The after party of this wedding is wild, masaya halatang halata na masaya sila sa mga ikinasal. Second hand happiness ang nakukuha ko sa mga nagsasayawan at naghihiyawan habang inaangulo ko ang aking camera upang kunan ang kanilang mga ngiti.
"Miss Cari, dito naman oh! Picturan mo kami!" Tawag ng isang guest sa akin kaya lumingon ko sa kanila at pinwesto ang camera. Nakawacky sila lahat at nakangiti. Dali-dali ko silang kinuhaan ng litrato 'tsaka ko tinignan ang kuha kung maganda ba. Nang makita na maayos ito ay nagthumbs-up ako sa kanila.
"Patingin Miss!" Sabi n'ung tumawag sa'kin sabay lapit. Pinakita ko naman sa kan'ya ang pics. "Ganda ng kuha, 'pag ako na naman kinasal kukunin din kita ha?" Tugon n'ya sa akin.
Napatawa naman ako. "Salamat po, send lang kayo ng text sa akin or sa organization namin para naman makakapunta ako d'yan," Sagot ko naman habang nakangiti. Ngumiti rin siya at lumingon sa likod upang magtawag pa ng iba para makuhanan ng litrato
I clicked, went on shutter mode, angled my camera in different angles. In-enjoy ko ang gig na ito kasi next week pupunta na ako sa probinsya ng mga magulang ko. It's been a routine for me, study sa city, bakasyon sa probinsya. Paulit-ulit lang, hindi naman boring sa probinsya pero kaunti lang din ang libangan doon.
Natapos na ang after party ng kasal at nagsiligpitan na sila sa venue. Nakitulong na rin ako sa pagligpit kasi tumulong ako sa mga kasama ko sa organization para magdecorate. Libangan na namin 'to tuwing summer, active sa school kapag may mga events pero tumatanggap din kami ng outside events gaya nito.
"Ganda ng mga kuha mo Cari!" Puri ni Vian, habang pinipindot ang camera ko para tignan ang mga kuha.
"Ayos lang naman mga kuha ko," Sagot ko habang tinatanggal ang ibang flowers sa backdrop ng venue. Nilingon ko pa s'ya saglit kasi baka kung ano na nangyari sa camera ko.
Tumawa siya na parang nagbibiro ako kaya umirap naman ako. "Totoo ah, 'di naman ako masyadong magaling d'yan. Mahilig lang talaga akong kumuha ng litrato," Dagdag ko, nagbabakasakaling tumigil siya sa kakatawa habang patuloy pa rin sa pagtatanggal ng mga plastic na flowers.
Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti nang mapang-asar. "Geoff! Hali ka nga rito," Tawag niya sa kasamahan namin. Tinigil ko ang ginagawa ko para punasan saglit ang pawis. Tinignan ko ang gawi n'ya at nakitang lumapit nga si Geoff sa kan'ya.
"Woops, Vian tawag ka nang tawag sa'kin. Napaghahalataan ka nang may gusto sa'kin," Bati ni Geoff sa amin nang nakalapit na siya kay Vian.
Biglang umasim ang mukha ni Vian kaya napatawa ako. "May gusto ka pala sa kan'ya e," Pang-aasar ko kay Vian.
Umiling si Vian sa amin habang nananatili ang mukha niyang nakakunot. "Baliw, assumero ka! Tignan mo nga 'tong mga kuha ni Cari. Pangit daw sabi n'ya," Pagsusumbong niya kay Geoff. Umirap ako at bumalik sa pagliligpit.
Pinasilip niya kay Geoff ang camera at agad namang napalitan ang mukha niya mula sa pagtataka hanggang sa pagkamangha.
"Ito? Pangit? Mas pangit ka pa d'yan," Sabi niya kay Vian habang tinuturo ang camera.
"Siya nagsabi ng pangit hindi ako! Plus, ang ganda ko kaya kahit saang angulo 'no. Baka ikaw d'yan pangit," Ganti niya kay Geoff.
Nagmake-face si Geoff at lumingon sa akin. "Cari, pangit mga kuha mo para sa'yo?" Tanong niya sa akin.
Tinigil ko saglit ang pagliligpit para lingunan sila dalawa. "Wala akong sinabing pangit mga kuha ko, sabi ko hindi ako masyadong magaling," Sagot ko sa tanong niya. "Tumulong nga kayo sa pagliligpit, hindi tayo matatapos dito." Pagsuway ko sa kanila kaya napakamot silang dalawa sa ulo.
Niligpit ni Vian ang camera ko at sinamahan ako sa pagligpit sa backdrop. Bumalik naman si Geoff sa trabaho niyang paglilinis.
Nagabihan kami pero kailangan pa naming ibalik sa storage room ang mga decorations sa building ng organization. Wala nang tao pagdating namin doon kasi alas 2 na ng madaling araw. Tanging mga kasamahan ko nalang sa gig.
YOU ARE READING
Capturing The Blue
De TodoMisamis Oriental Series #1: Balingasag Carissa, a passionate photographer, grew up in the same routine of studying in the city and spending the vacation at her parents' hometown Balingasag. This summer is different as she meets the young and determi...