatawag sa akin pero ayaw kong sagutin kasi ang ganda nung ringtone ko. Fan kaya ako ni Taylor Swift ng konti. Oo konti lang kasi piling kanta lang naman ang bet ko eh.
First day of school na namin ngayun pero hindi pa ako nag aasikaso kasi mamayang 10:30 AM pa naman ang pasok ko. Naglilinis pa kasi ako ng bahay at nakakatamad naman kung sobrang aga kong pumasok. Ano naman gagawin ko dun aber?
Narinig ko na naman ang pagsisimula ng kanta ng ringtone ko kaya agad na akong lumapit para sagutin yung tawag, nakailang beses na din kasi may tumawag eh. Tsaka nakaka badtrip lang na damang dama ko na yung kanta tapos biglang mapuputol? Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang napakakulit na caller.
Si Clover lang pala! Ano na naman kaya ang kailangan ng magaling kong best friend? Sinagot ko na ang tawag at agad na ini-loudspeaker, ipinatong ko na ulit ang cellphone ko sa table at bumalik sa paglilinis.
"Nahiya ka pa. Hindi mo na sana sinagot itong tawag ko." Yan agad ang bungad niya ng sinagot ko ang call niya.
"Buti nga sinagot ko." Simpleng sabi ko at naupo sa sofa. Sa wakas! Tapos na din ako maglinis.
"Wow naman. Nakailang call na kaya ako!" Reklamo niya kaya naman agad kong kinuha ang phone ko at in-end ko ang tawag. Ang aga aga puro na naman siya reklamo. Nag call na naman siya kaya sinagot ko na agad, baka umiyak pa eh.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Bagot na tanong ko sa kabilang linya.
"Ang gandang bungad naman niyan." Nang aasar na sabi niya kaya napa irap ako.
"Ang gandang bungad naman niyang pang iistorbo mo." Pang gagaya ko sa kanya.
"Parang hindi kita best friend sa lagay mong yan ah?" Nagdadramang sabi niya.
"Umayos ka nga! Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya, agad ko naman narinig ang buntong hininga niya. Anong problema na naman ng babaeng ito?
"Ano kasi." Pagputol niya sa sasabihin niya.
"Ano?" Naiinip na tanong ko. Hindi ba pwedeng mag direct to the point na lang siya?
"Nandito na kasi ako sa school." Alanganing sabi niya kaya naman napakunot noo ako. Ang aga naman niya. Maaga naman talaga siya always pero sobrang aga pa para pumuntang school.
"Ha? Anong ginagawa mo dyan? Kaka 8:00 AM palang ah? Mamayang 10:00 pa naman ang pasok mo." Takang tanong ko. Anong trip naman ng babaeng ito?
"Ah ano kasi may orientation kami mamayang 9:00 tapos hindi ko talaga mahanap yung room ko." Sagot naman niya.
"May ganun ba? Bakit kami wala?" Nagdududang tanong ko.
"Aba malay ko! Pero please pumunta kana dito." Malambing na sabi niya kaya napa irap ako. Ayoko nga! Ang aga aga pa ah!
![](https://img.wattpad.com/cover/299922392-288-k550921.jpg)
YOU ARE READING
Enchanted To Your Words (My Future Series #1)
Novela JuvenilMy Future Series #1. Si Elpis Belladonna Menerva ay isang babae na simple lamang ang pangarap pero ang daming natataka sa pinili niyang kurso. Bakit nga ba sobrang nagtaka at nagulat ang lahat ng kakilala ni Elpis sa pinili nitong kurso? Bakit pati...