Elpis Pov
"Knock knock!" Pang limang beses na sabi ni Finn sa amin habang nandito kami sa garden ng school.
Oo tama kayo ng basa, si Finn ang kasama ko pati na din si Rox at Clover. Hindi ko talaga akalain na yung hinihiling hiling ko na huwag na ulit makita ang mukha ni Finn ay hindi natupad dahil isang week na akong pinepeste ng pagmumuka ni Finn. Akala ko pinaka una at pinaka huli na yung pag uusap namin nung nasa cafeteria kami pero hindi eh, basta basta nalang sumusulpot bigla bigla itong si Finn. Nung past life niya ata ay mushroom siya kasi bigla bigla nalang nagpapakita sa amin.
Ayos lang naman sakin na sumasama sa amin si Rox, minsan pang pa good vibes din naman siya eh. Silang dalawa ni Clover pero madalas talaga pampa bad vibes kasi gustong gusto nila akong asarin. Pero kung si Finn ang sumasama samin? No way! Matitiis ko pa ang kaingayan ni Rox pero ang kayabangan ni Finn? Ihagis ko pa to' sa inyo para kahit papano magkaroon ng kapayapaan ang bawat araw ko dito sa school.
"Ano na naman ba yan?" Naririnding tanong ko sa kanya, ayos lang naman sana na magpick up line o kung ano pa siya dyan pero kung puro corny at panget ba naman ang maririnig ko sa kanya? Wag nalang.
"Shhh, for sure magugustuhan mo na to' El." Pagpapatahimik niya sa akin kaya naman inirapan ko siya at nanahimik nalang, hindi din naman siya makikinig sakin kahit na anong sabi ko.
"Knock knock! Dali sumagot kayo!" Pagde-demand niya kaya naman napipilitang sumagot sila Clover. Pati sila ay naririndi na sa knock knock ni Finn.
"Who's there?" Sabay na tanong ng dalawa.
"Elpis!" Aba ang galing naman, pati pangalan ko dinadamay sa kalokohan niya.
"Elpis who?" Kung kanina ay naririndi na sila ki Finn eh ngayun naman ay nabuhayan sila dahil alam nilang pang aasar na naman ang lalabas sa bibig ni Finn tungkol sakin.
"Elpis ang gamit sa pag drawing!" May pagmamalaking sabi niya at siya din ang natawa sa sarili niyang joke. Self-support nga talaga.
"Ha ha ha! Nakakatawa yun?" Nababagot na tanong ko kaya naman natigilan siya kakatawa.
"Ay hindi kayo natawa!? Ang ganda ganda ng naisip ko eh!" Reklamo niya kaya naman nagpekeng tawa sila Clover at Rox. Bagay na bagay pala talagang magsama itong tatlo eh, parehas mga walang magawa ng matino sa buhay.
"Ewan! Ayoko na! Lapis kasi yun, ang layo naman sa Elpis!" Sabi ni Clover at tinapunan ng junk food si Finn.
"Anong ang layo! Elpis, lapis! Parehas may pis!" Walang kwentang sabi ni Finn, si Clover at Rox naman ay napatango tango sa sinabi ni Finn. Kahit kailan talaga puro kalokohan ang nasa isip nila.
"Gutom lang yan, kumain nalang kayo!" Paninita ko sa kanila at nagsimula na ulit kumain. Kung sineswerte nga naman, sabay sabay pa ang naging break time namin.
"Uyy concern sakin si El." Malisyosong sabi ni Finn kaya naman umarte akong parang nasusuka. May pagka assuming din pala si Finn no?
"Alam mo." Naputol bigla ang dapat kong sasabihin ng sumabat siya, wala talaga itong manners. Alam na nagsasalita pa ako!
"Hindi!" Natatawang sabi niya kaya naman binato ko siya ng ballpen na nasa bulsa ko. Palagi nalang to' tumatawa kahit wala naman nakakatawa, may sayad na ata talaga si Finn.
"Hindi pa ako tapos, okay!?" Sigaw ko sa kanya, buti nalang talaga at malayo itong garden sa mga room kundi kanina pa kami napalayas dito.
"Tumahimik na nga kayong dalawa, kanina pa tinginan ng tinginan satin yung iba." Pananaway sa amin ni Clover kaya naman inirapan ko siya.
YOU ARE READING
Enchanted To Your Words (My Future Series #1)
Ficção AdolescenteMy Future Series #1. Si Elpis Belladonna Menerva ay isang babae na simple lamang ang pangarap pero ang daming natataka sa pinili niyang kurso. Bakit nga ba sobrang nagtaka at nagulat ang lahat ng kakilala ni Elpis sa pinili nitong kurso? Bakit pati...