Binilog-bilog ko ang munchkins at nilagay sa gilid. Concentrate na concentrate ako habang si Luan, kapatid ko at si Xie ay nagc-chikahan. Ka-edad lang yata sila, 4 years ang gap namin ni Xie habang kay Luan naman 5.
Naga-agikikan silang dalawa sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. May pumatak na tulo ng pawis sa noo ko kaya pinunasan ko 'yon gamit ang braso ko. Tinaas ko ang tingin sa mga dalaga sa harap ko at sinita sila. Napatingin din sila sa akin at tumulong sa pagbibilog.
"Tumulong nga kayo rito, puro kayo harot harot d'yan," Pagsu-suway ko sa kanila.
Sumimangot si Luan. "Ate naman e, napopogian lang kay Kuya Tico, maharot na agad?" Pa-over niyang tanong. Ngumisi siya sa akin kaya binigyan ko siya ng nandidiring mukha.
"Oo nga Ate, pogi si Kuya Tico 'di ba? Matangkad pa," Pagsa-sang ayon ni Xie. Lumapad ang ngisi ng kapatid ko.
It's been a week since I rudely answered him. Nagkikita kami rito sa bahay pero iniiwasan ko siya. Minsan gusto niya akong lapitan pero pinipigilan niya ang sarili niya. Siya rin ang nagvo-volunteer na magluto ng ulam dito nitong mga nakaraang araw. Puro paborito kong ulam kaya hindi na ako umaayaw sa pag-aaya ng mga pinsan ko.
I rolled my eyes and exhaled exasperatedly. "Pogi nga, suplado naman." Masungit kong tugon sa kanila.
Tinawanan ako ng kapatid ko. "Ay weh? Masungit? Alalang-alala nga 'yon n'ung hindi ka sumabay ng kain sa amin e," Pagpapa-alala niya sa nangyari n'ung nakaraang araw.
"Sabihin mo lang na hindi mo tanggap na mabait pala siya kasi hindi 'yun ang first impression mo sa kan'ya. Sus si Ate! Parang si Mama e." Panga-aasar niya sa akin kaya naurat ako.
Tinalikuran ko sila para maghugas ng kamay. Kaunti nalang iyong mixture, kaya na nila 'yon. Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang sling bag ko.
Binuksan ko iyon at nilabas ang flyer sa competition. April ngayon, 'pag ako ang nanalo sa competition, August pa ang pasukan ko. I have less than 3 months to come up with the perfect picture. So perfect na makakapunta ako ng New York, live on my own without having the fear of being constantly controlled by people who are greater than me. I'll be independent because I have myself to depend on.
Nilapit ko ang flyer sa dibdib ko at sinalampak ang likod ko sa kama. I sighed heavily knowing that even if I win the competition, sila pa rin ang masusunod.
Pumikit ako saglit pero napabangon din nang may kumatok. Dali-dali kong pinasok ang flyer sa sling bag ko.
"Pasok," Tawag ko sa kumatok. Hindi siya pumasok pero sumilip siya. Si Dash.
"Ate, pupunta kami dalampasigan, kakain. Sama ka!" Paga-aaya niya. Ang laki-laki ng ngiti niya kaya hindi na ako tumanggi.
Gabi na tapos umambon pa kanina kaya nagsuot na ako ng jacket. Nag-tsinelas nalang ako kasi wala namang manghuhusga sa outfit ko. Tumungo na akong sala at nakita ko na naman silang nagtitipon-tipon.
Ako talaga ang blacksheep dito, e. Mala-introvert kahit sa totoo naman marunong akong makisama. Parang ang hirap lang gumalaw kasi naalala ko ang sinabi ni Tico tungkol sa akin.
Speaking of Tico, nandito siya. He was boredly listening to what ever my cousins are talking about. Nagtama ang tingin namin kaya medyo napa-atras ako. I pursed my lips when he surveyed my body. Na-conscious tuloy ako pero naguguluhan.
Napako ang tingin niya sa tsinelas kong pambahay. Kumunot ang noo niya at umalis saglit. Hindi ko na s'ya pinansin kasi hindi pa naman kami bati. It's better this way.
Napagpasyahan na namin na tumungo na sa dalampasigan kasi baka umulan ulit. Medyo maputik na ang kalsada nang sumilip ang mga pinsan ko sa labas ng gate.
YOU ARE READING
Capturing The Blue
RandomMisamis Oriental Series #1: Balingasag Carissa, a passionate photographer, grew up in the same routine of studying in the city and spending the vacation at her parents' hometown Balingasag. This summer is different as she meets the young and determi...